Chapter 25: Coco

643 21 58
                                        

Kath's POV

"Sigurado ka bang ayaw mo sumama? O gusto mo dito na lang muna ako para samahan ka rin?"

"Sige na, Kian. Umalis ka na muna. Kailangan ka sa trabaho mo. Hindi naman ako aalis." Ilang buwan na ang nakalipas nang umalis ako sa bar ni Josh. Mula noong araw din na iyon, hindi na ulit kami nag-usap pa.

Hanggang ngayon binabagabag ako ng araw na iyon. May parte pa rin sa akin na ayaw siyang paniwalaan. Baka lang kasi napapagod lang siya noong mga oras na iyon o 'di kaya naman ay nabigla lang siya sa ginawa ko kaya niya nasabi. Baka... minahal niya rin naman talaga ako. Ayaw lang niya aminin.

Mas malaki naman ang parte sa puso ko na binasura na lang talaga ako ni Josh. Baka nga tama si Kian, hindi nagbabago si Josh. Siya pa rin si Josh na mahilig maglaro ng online games at ng babae.

"Kath, are you with me? I'm talking to you. I'm leaving na." He kissed me on top of my forehead which is unusual. Hindi agad ako nakalayo.

"Para saan 'yon?"

"Para ako naman ang pumasok dyan sa isip mo. Nandito lang ako palagi pero parang lumilipad ang isip mo." Huminga ito ng malalim bago muling nagpaalam para pumasok na sa trabaho.

Nanatili lang ako kay Kian dahil wala naman akong kakilalang matutuluyan ko. Wala namang nagbabago sa pagtingin ko, kaibigan lang naman ang turing ko sa kanya. Sinusubukan ko naman suklian 'yon pero hindi ko magawa.

"Si Josh na naman ang nasa isip ko, tangina." Napahiga na lang ako sa napakalaking kama na binigay sakin ni Kian. Buhay prinsesa ako rito pero hindi ko naman maramdaman na masaya talaga ako.

Ang hirap magmove-on kapag si Josh Cullen ang usapan!

"Ayoko na, tangina kang utak ka." Imbis tuloy na maglupasay ako rito, sinubukan kong alagaan naman ang sarili ko.

Nagsuot lang ako ng short at white shirt para mag-exercise habang nanonood sa cellphone. Pagkatapos noon ay inayusan ko ang sarili ko nang magmukha naman akong maganda.

"After a break up, we need self love." I raised my brow before putting a red lipstick on my mouth. Sa tingin ko naman maganda na ako. Nadala pa ito ng kurba ng katawan ko kaya naman mas satisfy ako sa itsura ko ngayon.

This is what I called moving-on phase, I guess?

Habang nakaayos nilinis ko na rin ang condo ni Kian. Malinis naman dito pero inayos ko lang ang mga dapat ayusin. Payback time for Kian. Ilang buwan na rin siyang puro kabutihan ang ginagawa niya.

"I'm home." Gabi na pala, buti na lang nakapagluto na rin ako ng uulamin namin. Nagulat pa ang mata niya nang makita ang suot ko.

"And why are you wearing that red dress that I gave you? Akala ko ayaw mo ng magagarbong bagay?" Nilapag niya muna ang mga gamit niya sa sofa bago lumapit sa akin.

"People change, Kian. Bakit, bawal na ba suotin ito?" Winasiwas ko ang dress ko sa kanya. I tried to flirt but something is bothering me...Pinapaalalang hindi ko dapat itong gawin.

"Nice one, baby." It's been a while since I heard those lines from someone. Sa lahat ng nagsasabi noon, kay Josh lang ako kinikilig.

Hinawakan niya ako sa bewang bago ako niyakap nang mahigpit. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa mga balikat ko bago ako isinayaw. Isinandal ko naman ang ulo ko sa mga balikat niya.

"Huwag mong pilitin ang sarili mo kung hindi mo pa naman kaya. Hindi ba sabi ko sa'yo maghihintay ako, Kathreen. Matagal na akong naghihintay at ayos lang ako." Napaluha na lang ako nang marinig sa kanya mismo galing at ipinamukha lang sa aking hindi ko pa kaya magmahal ng iba.

GO HARD|jcsWhere stories live. Discover now