Chapter 2.

16 3 0
                                    


Third person POV'

Sa sobrang pagmumuni muni ni Aesthraia kagabi ay napuyat sya dahilan kung bakit siya na-late ngayon sa kanyang unang subject.

"I'm so sorry sir, I'm late" saad nya habang nakayuko kaya hindi nya namalayan kung may professor na ba sa harapan o Wala.

"Miss Zephyr, Wala pa tayong prof." Dahil sa sinabi ng isa nyang kaklase ay napangat sya ng tingin na sana hindi nalang nya ginawa dahil lahat pala ng kamag-aral nya ay nakamasid sa kanya.

Matulin siyang tumungo sa kanyang pwesto at yumuko dahil sa kahihiyan.

Hindi mapagkakailang mahiyain at introvert si Aesthraia hindi sya
Sanay sa maraming atensyon.

Maganda sya kung kaya't d maiwasang Hindi mapatingin sa kanya. Hindi nya namalayan iyon dahil masyado syang nakatutok sa kanyang mga problema. Hindi lang sya palakaibigan dahil ayos na sya sa presensya ng kanyang kaibigan, Sina Yvonne at Chiad. Taon na Ang kanilang pinagsamahan mula high school kaya sanay na sya sa kaingayan at kakulitan ng mga ito.

Minuto lang ang kanilang hinintay at dumating na Ang kanilang professor sa bioethics.

Habang nagsasalita sa harapan Ang kanilang guro ay lumilipad sa kung saan Ang utak ni Aes,

Andito na naman ako sa sitwasyon na 'to.

Bulong nya sa kanyang isip dahil napunta na naman sya sa pakiramdam na sinsakal, bumabalik muli sa kanya lahat ng pressure, Hindi nya na alam Ang paraan para makaiwas sa ganitong sitwasyon nya't Lalo pa ay nasa gitna sya ng klase.

"Miss Zephyr, I've been calling you for the third time. Aren't you listening?" Ang sita ng kanyang professor na nakapagpabalik sa kanya sa ulirat.

Agad syang napatayo at muling tinanong ng guro kung ano ang sinasabi nito.

"As I've said earlier, Miss Zephyr. You as a junior in college, What is the importance of bioethics in nursing?" may kadiinang saad ng professor.

Nakaramdam si Aes ng kaba dahil ngayon lang sya muli natawag sa mga recital dahil kadalasan at Hindi sya napapansin ng mga guro, pero iba ang araw na ito.

"W-well Sir, B-bioethics, as defined in Merriam-Webster, is “a discipline dealing with the ethical implications of biological research and applications especially in medicine.” It t-think that it compromises the basic principles,it is helpful in guiding how to approach and engage patients, especially when difficult decisions about life, death and interventional treatment are being indicated. Morals are slightly different and represent your personal belief system of what is right and wrong. That's all I can say Sir, thank y-you." Kinakaban niyang sagot dahil hindi Niya alam kung tama ba.

Nanatili siyang nakatayo habang hinihintay ang sasabihin ng kanyang guro.

"Excellent, Miss Zephyr, all of you should be like her kahit nakatulala ay may naiintindihan. Hindi katulad mo Mr.Abraxas nakatingin nga Hindi naman nakikinig." Mahabang ng kanyang guro. Hindi na nya masyado pinansin ang iba pang sinabi nito, agad syang umupo pagkatapos niyon.

Simula ng unang Semester ay Hindi pa sya nako-compliment ng kahit na sino sa mga guro nya kaya kahit paano ay nakagaan ito sa kanyang pakiramdam at nagbigay ng munting kasiyahan sa kanya.

Buong araw ay dala-dala ni Aes ang says na iyon, pero dahil iba Ang araw na ito ay dinaga Ang kanyang dibdib ng makitang maraming tao malapit sa bulettin board ng kanilang department kung saan inilalagay ang announcement, results ng exam, at iba pang mahalagang bagay.

Ngayon pala ang labas ng results

Abot-abot ang kaba'y sumingit sya sa kumpulan ng mga estudyante upang mapunta sa unahan. Nasiko't nabangga na sya pero wala parin syang pakiaalam basta ay makarating lang sya sa unahan para lang masaksihan ang parating na dagdag sakanyang kalungkutan.

Unang bumungad sakanya ay isang papel, hinanap nya agad ang kanyang pangalan, kaba ang kanyang naramdaman ng hindi nya mahagilap ang apelyidong Zephyr sa bandang unahan.


Aesthraia's POV'

Bagsak ako...

3.75 ang gradong nakuha ko, in-e-expect ko na ito pero Ang bigat sa dibdib, Ang sakit.

Hiyang hiya ako sa magulang ko, ibinibigay naman nila ang lahat saakin bakit hindi ko pa masuklian

Ang tanga ko..

Umalis ako sa kumpulan ng tao at naglakad patungo sa kung saan, 'di ko alam kung tama pa ba ang daan na tinatahak ko, ayaw ko lang aminin sa sarili ko na madami akong gustong maging.

Simula Bata pa ako, hindi na ako sigurado sa mga bagay-bagay. Noon ang pangarap ko ay maging piloto pero simula nung nakapanood ako ng isang plane crash sa t.v. nagbago ang gusto ko, gusto ko na maging doctor sa pagiisip na magagamot ko Ang mga civilian doon sa plane crash.
Dahil bata pa ang isip ko noon, naging iba-iba, naging chef, manager, teacher, marami pa.

Pero Hindi ko alam kung bakit napunta ako sa kursong hindi ko pinangarap noon.

I'm so confused to the point that I just wanted to end this shit-like life.

Binalik ako sa reyalidad nang ma-realize ko ang tumatakbo sa aking isip. Alam kong pressured ako sa sarili ko pero Hindi solusyon Yun.

End this shit-like life...

Kinastigo ko ang aking sarili dahil sa mga pumapasok sa utak ko, nakakatakot dahil parang sa bahagi ng utak ko'y iyon Ang sinisigaw.

Just like what others says don't let your demons defeat you, so I'll fight them, kakayanin ko kahit alam kong mahina ako.

Nakarating ako sa isang lawa, maganda ang tanawin at tahimik, maginhawa sa pakiramdam Ang hangin. Nagapatuloy ako sa paglakad at natanaw ang Isang duyan. Naupo ako doon at nagpatuloy sa pagmumuni-muni.

Kung saan saan umabot ang utak ko't namalayan ko nalamang na tumutulo na ang luha ko.

Why the hell are you crying?

What'll be your next reason?!

Do you even have a reason?

How pathetic...

'di mo na kaya?

Kasalanan mo yan!

Sunod sunod ang patak ng aking luha, nababaliw na'ko. Ang daming boses, Ang ingay.

Tinakpan ko ang aking tainga dahil sa sobrang daming boses, nakakabingi.

"Tama na, tama na please!" Nanginginig kong pagmamakaawa. Nagbabakasakaling tumigil ang ingay.

Tumahimik, nakakabinging katahimikan ang bumulaga saakin pagkatapos ko sumigaw.

I never knew that I'll be in this situation, I thought that I will never get through this.

I felt the vibration in my pocket kaya tiningnan ko ito

Mom calling...

"Hey mom!" Ang plastic ko, nakakatawa. Kaya Kong pasiglahin ang boses ko pero Ang sarili kong damdamin hinding- hindi.

"Tell me what's wrong, honey. Tell me how will I help you?" Garalgal ang boses nya ng itinanong nya sakin yun, iba yung sakit kapag naririnig mo ang sarili mong Ina na umiiyak dahil sa nararamdaman ng anak nya.

Tama nga ang sabi nila, ang mga magulang kapag nasasaktan ang anak nila doble ang sakit na balik sakanila. Sobra.

"I'm sorry, mom. I failed you and dad. I don't know how to face you. Nahihiya ako sainyo ni dad" sagot ko sakanya habang umiiyak din dahil sa sakit na nararamdaman.

"Umuwi ka na, anak. Pagusapan natin 'to" nagamamakaawa halos Ang boses nya at ayaw ko non.

"Yes, mom. I'm going home. Wait for me."  Sagot ko tska pinatay ang linya.

Drowned And Reclaimed Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz