9: Leo Zennor Trinidad

Magsimula sa umpisa
                                    

Malakas kong binatukan si Tev. Napakamot siya sa ulo niya at matalim akong tiningnan. Sinamaan ko siya ng tingin. Ngumiti siya. "Joke lang, Luna."

Nakangiting nilingon niya si Kuya. "Ang ibig ko pong sabihin ay para sa mga anak niyo ito," sabi niya saka inabot ang limang libo sa kamay ni Kuya.

"M-marami pong salamat," maluha-luhang sabi ni Kuya nang ipahawak na sa kaniya ni Tev ang pera.

"Maging mabuting ama ka sa kanila, Kuya."

"Opo."

Nang makaalis na si Kuya, naupo na kami sa bench at binuksan ang pizza. Napatingin ako sa tatlong milktea.

"Bakit tatlong milktea?" pagtatakang tanong ko. Nilagyan ng straw ni Tev ang tatlong milktea. Inabot niya sa akin ang isa.

"Leo, labas na."

"H-huh?" Nagtatakang lumingon ako sa paligid hanggang sa makita ko si Leo sa bubong at nag-uunat ng kamay. Magulo ang buhok niya, bagong gising.

"Ang ingay mo talaga kahit kailan, Steven," sabi niya. Nang bumaba ang tingin niya sa amin, nagtama agad ang mga mata namin dahilan para kumunot ang noo niya pero gaya ng dati, nag-iwas lang siya ng tingin saka tumalon mula sa-What?!

Ang taas no'n ha!

"Don't worry may sa pusa naman 'yang si Leo kaya ayos lang siya."

"Anong pinagsasabi mo?" tanong ni Leo nang makalapit siya sa amin.

Umiling-iling naman si Tev. "Wala, sabi ko kumain kana at malamang hindi ka pa kumakain." Pagsisinungaling niya.

"Stop talking," sabi ni Leo saka kinuha ang isang box ng pizza at kinuha ang hawak na milktea na dapat sisipsipan na ni Tev. Pagtapos no'n, nilayasan niya na kami. Naiwan kaming dalawa ni Tev nang nakatanga.

"What the hell?" tanging nasabi ko nang sumara na ang pinto.

Marahas siyang bumuntong-hininga. "That's expected."

"What do you mean?" naguguluhang tanong ko.

"Hindi pa 'yan nakain ng isang linggo."

Napakurap ako nang makailang beses bago makapagsalita. "H-huh?"

"Her mom punished him. My Tita. My Mom's sister."

"Bakit?" Usisa ko.

"Mataas ang pride ni Leo. Tita told him not to eat, so he didn't. Pero mukhang hindi niya na rin kinaya. He's in conflict with his mom because of being unfilial son."

Nagbaba ako ng tingin sa pizza na hawak ko. That guy is now going through hell with his own.

"Leo and I are always compared to each other. My mom keeps saying that I should be like Leo-matapang at may paninindigan. While Tita Candy keeps saying to Leo that he should be like me, matalino at malayo sa away."

Napangiwi ako sa sinabi niya. "So you're really a genius."

Mapait siyang ngumiti. "I came from the Section A, Luna. While Leo is in the worst section because of his bad records in his past school. Siya 'yung parang laging may sama ng loob."

"Oh, anong kinalaman ni Leo sa pagkakalipat mo sa section natin ngayon?" puno ng pagtataka kong tanong saka kumain na ng pizza. Gano'n din ang ginawa niya saka tumingin sa harap.

"Binubugbog siya lagi ng Mommy niya. She always mention my name rin daw sa tuwing nagkakaroon sila ng argument. Puring-puri raw ako ni tita. I hate seeing Leo as a weak man. He supposes to fight back but he didn't. He loves his mom despite the beatings he always gets. He always ignore every mean word coming out of her mom's mouth. I never saw his hand clenching because of anger. When it comes to her mom, he's as soft as a marshmallow. Pagdating sa mommy niya, ang haba ng pasensya niya."

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon