6: Punishment

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagbaba ako ng tingin. "Wow! Nagawa mo pang mambola sa lagay mong 'yan, ha? Nakikita mo na ba si Satanas?"

"Hindi...Baka Anghel." Kumindat pa ang gago. Ang lakas talaga!

"Ano'ng nangyari rito?" tanong ng nurse na agad kay Rance kaya tumayo na lang ako bigla.

"Ouch!" sigaw nito kaya napatingin ako rito saka tumingin kay Chaos na umiiling.

"Bakit mo naman kasi binagsak ang ulo niya, Luna?"

Ay oo nga pala hehe.

"H-hindi ka manlang magso-sorry?" tanong ni Rance.

Sorry.

Hihilain ko na sana ang upuan ko nang biglang may humila sa kamay ko. Akmang susuntukin ko nang makilala ko ang likod nito. Pinagtinginan kami ng lahat lalo na ang mga nasa labas pero agad namang nagsipasok nang makipagsalubong ng tingin kay Deth.

Si kamatayan nanunundo at-ako ang sinusundo niya? Pakshet!

Dire-diretso kami ng lakad hanggang sa nakarating kami sa puno ng Narra, medyo malayo na sa room. Imbis na kumalma, lalo lang akong nag-apoy sa galit nang marahas niyang bitawan ang kamay ko.

Ponyeta! Ang sakit nun, ha! 'Yung braso ko!

"Ano ba'ng problema mong weirdong gunggong ka?!" sigaw ko sa kaniya kasabay ng pagtaas ko ng kamao ko. Hindi tumama ang suntok ko sa kaniya. Mabilis din pala mag-react ang katawan niya.

"Ikaw!" sigaw niya kasabay ng pagduro niya sa akin.

Tinabig ko ang kamay niya. "Malamang ako! Alangan naman 'yung puno, eh ako ang kausa-"

"Bakit ka nangingialam?! Why did you go to the Section A?!" galit na galit na sigaw niya.

Paktay! Paano niya nalaman? Sinabi ba sa kaniya ni Grace? O nung Nikolai? Ito ba ang dahilan kung bakit walang nangyaring kung ano kay Leo? Ano ba'ng nangyayari?

"I'm talking to you, woman!" sigaw niya ulit matapos kong matulala lang sa tanong niya.

"I know na I am a woman but don't call me that! I'm Luna! Luna Amora Velasquez! Isa pang woman, tatamaan kana sa akin!" Sigaw ko rin pabalik. Ramdam ko ang pagkulo ng dugo ko sa lalaking 'to. "Oh, ano naman kung nagpunta ako roon?! Ano naman sayo? Pake mo?!"

Kita ko ang pagtagis ng bagang niya. Ipinikit niya ang mga mata niya na animo'y nagtitimpi. Nang magmulat siya, seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha niya.

"Basta huwag ka ng makialam," tanging nasabi niya saka ako nilagpasan.

Naiwan akong nakatanga hanggang sa nakabawi ako sa pagkatanga at nilingon siya. "Siraulo ka!"

Shit, hindi pa pala nakakalayo.

Matalim ang mga matang nilingon niya ako kasabay ng paglipad ng isang bagay. Awtomatiko namang umangat ang kamay ko at nasalo ang hinagis niya sa akin. A ballpen?

"You'll face your punishment. Follow me and wipe those blood in your hands."

Huh? Ano raw? Punishment? Do I deserve punishment after ko magmatapang doon para hindi mapaalis 'yung kaklase namin na nanggugulo?

Naglakad na siya pero nanatili ako sa kinatatayuan ko. Anong palagay niya sa akin walang ballpen? Saka bakit ako susuno-

Nilingon niya ako at ngumisi. "You don't want to follow? Fine, I'll send you to the office and it's my pleasure to be a witness na nagpunta ka sa Section A."

Namaywang ako saka siya inirapan. "As if may maniniwala sayo. Wala ka roon dahil kasama mo si Chaos. Wala kang ebidensya."

Pilyo siyang ngumiti. "Oh well, Miss Luna, I want you to know that I hold the most important position here in this school so I can pull up some strings to-"

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon