CHAPTER 1

14 0 0
                                    

CHARLOTTE’S  POV
 
"BANG!"
 
I started to drive at full speed as I heard the signal to start the race. I was driving as if it is driving for my life, although I didn't care about my life. Halos literal na lumipad na ang  sasakyan ko. At this rate, saka lang ako nakakaramdam ng kalayaan.
 
Dinig na dinig ko ang langitngit ng mga gulong nito sa trackfield. Kitang-kita ko rin kung paano lamunin ng alikabok ang kalaban ko ngayon. Napangiti ako nang makita isa na lamang ang nakaharang sa daraanan ko. At tila naramdaman naman nito ang balak ko. Kaya bawat subok kong lampasan ito ay nauunahan na ako nito, hinaharangan nito ang maaari kong lusutan.
 
Muli kong tinapakan ang gas, my car speed away. Ilang lap na lang ang tatapusin namin pero ito parin ang nangunguna. I rotated my car around the sharp curve of the trackfield. My opponent's car slow down but mine didn't. My blood stirred and adrenaline pumped out through my bloodstream. I smell victory, I quickly passed my opponent in seconds.
 
"Damn! Lottie, that was stupidly dangerous stunt! Magpapakamatay ka ba?" Singhal ni Lucas nang makababa ako mula sa sasakyan.
 
Kumunot lang ang noo ko sa tinuran nito. Hindi ko alam kung ano ang ipinuputok ng butse nito gayong nanalo naman ako at ganun rin ito dahil sa akin ito pumusta. Magrereklamo pa sana ito ng bumukas ang pinto nang katabi kong sasakyan at iniluwa nun ang isang matangkad na lalaki.
 
Nagtama ang paningin amin at gaya ng dati, he  was glaring at me.
 
"Nice match, dude!" Ani Lukas at bahagya pang tinapik ang balikat nito.
 
"Tsk! Meeting. 7 p.m." malamig na wika nito bago pinagpagan ang balikat na tinapik ng isa.
 
Sabay lang kaming napatango ni Lucas bilang sagot dito, dahil sanay na kami sa ugali nito.
 
"Jeez! Ikaw kasi, pulbos na nga tinunaw mo pa ang dignidad nun!" natatawang bulong nito sa akin para hindi kami marinig nito. Bahagya ko itong itinulak palayo sa akin. Hindi naman kasi kami closed nitong kumag na ito para kung makabulong sa akin.
 
"But seriously, ang payat-payat mo pero I wonder why are you not thrown out of the window when you took that sharp curve? Sa gaang mong 'yan, you keep seated on the cockpit?" Manghang wika nito at inakbayan pa ako. At dahil nga hindi ako sanay na may lumalapit o nakikipag-usap sa akin maliban sa dalawa kong kaibigan ay isang siko at sipa ang isinagot ko sa feeling closed na kumag na 'to.
 
"Ouch!" anito na napaluhod. At dahil naka-short lang ito at nakita kong nagasgasan ang tuhod nito.
 
What the? Kalalaking tao ang daling paluhurin! Seriously? Ito makakasama ko sa mga mission? Do I need to babysit this moron?
 
"Do you have a band aid?"
 
"Seriously? Can you just lick your wounds?" I just gave him my blank stare.
 
"Well, you see. I just scrapped my knees falling for you!" then he winked at me.
 
Can I just kill this idiot, right now?
 
Isa sa mga ayaw ko rito at talaga namang ayaw ko rito, he is the true walking description of the word "playboy".
 
"Good! Feel the agony and pain." ani ko at tinalikuran na ito.
 
"But it worked on the other girls!" Habol naman nito sa akin.
 
"Unfortunately, I'm not one of those girls."
 
Nauna na akong maglakad dito dahil naririndi na ako sa bunganga nito na daig pa ang inahing manok, ngunit hindi pa ako nakakalayo sa sasakyan ko nang makaramdam ako ng kilabot. Inikot ko ang mga mata sa trackfield hanggang sa mapadako ang mga mata  ko sa bleachers kung saan kitang-kita ang buong circuit.
 
"Anong meron? Ano bang tinitingnan mo diyan eh katabi mo na nga ang isang magandang tanawin."
 
Isang malamig na tingin lang ang ibinigay ko rito bago muli itong tinalikuran.
 
 
"BUT THERE are too many civilians in that area." Reklamo ng isang colonel habang itinuturo ang isang area ng mapa ng isang maliit na bayan na nakapresent sa harap namin.
 
Kasalukuyang nasa mainit na pagtatalo ang naabutan namin  nang pumasok kami ng mga kasama ko sa pangunguna ni Phoenix- ang lider namin at ang huling nakalaban ko sa  race kanina na tila pinaglihi sa sama ng loob dahil bukod sa hindi na palakibo at mabibilang lang ang mga salitang namumutawi sa bibig nito ay ubod pa ng sungit at suplado.
 
"You must come to a decision. If we lose them here, we won't have a chance like this ever again" kontra naman ng isang may edad na lalaki.
 
"If we lose them then more will die from those terrorist attacks! The civilians there will be killed by their hands." sang-ayon naman ng isang lalaki na nakaupo isang executive chair ng long table.
 
"Are you trying to say that it doesn't matter if they die in our hands since they will be killed by those terrorist anyway? There would be children there! " Galit na kontra ng isa naman.
 
"ENOUGH!" sigaw naman nang nakaupo mismo sa pinakasentro ng long table. "What do you think, Colonel Riguel"?
 
I shifted my sight from the map in the screen to our leader.
 
Tila ngayon lang kami napansin ng mga ito nangg banggitin ang pangalan ng lider namin dahil narin  siguro sa mainit nilang pagtatalo. Hindi naman kasi marunong bumati ang isang ito  kahit na kanino, kahit pa sa mismong tatay nito na siyang general. Kaya kahit isa rin sa amin ay walang nagkusang bumati man lang sa mga ito. Ano pa nga bang silbi kung hindi naman kami maririnig ng mga ito?
 
" I do not understand why you are arguing. We just need to bomb that area before they escape." Cold na wika nito.
 
"Colonel! We, army has its duty to think about the safety of its civilian!"
 
"Colonel, please reconsider. There has to be another way."
 
"Colonel Gilbert, if those 100 people don't die there, the next 1000 or more than 1000 people might die their hands. Isn't that simple math? Kung hindi mamatay ang lider nila ngayon, those people will regroup again" sagot ni Phoenix rito na para bang ang hina umitindi ng kausap nito. At ito na yata ang pinakamahabang sinabi nito kaya natahimik ang ilan sa kanila.
              Napatunog ko tuloy nang de-oras ang leeg ko, nangangalay na kasi kakapalit-palit ng tingin sa mga nagsasalita. Bawat isa ay may kani-kaniyang suhestiyon at paniniwala. Mahabang litanya lang pala ng Dragon ang tatapos.
"This operation this time seems weird for  some reason." Bulong ng katabi kong si Lucas habang lumalabas kami ng meeting area at naiwan na lamang ang ilang may matataas na posisyon para sa iba pang detalyadong plano. Isang kibit-balikat lang naman ang itinugon ko rito, ngunit gaya nito ay ganun din ang nararamdaman ko sa gagawing operations mamayang gabi.
 
Isang mainit na kamay ang humawak sa kanang kamay ko kaya napatingin ako sa may-ari nito.
 
"Hi, bestfriend! Kumain ka na ba?" Malambing na tanong ng kaibigan kong  si Vivienne.
 
"Excuse me! Sino ka para tawaging bestfriend ang bestfriend ko?" singit naman ng isa ko pang kaibigan  na si Cyrill na kararating lang at mukhang narinig pa nito ang pagtawag sa akin.
Walang araw na hindi nagtatalo ang mga ito sa titulo kung sino nga ba talaga ang bestfriend ko. Well, pantay lang naman ang tingin ko dalawang bubwit na ito. Pero hindi ko lubos maisip kung bakit nakakatagal ako sa mga ito gayung isa ulit sa mga pinaka-ayaw ko bukod kina Dragon at Lucas the Luka ay ang mga maiingay at makukulit na nilalang. 
 
"Hoy! Sirilyo! Hindi pa tapos ang ipinapagawa sa'yo, at bakit nandito ka na?" singhal naman ni Lucas na ang hilig din sa sigawan. Sa totoo lang gusto ko nang paghihilahin ang mga dila nila ng mga ito at pagbubuhulin. Hindi naman kalayuan ang mga kausap ng mga ito pero ang hilig sa sigawan at pataasan ng boses.
 
CYRILL’S POV
 
"THEIR hiding place.... is the data reliable?"
Napahinto naman kaming lahat sa pagsubo nang marininig ang  mahinang tanong ni Vivienne. Kasalukuyang nasa canteen kami ng headquarter para kumain bago bumalik sa meeting area para sa mas malinaw na detalye ng magiging operations namin mamaya.
 
"We have no choice but to believe. Isa pa nakapagdesisyon na ang mga nasa taas. Ang kailangan lang natin ay kumilos ayon sa kanilang utos" malamig na sagot naman ni Charlotte kaya rito naman napadako ang mga  atensiyon namin. "Also, there's no evidence that the intel is wrong".
             
              Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa mangyayari. Wala naman nang bago sa amin ang ganitong pangyayari  dahil bahagi na ito ng araw-araw naming buhay. Walang araw na hindi nanganganib ang buhay ng bawat isa sa amin. Pero itong mission ngayon ang nagbibigay sa akin ng matinding  kaba. Hindi ako mapakali lalo na ng mapadako ang paningin ko kay Charlotte na tulad ng dati ay normal parin ang ikinikilos.
 
"You! Aren't you scared of death?"  
 
Isang malamig na tingin lang ang isinagot nito kay Lucas. I know what she means by that, because in reality, Charlotte herself was secretly waiting for her own death. Hindi na lingid sa aming lahat ang kawalang pakealam nito sa kung anong bagay o buhay maski sa sarili nitong buhay. Ang tanging nakatatak lang yata sa isip nito ang mabigkas o marinig ang salitang “ Mission Accomplished”.  She, in a word, was like a machine. She valued efficiency for victory.
She is what everyone calls a reaper, and all of us here no one knew about her. When I first learned about her, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng mga panahong iyon. Una, nahihiya ako sa sarili ko. Kalalaki kong tao, ang dami kong reklamo sa buhay. Lahat ng ipinapagawa sa amin ay parating may kaakibat akong reklamo, samantalang ito ay hindi yata uso ang tumanggi o umayaw. Dahil kung tutuusin ay mas mahihirap pa nga ang napupuntang assignment dito kumpara sa mga lalaking kasama namin dito. Pangalawa ay hindi ko alam kung naaksidente ba ito at nagka-amnesia para hindi makilala ang pamilya, dahil sa tinagal na naming magkasama ay hindi pa namin ito nakitang umuwi sa sariling pamilya  o mabanggit man lang ang pangalan ng mga ito. Parating sagot lang nito ay hindi ko alam at hindi ako interesadong alamin. Bukod kasi kay General Riguel ay walang nakakaalam sa tunay na pagkatao nito. Kung hindi ko nga lang ito nakikitang kumakain,  natutulog o nasusugatan  sa tuwing may mission kami ay iisipin kong robot ito. Bukod sa wala kang ekspresyong mababasa sa magandang mukha nito ay tila pati emosyon nito ay hindi narin gumagana. Hindi lang tinig nito ang malamig, ganun narin ang mga mata nitong walang buhay.
 
 
 
 
 
 

TO LIVE AGAINWhere stories live. Discover now