"Wow, good morning, old hag."

Natigilan kaming lahat nang dumating na ang kanina lang ay pinag-uusapan nila. Kitang kita ko kung paano kumiskis ang mga ngipin ng senyora nang mapatingin kay Senyorito Zamir. Napangisi lang ang senyorito saka umupo sa dulo ng hapag. Napaawang ang labi ko nang makitang wala siyang damit pang-itaas at tanging pajama lang ang suot n'ya. Kitang kita ang matipunong katawan nito. Agad namang nag-react ang katabi ko na si Ria. 

"Wow, pandesal," narinig kong bulong n'ya. Pasimple ko na lang siniko ang tagiliran n'ya. 

"What the hell are you doing, Luciferus?! Magsuot ka ng damit! And look at your body! What the hell did you do to yourself?! Look at those disgusting tattoos!" galit na asik ng senyora. 

Bahagyang napatingala si Senyorito Zamir, tila ipinapakita pa ang tattoo nito sa leeg at dibdib habang nakangisi, tila ba sinasadya n'yang mas inisin ang senyora. "What's wrong with my tattoos? They're hot though..." Pinasadahan n'ya pa ng dila ang itaas na labi. Kitang kita ang hikaw nito sa dila. 

Humigpit ang hawak ni senyora sa tinidor na hawak n'ya saka napapikit nang mariin. Napabuga siya ng hangin pagkatapos saka tumingin nang masama kay Senyorito Zamir. "H'wag na h'wag kang magbabalak na um-attend ng family gathering at events nang gan'yan ang hitsura mo, Zamir! Sinasabi ko sa 'yo, ipakakaladkad kita sa guards," nangingitngit na sabi ng senyora. 

"Don't worry, witch... I don't have plans attending those boring as fuck events." Inilabas ni Senyorito Zamir ang kaha ng sigarilyo n'ya saka kumuha ng isang sigarilyo at sinindihan 'yon. Tila wala siyang pakialam at humithit ng sigarilyo at binuga ang usok. 

"Kuya, don't smoke here. We're eating," tila nanenermong sabi ni Senyorita Adrianna. 

Napangisi lang si Senyorito Zamir at prenteng inangat ang paa sa mesa saka muling humithit sa sigarilyo n'ya. Napailing na lang si Senyor Alessio... palagi siyang tahimik sa mga ganitong sitwasyon. 

"Mama, let's just eat," sabi na lang ni Senyorito Adrianno saka humawak sa kamay ng ina. 

Tipid na ngumiti na lang ang senyora sa anak saka tumuloy sa pagkain. Muling natahimik sa hapag. Napapikit na lang si Senyorito Zamir habang prenteng nakaupo at naninigarilyo pa rin. Tila wala itong balak mag-almusal. 

"Kuya Zamir... I heard a lot about you in Manila. Narinig ko na isa ka sa highest paid architect doon... I'm proud of you," pagbasag ni Senyorito Apollo sa katahimikan. 

Marahang idinilat ni Senyorito Zamir ang mga mata nito saka tumingin kay Senyorito Apollo. "Well, of course. I maybe an asshole but I'm naturally smart... Right, Eleanor?" tanong n'ya saka tumingin sa senyora at napangisi. 

"Shut up," sabi na lang ng senyora, hindi nito binalingan ng tingin si Senyorito Zamir. 

"Why? I'm the smartest among your children, old hag. You know that. I'm even way smarter than Apollo," nakangising sinabi ni senyorito. "I'm not like Adrianno and Adrianna... you even paid Vista Querencia University just to pass them before," natatawang sinabi ni Senyorito Zamir, tila nanunuya, "...and you want him to handle our hacienda? You're being delusional."

Halos mamula ang mukha ni Senyorito Adrianno sa sinabi ni Senyorito Zamir. Napalunok na lang ako at napakapit nang mahigpit sa uniporme ko dahil mukhang magkakagulo na naman sila. Napapikit nang mariin si Senyorito Apollo at napahilot sa sentido n'ya, tila nagsisisi siya na sinubukan n'ya pang buhayin ang usapan sa hapag. 

"Don't act as if you're high and mighty, Kuya Zamir. You may be smart as hell but you're not using it in a right way. You did nothing aside from disappointing our parents and ruining our family's name," nangingitngit na sinabi ni Senyorito Adrianno. 

Flawed Series 1: Lost in His FireWhere stories live. Discover now