Chapter 2

6 0 0
                                    

PHOENIX’S POV
 

"HERE'S the details about their secret base. We will send out our assasination unit first." Isang simpleng tingin lang ang ibinato ko sa gawi ng grupo nila Charlotte habang ipinapakita sa mga naroon ang detalye ng hideout ng mga kalaban.
 

"Excuse me, sir. Pero paano kung hindi sila agad nakabalik sa ibinigay na takdang oras?" Taas-kamay na tanong ni Vivienne.
 

Wala sa sariling naikuyom ko ang mga  kamao bago ito sagutin. " If they did not return by the designated time... without consideration of our assasination unit's survival, we will bombing the base." Hindi ko  alam pero tila naging mapait sa panlasa ko ang mga huling katagang sinabi at hindi ko maiwasang mapapikit dahil dito. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko sa mga mangyayari mamaya.  Ibang kaba ang bumubundol sa dibdib ko nang mapadakong muli ang mga mata ko sa mga mata niyang walang buhay. Hindi ko mahulaan ang iniisip nito, hindi tulad ng mga kasama nito na kakabakasan ang matinding takot at pangamba para sa sarili at sa magiging kalalabasan nito. Kung makakauwi pa ba sila ng buhay at kug makakasama pa ba ang mga mahal sa buhay. Ito na yata ang pinakamalaking  misyon na gagawin ng grupo.
 

"You can't be serious! Sinong nasa matinong pag-iisip ang gagawa nun?" Tila nawawalang pasensiyang sigaw ni Cyrill.
 

"I'll go!"
 

"Nababaliw ka na ba, Charlotte?" Galit na bulyaw naman ni Vivienne dito. "Ha! Ikaw nga! Ikaw nga lang pala ang hindi nasa matinong pag-iisip ang gagawa nito." sarkastikong wika nito nang mapansing tiningnan lang ito ni Charlotte.
 

"Ito na siguro ang huling pagkakataon natin para mahuli sila kasama ang lider nila.  And even if I fail this assasination, please do not  miss this chance. No matter what."
 

"Ako na lang kaya ang papatay sa'yo, kung gusto mo ngayon na mismo! Siguradong hindi ako magmimintis ibaon ang balang ito sa napakatigas mong bungo." Naiinis na wika ni Vivienne sabay kasa sa baril.
 

"Enough! It is also an order from the president" ani ko at tila nanghihinang napaupo sa upuan. Gaya ng sabi ni Charlotte ito na siguro ang huling pagkakataon namin para mahuli ang pinuno ng mga teroristang matagal na naming gustong hulihin gayong matibay ang nakuha nilang lead para rito.
 

Ibinigay ko na kay Lt. Alejandro ang pagbabahagi ng plano sa mga ito, dahil bukod sa tinatamad ako ay hindi ko maiwasang tapunan ng matalim na tingin ang babaeng ito at sa halip na mag-focus ako sa plano ay pagbabato lang ng mga  matatalim na tingin ang matatapos ko. Nagtama na lahat-lahat ang mga mata namin ay hindi man lang makaramdam na hindi ako natutuwa sa pagsang-ayon niya agad sa mission. Maaaring wala nang pwedeng isalang sa ganitong mission bukod sa kaniya, dahil expertise niya ito, pero hindi ko parin maiwasang mag-alala kahit madalas ay kumukulo ang dugo ko rito dahil ang hilig nitong ligawan si kamatayan sa pinaggagawa nito.
 

Bago ko sila ipatawag, ay napag-usapan na namin ito ni General. At gaya nga ng dati ay nagiging ugat ito nang madalas naming pagtatalo dahil sa madalas kong pagsalungat sa plano.  Hindi ko lubos maisip kung bakit si Charlotte ang madalas nitong ibinabala sa ganitong kapanganib na mission. Bukod sa hindi marunong humindi ang babaeng ito at nagagampanan naman talaga nito ng maayos ang tungkulin ay tila sa ganun lang nagkakaroon ng buhay ang mga mata nito. Tulad ngayon, wala pa man sa kalahati ang ibinabahaging plano ni Lt. Alejandro, pero batid kong ang dami nang tumatakbo sa utak nito.

 
Sa lahat ng mga mission na hinawakan ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng matinding stress. Every single day was stressfull, but today's mission gave me so much stress and add to this mess, a woman who's stubborn na willing habulin si kamatayan kahit pa ang huli na mismo ang lumalayo.
 

TO LIVE AGAINWhere stories live. Discover now