"Yes, you should," sabi ni Kuya Jasper.

"How about you, Luna? Ano'ng plano mo?" tanong ni Mommy na nakaupo sa passenger seat.

"We'll be having a meeting-"

Nakita ko ang pag ngiti ni Dad sa rear view mirror. "Good. Attend your class mee-"

"With Alexus and the gang."

"Luna!"

"Dad, pumapasok na ako araw-araw sa school. Ginawa ko naman ang sinabi niyo at binalak ko ng tumiwalag. I just can't find the right time but don't ask me to leave those people. I will leave the gang but my friends? There's no hell I would forget and leave them."

"Looks like I'm right about naming you 'Luna', you're lunatic and confusing as hell," natatawang sabi ni Dad. "Ayusin mo lang ang pag-aaral mo and don't go home if you have bruises all over your body."

"I know," tamad kong sagot saka nagbaba ng tingin kay Ced na malungkot na nakatingin sa akin kaya idinikit ko ang noo ko sa noo niya.

"Dad, napapansin mo ba 'yang dalawang motor na nakasunod sa atin kanina pa?" sabi ni Kuya habang nilalaro rin si Ced.

"Yes, Jasper."

Nanlaki ang mga mata ko at nilingon ang likod ng kotse at tama nga sila.

Kanina pagkaalis namin sa bahay ni Lola, may napansin akong nakaparadang dalawang motor sa hindi kalayuan. Akala ko may bisita lang ang kapitbahay.

Are these men from Blackwing Gang?

"Dad, stop the car," utos ko.

"Huwag ngayon, Luna."

"Dad, I think those men are from the gang we encountered. I'll call Alexus for the back up."

"Akala ko ba kapag aalis na roon, wala ka ng maasahang backup sa kanila?" kunot-nuong tanong ni Ate.

"I'm still on the gang, Ate," mataray kong sabi saka tumingin kay Dad na binibilisan na ang pagmamaneho. "Dad, stop the car. I can face them."

"No, you can't!"

"Kaya ko, Dad!"

"No, you're not! Just hold tight!" sigaw naman ni Mommy kaya nagulat ako. Hindi palasigaw si Mommy at kung sisigaw man siya, meaning nun galit na galit siya.

"Just listen, Luna. Don't be stubborn," sabi ni Kuya Jasper na hinawakan pa ang ulo ko kaya hinampas ko ang kamay niya na natatawa namang inalis.

"Yeah, Luna. Stop." Gatong pa ni Ate Rhaine.

"Shit," mura ni Daddy. Sunod-sunod ang mura niya habang panay ang apak sa break. "Hindi gumagana ang break!"

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon