2: West Star High School

Magsimula sa umpisa
                                    

Pinagkrus ko ang braso ko sa harap ng dibdib ko. "You introduced someone to me pero ikaw na nakasunod sa akin magmula kanina, hindi pa nagpapakilala."

"Oh, right. My name is Kairhys Dale Perez."

"Okay."

Kumunot ang noo niya. "Anong okay? Anong pangalan mo?"

"Tingnan mo sa birth certificate ko." Tinalikuran ko siya at dire-diretsong naglakad papunta sa likod ng school. Mabuti na lang at nainform ako tungkol dito. Kabisado ko na rin ang blueprint-charot!

Nakarating ako sa likod ng school at ang bumungad sa akin ay tatlong room at sa labas nito ay parang may World War III na nagaganap. Takbuhan dito, takbuhan diyan. May mga basag na bote, basura, at mga sigarilyo na nagkalat. May mga nagja-jamming sa dulo ng hallway, may nagsusuntukan, may mga nakaupo sa railing na nagsisigarilyo, at may hawak na kutsilyo!

Nanlaki ang mga mata ko nang may lumabas sa room na duguan ang kamay.

What the fuck is this place?!

Sa harap ng room ay may bakuran na ang tataas ng damo at kalat-kalat ang basura.

Napatingin ako sa sapatos ko nang pakiramdam ko ay may parang malagkit. At nang iangat ko ito, nanlaki ang mga mata ko nang makita ang bubblegum!

Calm down, Luna. It's just a fucking bubblegum. But the hell?! Bagong bili ito ni Alexus sa akin!

Pumunta ako sa damuhan at do'n ito tinanggal gamit ang dahon saka ako tumayo nang maayos.

"Nice view?" boses iyon ni Kairhys, 'yung lalaki kanina.

"Hell," sabi ko na nakadiretso lang ang tingin sa signage na nasa taas ng pinto na may nakasulat na 'Room A-Dark Section'

He chuckled. "No, this is the dark section."

I faked my smile. "What a joke section."

"Agree."

"Saan dito ang advisory class ni Ma'am Valdellon?"

"Ito." Turo niya sa unang room saka itinuro ang room sa dulo. "At ang room na nasa dulo ay mga kaklase lang din na'tin. Hinati lang ganun."

"Bakit kailangang hati-" Natigil ako nang silipin ang room at makita ang mga upuan na kumpol-kumpol na halatang hindi nauupuan. Ang ilang bintana ay basag habang ang ilan naman ay wala talagang bintana. Ang labas ng bintana ay papunta na sa likod ng school-na puro puno.

Iniwan ko ang lalaki at pumasok na sa loob. Humila ako ng isang upuan at ipinuwesto sa gilid ng bintana saka naupo. Gano'n din ang ginawa ni Kairhys na tumabi pa sa akin. Magsasalita pa sana siya nang biglang pumasok ang teacher kaya natahimik nalang kaming dalawa.

Bahala na ang iba sa upuan nila. Ano sila gold?

"Nandito kana pala, Ms. Luna Velasquez. How's your first impression to this room?" Tanong niya na parang walang pake sa gulo ng room.

"Hell."

Okay, narinig na ng kumag ang pangalan ko.

Mahina siyang natawa saka kinuha ang libro. "I am Eric Del Rosario, your English teacher. Isusulat ko muna ang keywords sa blackboard and I'll discuss it after."

Tumango kami ni Kairhys pero nagtataka ako at bakit walang pumapasok kahit na nandiyan lang naman sila sa labas.

Lumapit ako sa kaniya para bumulong. "Why Sir Eric starting to have a lectures, e, nasa labas pa ang iba?"

Nanatiling nasa harap ang tingin niya. "They have no care saka wala rin talagang pake si Sir. Magtuturo siya sa handang makinig sa kaniya."

Pagkatapos ni Sir magsulat sa blackboard, idiniscuss niya nga ito kahit sobrang ingay sa labas. Naintindihan ko naman ang lahat ng sinabi niya at may pinagagawa pa nga itong assignment na madali lang para sa akin.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon