Chapter 24: Josh

777 31 38
                                        

Josh's POV

"I'll bet Kathreen. Kapag natalo kami, sige."

Humiyaw ang TJ sa pusta ko. Alam ko namang mananalo kami kaya hindi mangyayari ang mga sinabi ko. Hindi ko kayang saktan si Kathreen pero nagawa kong ipusta na sasaktan ko siya kapag naging kami. Asa pang sasagutin ako. Ilang taon pa naman  ang itatagal ipinusta ko. Tangina sana manalo.

Nag-umpisa na ang laro bago pa ako nakaramdam ng kaba. Pasulyap-sulyap din ako sa mga nanonood pero mukhang wala pa naman siya kaya nakampante ako. Mananalo ako rito.

"Tangina mo naman, Kian! Sabi ko sumama sa akin." Hindi sumagot si Kian. Parang walang gana rin maglaro. Hindi pwede! Hindi pwedeng matalo kami. Ilalaban ko 'to.

"Puro buhat, Santos! Kawawa ka naman." Narinig ko pa ang halakhak ni Carl kaya napahampas na lang ako ng keyboard. Tumingin muli ako sa audience at agad ko silang nakita. Naramdaman ko tuloy nanginginig na ang mga daliri ko.

"3!2!1!– and that's how TJ win!" Wala na. Nanlumo na ako nang marinig ang mga announcer na natalo kami sa laban. Pabuhat ang mga kasama ko. Ang lakas manghamon, talo naman.

"Guys, what happened?! Ako ang lugi rito."

"I told you not to do that, Josh. Marami ka pang pwedeng ipusta pero si Kathreen pa ang ipinusta mo. Sinasayang mo lang. Agawin ko 'yon eh." Napalingon agad ako kay Kian nang sabihin niya 'yon. Aagawin?

"Kaya ba hindi mo ginalingan? Tangina mo, sumagot ka! Gusto mo nililigawan ko? Tangina ka pala—"

"Now you know who is the better man for him, it's me." Kung wala lang nanonood, susuntukin ko 'to. Nagbibiro lang naman 'to, 'di ba?

"Are you kidding me?"

"No, I'm not. Bilisan mo saktan ha para sa akin na bumagsak." Sinipa ko na siya sa tagiliran. Mukhang hindi pa siya nasaktan. Lumapit siya sa TJ at parang may binubulong.

Pinagkakaisahan ata ako.

"It's okay bumawi na lang kayo sa susunod, Pres." It's not fucking okay. Kung alam mo lang, Kathreen... I gave her an assure smile.

"Hindi niyo naumpisahan? Okay." Sinubukan kong kalimutan ang pangyayari kasama siya. Habang tumatagal, lalo lang siyang gumaganda sa paningin ko. Gusto ko na siya.

I made sure that she is safe with me. She is loved by me...because that's how the plan should work. She must fall in love...or fall in my trap.

"Good morning, beautiful." I always greet her like that. Payo 'yan sa aking mga loko-loko para mapadali ang gawain ko. Sa tingin ko naman gumagana.

I shared my passion with her. Sa pagkakataong iyon, mas nakilala ko siya. Hindi ko dapat ginagawa ang kalokohang 'to. She didn't deserve it.

Sa mga panahong kailangan ko ng kaibigan ko, nandyan siya para suportahan ako. Iyong mga tinuring kong kaibigan, sa kalokohan lang pala maaasahan. I wanna stop this shit.

"No, you will not stop there Josh Cullen The Great. You'll break her heart or I will break her into pieces? Mamili ka." Sinubukan kong kausapin sina Carl pero mukhang seryoso sila sa gagawin nila. Kilala ko sila, ayaw nila ng natatalo. Kung kailangang gumamit ng dahas, gagawin talaga nila.

Ayokong masaktan si Kathreen pero pinili ko pa rin siyang saktan. Ang gulo ko. Sino ba ako?

"Kian, do you think she will love it?" Birthday niya so I decided to surprise her. Kasama ko ang bestfriend ko sa pagpaplano.

"Career na career ang pagiging boyfriend. Manggagago rin naman." I didn't reply. I know she will like my gift... she will like me.

Masaya ako basta't kasama ko siya. Hindi ko na naisip ang dapat gawin. Ang mahalaga, kaming dalawa. Masaya kaming nagsasasama. Hindi ko na rin kinakausap ang TJ pati na rin ang mga kaibigan ko nang malaman kong tinitira nila ako patalikod. I thought Kian is with me but the whole he is with Carl's side. Narinig ko mismo na nagtitiis lang pala siya sa walang kwentang tulad ko.

GO HARD|jcsWhere stories live. Discover now