Introduction

4 0 0
                                    

Halos mapunit na ang mga pisngi ko sa kakangiti sa paglilibot sa buong university. This is my first day! I have to make a good impression!

Gaano nga ba ako kadeterminadong makihalubilo sa mga tao? For one, I stayed up burned under the scorching sun just to talk to people. I also made effort to give everyone my signature smize.

Marami na akong mga nameet at may party pa na naging invited ako! Sobrang saya! I think I'm gonna find a best friend in the crowd. Who knows?

Kaya naman pagkatapos ng klase ko ay agad akong dumiretso sa tinutuluyang apartment building upang makapagpalit at makapunta agad sa party. I'm just so excited!

"Hello?" sagot ko ng tawag kahit hindi ko alam kung sino ito. Iba't-ibang mga tao kasi ang binigyan ko ng number ko kanina.

"Hi, I'm Jessamine from Education, remember? Tanong ko lang kung gusto mo bang sunduin kita para sabay tayong magpunta ng party?"

Natawa ako. Sa totoo lang ay hindi ko siya kilala. I can't even remember the name but I'm sure makikilala ko siya kung makikita ko ang mukha niya.

"Sige, sure! Magkita nalang tayo sa malapit na convenient store sa university?" hindi pa naman ako gano'n katanga para magpasundo sa mismong tinutuluyan. Privacy matters.

I dropped the call when she agreed. Magkita daw kami in an hour. Naligo muna ako at inisip ang mga lesson kanina na parang nagre-review. After that, I wore a little black dress and a red lip stick. I straightened my already straight hair and added perfume. I'm done!

Pagkarating ko sa convenient store ay sinalubong ako ni Jessamine... ngunit hindi pala siya nag-iisa. Kasama at hatak-hatak niya ang isang babaeng nakasuot lamang ng simpleng high-waisted jeans at plain black shirt. Nakayuko ito na para bang nahihiya.

"Sorry, hindi ko agad na sabi na may kasama ako, Inez," ngumiti lang ako. "Ito nga pala si-Hoy!" sigaw niya nang mabilis na umalis ang babae palabas ng convenience store.

Sinundan ko siya ng tingin at agad siyang tumakbo nang hindi man lang lumilingon o tumitingin sa dinaraanan. Hindi rin sya nag-abalang alisin ang iilang hibla ng buhok na tinatabunan ang kaniyang mukha. Weird.

"Pasensya na. Hinatak ko lang talaga ang isang iyon. Masyado kasing introvert."

"Your friend?"

Umiling siya. "Sabay kaming lumaki rito sa Haven City. Hindi nga lang kami masyadong close pero pinipilit kong makipag-usap sa kaniya para maging makulay naman ang buhay niya," tumawa si Jessamine kaya natawa rin ako.

Next thing I know, magkasama na kami ni Jessamine na nagsasaya. Marami siyang friends and I really like her crowd. They're all loud and chill! Hindi ako nagkamali ng sinamahan.

Habang nakikipag-usap ay nahagip ng mga mata ko ang isang babaeng pinipilit ng ilan na makipagsaya. Umiiling ito ngunit natawa ako nang uminom rin siya. That's it, girl! Have fun!

I feel like I have everlasting energy. That's clearly my superpower. Tawa lamang ako nang tawa hanggang sa biglang namatay ang lahat ng ilaw. Natigil ang lahat sa kaniya-kaniyang ginagawa at wala kaming naaninag dahil sa kadiliman. Sa una ay natahimik kami ngunit unti-unti nang may mga nagrereklamo.

"Brown out ba?!"

"Prank 'to 'no?"

"Buksan niyo nga ang ilaw!"

Napabuntong-hininga ako at kinuha ko ang phone ko at agad na nagbukas ng flashlight. Gumaya din ang iba kaya naging maliwanag ang silid at nagsimula muling umingat ang lahat. Naglalaro at iwinawagayway naman ng ilan ang mga phone nila.

"Ayan, puro reklamo kasi at hindi ginagamit ang utak," napapangiwing bulong ko.

"Yabang mo, kaya ko rin namang magbukas ng flashlight," bulong ng lalaking katabi ko.

Itinapat ko ang flashlight sa pagmumukha niya. Agad naman siyang nasilaw.

"Kaya mo nga pero naisip mo ba?" panghahamon ko. "Why don't you just help them turn the lights on?"

"Kaya na nila yan," simpleng sabi niya.

I walk towards the window to see other houses. Walang ni isang bahay ang may kuryete sa tanaw ko. Siguro nga at nagbrown out talaga.

"Nice timing, brown out," napatalon ako nang may magsalita malapit sa tainga ko.

"What the-" buti at napigilan ko ang sarili sa sobrang gulat.

Isa sa mga new year's resolution ko ang hindi pagmumura. So far, I'm doing a great job.

Nakarinig kami ng napakalakas na pagtili na malamang ay nanggagaling sa isa sa mga kwarto rito sa second floor. Nagkatinginan kami ng lalaking katabi ko at sabay na napatakbo papunta sa pinanggagalingan ng hindi pa natatapos na pagsigaw.

Nang makarating kami sa harap ng kwarto ay halos mabingi ako. The sight I saw was frightening. They were blood everywhere. On the curtains, on the floor, on the table and on the carpet where poor Jessamine lies. There was a pool of blood coming out from her body.

Horror-struck, I felt a hand aggressively clung into my arm. Hindi ko na ito pinansin dahil sa sunod-sunod na pagbagsak ng luha mula sa aking mga mata. Naramdaman ko ang presensya ng mga tao sa paligid ko. Malamang ay tumakbo rin sila papunta rito nang marinig ang pagsigaw. I heard loud gasps around me followed by the sound of the police car.

Oh crap.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 23, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Believe Me, SocietyWhere stories live. Discover now