"Who's that ba?" 

"Hindi naman maganda!" 

"Landi!" 

"I know her. School mate ko siya. Model din 'yan pero ang sama ng ugali," Pasimpleng bulong ng isa. 

Napailing na lang si Hurricane at inalis ang tingin sa dalawa. Nagtataka pa rin siya kung anong palaro ang mangyayari.

Nasanay na siyang kumilatis ng iba't-ibang uri ng tao at base sa nakikita niya, walang espesyal sa mga ito o iyon lang ang akala niya? Maaaring mas magaling magtago ang mga ito kumpara sa galing ng pagkilatis niya.

"Wahhh!!!"

"Ihhhh!!!"

"Oh... My... Gosh...!"

Napapikit si Hurricane ng muling narinig ang tilian ng mga babae.

Ano na naman ba iyon?

"My idols are here!"

"Shocks, my hubbies!"

"Totoo ba ito? Ang ROOM mates narito!"

"Seriously? As in Ryz, Orio, Onix and Manzo? Oh... My... Gosh! I wanna die!"

Napaangat ang isang kilay ni Hurricane. Wala siyang pakialam kung sinong anak ni hudas ang sinasabi ng mga ito, pero naiinis na siya sa tilian ng mga babae. Nagtitimpi lang talaga siya.

"Ang swerte ko, nakita ko sila sa personal. Lagi kasing sold out ang tickets nila tuwing may concert!"

"Ang gwapo nila!"

"My goodness, ang dimples ni Onix and Orio nakakainlove!"

"Ang cute ni Ryz!"

"I love you Manzo!"

Huminga ng malalim si Hurricane. Naririndi na talaga siya at handa ng sigawan ang mga babae. Pero napatigil siya ng umalingawngaw ang isang disco music sa buong lugar.

Mas lalong umingay ang paligid ng sumabay ang mga tao sa musika. Para lang silang nagdidisco na lalong nagpainit sa kanyang ulo.

Alam ni Hurricane na kahit sigawan niya ang mga ito ay hindi siya maririnig. Kaya't kinuha niya ang handgun sa ilalim ng kanyang roba at pinaputok sa ire.

Nagsigawan at nagkagulo ang mga tao pero hindi siya nagpahalata na siya ang may kagagawan ng putok. Nawala rin ang disco music na tanging ingay ng mga na sa paligid ang naririnig. Marami ang takot at nataranta.

Napangisi naman si Hurricane sa kanyang ginawa. 

"Calm down,"

Naagaw ng malambing na boses ng isang babae ang atensyon ng lahat. Parang hangin na inalis ng boses na 'yon ang takot at pangamba ng mga tao.

Hinanap ni Hurricane kung saan nagmumula ang boses pero hindi niya makita.

"Are you looking for me, Miss?"

Bahagyang natigilan si Hurricane. Alam niyang siya ang tinutukoy ng nagsasalita. Nagtinginan naman ang mga tao sa paligid, marahil iniisip ng mga ito kung sino ang tinutukoy ng nagsalita.

"Don't look for me because I'm the one who's looking at you," Malambing ang pagkakasabi nito pero higit na nararamdaman ni Hurricane ang kakaibang pahiwatig sa sinabi ng babae.

"Anyway... This is Devileigh Storm and welcome to my game...  the Devil's game!" 

Kakaiba ang pakiramdam ni Hurricane sa katauhan ng babaeng nagsasalita. 

Devil's GAMEWhere stories live. Discover now