"Ah , eh bakit mo pa binago hindi ba mas maganda kung yung malawak na white room na lang ??" tanong ko.

"Well your right , but mas maganda siguro kung sa gubat para mas challenging ." sambit niya sabay tawa.

"Sige sa tingin ko mas okay nga . Start na tayo ."

"Hmm, sure . But can we fight with lost guardians first before ourselves? Marami pa naman tayong time mag one on one eh." suggest niya.

Hmm. Siguro tama yun dapat muna naming itrain ang fighting skills sa iba bago  sa isa't isa.

"Sige pero wait, lost guardians? Ano yun?" tanong ko.

"Ah , yun yung mga guardians ng mga namatay na  warriors , knights o mga taong naninirahan dito sa Gādian Kingdom . "

"Huh? Hindi ba naglalaho na dapat yun? " tanong ko dahil ng m-mawala si mama naglaho din si C-cara.

"Well tama ka pero sila yung mga guardians na gahaman sa buhay , kaya't ipinahuli yun ng middle kingdom king tapos napag desisyunan niyang ikulong ito sa bawat training room ng Academy para may magagamit ang mga Shin's sa pag te-training  . " mahabang paliwanag niya.

"Pero pwede ba yung patayin ?"

He giggled at me . "Of course , paano magiging makatotohanan yung training ? You know what let's start na. "

Sumimangot ako pero tumango na rin.

"Elliot fly out!"

"Fasha I summon you!"

Matapos naming isummon ang mga guardian namin ay nagsimula na kaming maglakad papasok sa gubat nakasakay si Tim sa likod ni Elliot habang lumilipad sila sa ibabaw namin ni Fasha.

Akala ko lilipas pa ang ilang minuto bago lumabas ang aming makakalaban pero halos isang minuto pa lang kami sa loob ng gubat ay sinalubong na agad kami ng ......

Isang napaka laking LION!!!!

"Fasha Lazer eyes !" utos ko.

Agad na nagpakawala ng lazer si Fasha at natamaan ang pisnge ng lion dahilan para mag-apoy ang mga mata nito sa galit.

Gumawa ng isang nakakatakot na tunog ang lion . Matapos yun marami pang mga lion ang lumabas . Bali siyam na sila ngayon.

"Wow a pack of lion for our first enemy ,not bad." komento ni Tim.

Nagawa pa niyang mamangha?!

Agad na tumakbo paatake ang mga lion kaya mabilis akong bumaba sa likod ni Fasha umatake naman agad si Tim.

"Fasha Hurricane blades!"

Nagpakawala ng maraming hurricane blades si Fasha nasugatan ang ilan sa mga lion pero hindi ito nagpatigil sa kanila na umatake .

Yung lion na nasugatan ko ang pinaka unang nakalapit sa amin. Tumalon siya habang nakabuka ang matutulis na kuko. Mabilis kong kinontrol ang batong malapit sa akin at ibinato sa lion.

Nakalapit na rin ang iba pang lion.

"Fasha Tail Tornado!"

Nilipad ang lahat ng mga lion papalayo sa amin. Pero agad na nakatayo yung isa, yung pinaka una kong nasugatan. Mas dumoble ang apoy sa mga mata nito. At...... Bigla itong napalibutan ng itim na usok.

Matapos mawala ng usok ay..ay..ay naging napaka laki ng lion at naging kulay itim ito!!!!

What the fritatata?!

Naging usok na naman ito at nawala sa kinaroroonan niya. Bumagsak na lang ako sa lupa ng makalmot ako mula sa likod ko. Mukhang kaya nitong mag teleport ah. Mabilis naman na humarang si Fasha.

Shin Yū Academy Where stories live. Discover now