Kabanata 40

Depuis le début
                                    

Nagkibit balikat sya.

"Kahapon pa ako dito, right after your kidnapping incident"

"Huh? Paano ka napadpad dito?" maang kong tanong.

I'm still shocked with her sudden appearance here. All this time I thought she's enjoying herself somewhere far from me.

"Andami mo namang tanong, will you please let me in first"

Nataranta ako ng magtaas sya ng kilay na parang alam nya kung ano ang kabaliwang ginagawa ko.

Saka ko lang naalala na nasa loob nga pala si Zurich. Huli na para pigilan ko sya dahil nagawa nya na ring pumasok. Like a well-rehearsed entrance, sa kitchen pa talaga kung nasaan si Zurich sya dumiretso.

Natampal ko ang palad ang noo ng mapatigil si mommy matapos makita si Zurich na kumakain sa mesa. It was obvious na magkasama kami dahil naka set yun for two kaya mas kinabahan pa ako.

My mom gave me a 'humanda-ka-sa-akin-mamaya' look at pormal ang mukhang binalingan si Zurich.

"Hi I'm Praia's mom. Pelirina"

Naglakad sya palapit kay Zurich at naglahad ng kamay.

"Good afternoon ma'am, I'm Zurich Monteclaro" he stood up and they shook hands.

Wala akong nagawa kundi ipaghila ng bangko si mommy sa tabi ng sa akin. Ayokong bigla nya akong pagbalingan. I don't wanna be caught off guard with her questions dahil baka kung ano pa ang masabi ko.

She will surely freak out pag nalaman nya na nagtrabaho ako dito bilang tutor at yaya. Ayoko nang ungkatin ang nakaraan. I wanna leave the freaking past alone.

"Are you my daughter's boyfriend?"

"Mom!" apela ko kaagad.

Nakakahiya. Anong iisipin ni Zurich? Tsaka may girlfriend sya.

She tilted her head on me to show that she didn't do anything wrong.

"What? I'm just asking" she said innocently.

As if she's that naive not to realize that her question was so awkward.

"Let's talk about it later, we are having a silent lunch here" sa wakas ay nasabi ko.

"Okay I'll go ahead. See you around Mr. Monteclaro" paalam nya.

Taas noo syang naglakad palayo. Iiling-iling naman ako at sumunod sa kanya.

"Mom..."

Nagsisimula pa lang ako na mag-explain sa kanya pero pinatigil nya na ako.

"Don't bother. Sige bumalik ka na, let's talk some other time. Good luck sa lunch"

Napalitan ng pagtataka ang kaba ko dahil sa asal nya. I'm expecting her to shower me with hysterical sermons because she caught me having lunch with a man in my suite.

Naglakad na sya palayo kaya isinara ang pinto at bumalik sa kitchen.

"Sorry ganon lang talaga sya"

He shrugged then smirked.

"My mom is a worst version of yours what can I say"

Nahawa ako sa smirk nya.

His mom is kinda freaking me out so I have to agree. 

"Do have any plans for today?"

"You mean like swimming or something? Wala. Kakausapin ko lang siguro si mommy"

Fire of Seduction (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant