Chapter 21: LOML

742 22 14
                                        

"Joke lang ito naman. Huwag ka nang magalit. Alam mo namang hindi napapagod ang Josh sa'yo." Kahit anong panunuyo ang gawin nito, hindi dapat tayo maging marupok. Kahit may sama ng loob, sumama pa rin ako para suportahan siya sa grupo niya.

"Pumunta ka na doon. Hinahanap ka na nila." Pabebe time. Kahit tawang-tawa na ako, hindi ko mapigilang mainis. Baka naman gusto na talaga niya makipaghiwalay, ayaw lang niya dahil sa taon na pinagsamahan namin.

"Josh," he pouted. Lalong itong naging cute sa paningin ko. Parang hindi siya tumatanda.

"Bakit, mahal ko?"

"Paano kung naghiwalay talaga tayo, or nakipaghiwalay ka sa akin? Anong gagawin mo?" Muli itong tumabi sa akin bago pa man siya makalayo at makapunta sa pwesto ng mga kasamahan niya. Isinandal ang ulo sa mga balikat at huminga ng malalim.

"Wala namang rason para hiwalayan ka... Ikaw na nga ata ang papakasalan ko kaso..." bigla itong natahimik at ba nakatingin sa malayo kung saan may pamilyang sabay-sabay na naglalakad. Sa mall kasi gaganapin ang contest dahil marami raw taong manonood at bigatin ang judges.

"Kaso ano?" Naudlot ang pag-uusap namin nang tawagin na siya ng mga kasama niya. Ngumiti si Stell sa akin at binigyan ako ng kaway mula sa malayo. Si Josh, hindi na ulit siya lumingon nang sabihin ang mga binitawan niyang salita. Ano namang kaso sa relasyon namin???

Isang oras ang makalipas, lalong dumami ang mga taong nanonood sa mall mula sa ground floor, 2nd, at  3rd floor. Magandang opportunity ito para sa mga kasali sa laban dahil may mga makakakilala na sa kanila bago pa man sila sumikat. Sa pagkakaalam ko, ang mga hurado ang magpapabago sa buhay nila. Kapag nanalo ang grupo ni Josh, magiging mga performers sila at magiging artista kung bibigyan ng pagkakataon.

"Go Josh! Go Josh! Boyfriend ko 'yan, woohoo!" Sila na ang magpeperform. Pangalawa sila sa huli kaya naman kahit ilang oras na akong nakatayo sa may bandang unahan parang nawala ang pagod ko nang makita sila na magsasayaw. Tumitingin na nga ang iba sa akin dahil kanina pa ako nasigaw. Ang ilang ay natutuwa, ang ilan nama'y nagbubulungan.

"Girl, boyfriend mo 'yon? Pa-picture kami!"

"Ang cute ng group na 'yan puro gwapo magaling pa sumayaw!"

"Crush ko 'yong Josh. Sana ako na lang girlfriend niya."

Ilan lamang 'yan sa mga narinig ko sa kanila. Wala na akong pake. Bakit ba kasi naiisipan nilang lagyan ng name tags sa damit. Baka mamaya, maagaw pa sa akin.

Natapos ang performance nila sa mga palakpakan at sigawan mula sa ibang tao. Abot tenga naman ang ngiti ng grupo nila nang makatapos ng sayaw. Hindi lang naman ako nandito para kay Josh, nandito rin ako para suportahan ang mga kagrupo niya sa tinatahak nilang buhay. Kahit hindi sila sigurado, tinutuloy pa rin nila dahil doon nila nakikita ang sarili nila sa hinaharap, ang maging performer.

"Hello boys," isang judge na hirap mag-Ingles ang nagsasalita. Kaya naman niya pero hindi nga lang masyadong maintindihan. Ang nagawa na lang tuloy ng grupo nila ay tumango-tango at magpasalamat.

Sumunod na magsalita ang magandang babae. Sa tingin ko ay expert siya sa pagsayaw dahil panay ang punto nito sa mga moves na nagawa nilang grupo.

"Your dance is very clean and nice to watch. I also want to point out that your group have a very good looking members. Look at those bare face. Simple lang pero may dating. You have a big potential on this industry. Congratulations and goodluck." Tinapos ng babae nang may ngiti sa labi ang mga sinabi niya. Tuwang-tuwa naman ang grupo nila dahil sa mga komento ng judges.

Ang sumunod na magsasalita ay bundat na lalaki na may salamin. Siya siguro ang nagbukas ng contest para sa mga gaya nilang nangangarap.

"Hello, okay so..." marami itong  seryosong sinasabi sa kada miyembro ng grupo. Kahit medyo malayo sa stage, nakita ko kung paano lumingid ang luha ni Stell sa mga mata niya. Halos lahat ay natahimik din nang magkomento ang judge na iyon dahil sa pamumuna nito sa mga mukha ng grupo. Yung isang kasamahan ni Josh, parang handa na suntukin yung judge dahil pinapaiyak si Stell.

GO HARD|jcsWhere stories live. Discover now