PROLOGUE

662 14 2
                                    

"THE WORLD'S HIGHEST PAID MODEL IS NOW IN THE PHILIPPINES."

Sunod sunod na pag click ng camera ang maririnig sa buong paligid. Nakakasilaw ang mga flash na nagmumula sa camera ng mga media na uhaw na mainterview siya.

Iritado man sa ingay at sa nakakasilaw na flash. Pinanatili pa rin niyang kalmado ang sarili. Ayaw niya masira ang ini-ingatang imahe.
Walang pagbabago, Philippines is still a Philippines although 7 years na ang nakakalipas ang huling tapak niya sa bansang kinasusuklaman.

"Ms. Loiza, what makes you come here?"

"Is there any truth that you have been fired?"

Napahinto siya sa narinig. Inangat ang kanyang mamahaling sunglasses at tinignan ang reporter. Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi niya inaasahan ang taong nakita.

"Ms. Loiza bilisan na po natin mas dumadami ang mga tao." bulong ng kanyang Pinay na manager.

Mabilis niyang iniwas ang kanyang mata sa hindi inaasahang reporter. Hindi siya makapaniwala na makikita niya muli ang taong naging parte ng kanyang nakaraan. Mapait siyang ngumiti, maliit talaga ang mundo.

Maraming body guards at mismong guard ng airline ang nakapaligid sa kanya hanggang sa paglabas nila ng airport. Kung sa loob ay maraming nag-aabang sa kanya ngayon ay mas doble pa. Kaya maging ang mga empleyado mismo ng airport ay tumulong na rin para sa seguridad niya.

Kung maraming fans at reporter sa loob mas maraming nag aabang sa kanya sa labas. Tuloy tuloy ang kanyang paglalakad. Wala siyang pinansin na reporter at maging mga fans niya na panay ang tawag sa kanyang pangalan.

Nakita niya na ang limousine na kanyang sasakyan. Pasakay na siya ngunit napansin niya ang pulang ilaw na nasa kanyang dibdib. Napa-angat siya ng tingin---isang sniper na nasa malapit lamang. Kaya mabilis siyang pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. Isang putok ng baril ang umalingawngaw dahilan ng pagkagulo lalo ng mga tao.

"Dalian mo mag drive!"

Gamit ang katabing bintana sinulyapan niya kung saan naka pwesto ang sniper. Napangisi siya ng hindi man lang tumagos sa salamin ang balang pinakawala nito. Kahit 'di nakikita itinaas niya ang gitnang daliri.

Hindi siya bobo kung kukuha siya ng ordinaryong sasakyan. Kung sinoman ang nasa likod nito tiyak niyang kalaban niya iyon. Isinandal niya ang kanyang likod at naglagay ng airpods, gagawin na lamang niyang busy ang sarili sa pakikinig ng kanyang paboritong kanta.




⚠️ Beware with grammatical errors and typos.

Slowly update..

Mysterious Goddess: Loiza MendezWhere stories live. Discover now