Chapter 1.

42 3 0
                                    




Do you ever felt pressured about nothing? Or being suffocated on a clear space? Well, I really don't know.




I was once free of everything, Yung pressure na nararamdaman ko? Hindi ito mula sa magulang ko, kundi mismo sa sarili ko. My parents doesn't pressure me, alam ko naman na sinusuportahan lang nila ako kung ano man ang gusto ko. Alam ko rin na darating ang panahon na baka mapagod silang paalalahanan ako at Isa yun sa mga kinakatakutan ko. Masyado akong naduduwag pagdating sa kanila, Hindi ko alam kung saan nagmumula yung takot na iyon, ni minsan naman hindi nila ako diniktahan ng mga dapat kong gawin.




Ikaw lang naman nagbibigay ng pressure sa sarili mo e.




Pagkatapos bumuntong-hininga ay lumabas ako mula sa library, kakatapos ko lang magreview para sa exam mamaya, kinakabahan ako sa posibleng kalabasan dahil alam kong hindi ako magaling sa kursong nursing. Sumatutal ay Hindi ko alam kung saan ako magaling, Hindi ko alam.




Habang naglalakad ay nakasalubong ko ang isa kong kaibigan.




"I've been looking for you for about an hour now, Aes!" Eksaheradang saad ng kaibigan kong si Yvonne Mendez. Hanga ako sa kanya dahil alam na nya kung ano ang gusto nya, isa syang education student bagay naman sakanya dahil maalam sya sa kung paano maghandle ng mga bata at masasabi kong isa sya sa mga mabait na taoong kilala ko.




"Galing akong library nagreview para sa exam mamaya, medyo nagmamadali ako kanina kaya hindi na ako nakapagsabi, tapos na klase mo? Saan si Chiad?" Mahaba kong lintaya at bakas sa mukha ang pagtataka dahil wala si Chiad kaibigan ko din, Isa ring education student.




"As usual, nasa room pa may tatapusin lang daw at kanina pa ako nakalabas ng classroom kakahanap sayo." Sagot nya sakin gamit ang natural nyang malambing na boses.




"Sige, una na ako baka mahuli ako sa exam." Paalam ko sakanya.




Kung mapapansin ay agad kong pinuputol ang aming paguusap, alam ko kasing mapapansin nya na mukhang namomroblema ako, hindi rin ako makatingin sa kanya dahil alam kong mapapansin nya ang eyebags ko.




Pinagpatuloy ko Ang paglakad Hanggang makarating sa college of nursing department, madali akong nakarating sa room dahil nasa bungad lang ito.




Walang nakapansin saakin nang makaupo ako sa aking upuan, buti nalang at wala pa ang instructor kaya kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag.




Wala pang sampung minuto ay dumating na ang Instructor at nagsimula na, ganun kabilis na bumalik ang kabang kanina ko pa ikinukubli.




Halos isa't kalahating oras ang inabot ng exam, mahirap pero sa tingin ko naman ay 'di ako bagsak, Well hopefully. Bukas ay malalaman din ang results.




"Hey, you okay? May problema?" Nabalik ako mula sa pagmumuni-muni nang tinapik ni Chiad ang aking mukha. Si Chiad Lacoste, kaibigan ko, para ko narin syang kuya katulad ng pangarap ko dahil wala akong kapatid. Maalalahanin at masyadong nagsusunog ng kilay sa pagaaral. Matalino at masasabi kong gwapo lalo na kapag lumalabas ang kanyang biloy sa kaliwang pisngi na kanyang asset.




Nagkayayaan magkape kaya nandito kami sa paborito naming shop.




"Oo, ayos lang ako may iniisip lang." Sagot ko.





"Totoo ba Yan? Kilala kita tandaan mo yan." Sabi ni Yvonne na naglapag ng chamomile tea sa aking harapan, Ang paborito ko.





"Yes, that's true. Why would I lie to you? Sayo pa? Sainyo pa?"
Sagot ko tsaka humigop ng tsaa, hmm sarap. "Tsaka kailan ako nagsinungaling sainyo?" Dagdag na saad ko pa habang patuloy na humigop ng tsaa. Sarap talaga.




"Actually kanina lang, bakit 'di ka nagsasabi saamin na hindi mo na pala kaya ang course mo?" Dahil sa sinabi ni Yvonne ay parang nawalan ng lasa ang paborito kong tsaa.




"Sinabi namin sayo noon na kung 'di mo kaya magkatulad nalang tayo ng course para matulungan ka namin." Napayuko ako sa dagdag ni Chiad, nahihiya ako sakanila talagang kilala nila ako. Parang mas kilala nila ako kaysa sa sarili ko.




Nahihiya lang naman ako kasi baka masyado na akong nagiging dependent sa kanila, baka mabigitan sila sakin.




"..." Wala akong maisagot sakanila dahil nahihiya ako.




"Nahihiya ka na naman, tsk tumingin ka nga sakin." Pagkasabi ni Chiad noon ay agad akong tumingin sa kanya. "Tandaan mo mahiya ka na sa lahat 'wag lang sakin, samin." Nagpapaalala nyang saad at suot ang malambot na ekspresyon habang nakatingin saakin.





Tumingin ako sa mga mata nya at tsaka Kay Yvonne na halos kapareho ng ekspresyon ni Chiad.
Napakaswerte ko. Kung malas man ako sa pagtuklas ng tatahakin kong daan at propesyon na aking kukunin, napakaswerte ko naman sa mga taong nakapaligid sakin.




Pagkatapos namin magkape ay naghintay ako ng masasakyang taxi dahil wala ang driver namin. Masasabi kong lumaki ako sa marangyang pamilya, Ang kaibahan lang sa ibang marangyang pamilya ay hindi mahigpit ang mga magulang ko. Swerte ko rin sa parte na iyon.






Pagkatapos magbayad sa taxi ay bumaba na ako at dumiretso sa loob ng Bahay. Wala sila Dad and Mom dahil out of the country para sa isang investor from New Zealand.




Sinalubong agad ako ng isang kasambahay at kinuha ang gamit ko hindi na Ako nagreklamo dahil hindi rin naman ako susundin.




Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Habang umiinom ay may biglang tumakip sa mata ko.





"Hulaan mo kung sino 'to." Saad ng taong nasa likod ko.



"Uhm, tao?" Tanong ko.



"Oo" sagot nya.



"Uhm, matangkad?" Tanong ko muli.



"Sakto lang"



"Uhm, Malaki tyan?" Muli Kong tanong.



"Ang sama mo, pero oo" sagot nyang muli.



"Alam ko na kung Sino!"



"Sino?"




"Daddy ko syempre" Masaya kong sagot.




"Kilalang kilala mo talaga ako noh, tyan ko palang kilala mo na" tumatawang saad nya.




"Nakauwi na po pala kayo bakit Hindi nyo sinabi sakin? Si mom po?" Tanong ko sakanya.





"Nasa kwarto at inaayos yung mga pinaggamitan namin, mapagod rin siguro. Puntahan mo miss ka na nun." Saad nya kaya agad akong tumalima dahil miss ko na rin si Mom.





Naging masigla ako ng malaman na nakauwe na pala sila, miss ko na sila. Pero alam kong panandalian lang kasiglahan ko na ito dahil kapag mag-isa na ako babalik ang problema at mga insecurities ko.






Tulad nalang ngayong nakahiga ako't nagmumuni-muni tulad ng sinabi ko kanina bumalik na naman lahat.



Lahat-lahat.


To be continued...

Drowned And Reclaimed Where stories live. Discover now