Chapter 13: Something Visual

Start from the beginning
                                    


Tumulo agad ang mga luha ko pagkatapos sabihin ni Kevin iyon. Sobrang naramdaman ko iyong sincerity niya. Naramdaman ko kung gaano niya ako kamahal.


“Hindi ko alam kung papano kita pasasalamatan muffin sa lahat ng ginawa mo para sa’kin. Hindi ko alam kung papano ko masusuklian iyon. Pero I promise you, kahit na sa kabilang buhay mamahalin parin kita. I want to be with you hanggang sa pumuti na ang mga buhok natin. Pero if ever na mauna ako sa’yo, I will wait for you kahit na ilang taon pa because I love you..”


“Shhh!! Don’t say that. Magkakasama pa tayo ng matagal na matagal pa. Now make your wish and blow your candle..”


Sambit ni Kevin.


Ipinikit ko ang mga mata ko saka ako humiling.


Sana magiging okay ang lahat. Sana, lalabas si baby ng healthy.


Pagkatapos kong humiling, binuksan ko ang mga mata ko saka ko hinipan ang kandila na nakapatong sa cake.


*clap* *clap* *clap*


“WOOOOOO!!!!!”


Nagsigawan kaming lahat pagkatapos.


“Happy birthday baby...”


Nilapitan ako ni Mommy at Daddy saka nila ako niyakap ng mahigpit.


“Thank you Ma.”


“Hindi namin alam ng Daddy mo kung anong ibibigay namin sa’yo. Nasa sa’yo na kasi ang lahat kaya naisipan nalang namin na bigyan ka ng something na magagamit ng apo namin paglabas niya.”


Inabot ni Mommy at Daddy ang isang kahon sa’kin saka ko binuksan ang wrapper. Mga damit ng baby ang binigay ng parents ko sa’kin.


“Thank you Ma.”


May mga dala ring regalo ang mga kaibigan ko para sa’kin at pati narin ang parents ni Kevin pero hindi ko na binuksan iyon dahil inuna na namin ang pagkain.


Parang ginawa lang naming party hall ang hospital room ko.
“Kainan na!!!”


Sigaw ni Aya saka niya sinugod ang pagkain.


“Aya! Dahan dahan lang. Hindi ka naman mauubusan eh..hehehe”


Saway ko sa kanya.


“Alam ko iyon Mia pero talagang gutom na ako eh. Ang sarap na talagang kumain. Hindi kasi ako nag lunch dahil gusto kong paghandaan ang party na’to. Para naman madami akong makain ngayon.”


Sagot ni Aya.


“hahaha!!!”


“Ang takaw mo!!!”


Saway ng boyfriend ni Aya sa kanya.


“Hindi ka na nasanay? Kahit na matakawa ko maganda naman ang katawan ko noh! Ohh!! Anong sabi mo sa katawan ko? Eh di wala? Tuloy laway mo!!”


Kumembot kembot pa si Aya sa harap ng boyfriend niya na nagpatawa saming lahat. Hindi parin talaga nagbabago si Aya. Ganun parin.


“Anong gusto mong kainin?”


Tanong ni Kevin sa’kin.


“Hmmm.. Everything? hehe. Minsan lang naman ‘to eh kaya kainin ko na lahat..”

Memoirs of the Casanova's Wife (Completed)Where stories live. Discover now