18

105 1 0
                                    

"Ilang araw na lang at ikakasal na kayo."




Hindi tuloy mawala sa akin ang pagkaexcite. Pakiramdam ko ay kinakabahan ako at maiiyak sa tuwa. Hindi ko kasi alam kung anong magiging itsura ko, baka magmukha akong pangit sa kasal! Ayaw ko ng ganu'n!




"Seirho! Dapat may sopas sa kasal namin ha! Kapag wala 'yun ay magtatampo talaga 'ko sa'yo." Maktol ni Tristan na ikinatawa ng mga kaibigan niya.




Si Seirho kasi ang naatasan na magluto ng mga pagkain. Tunay naman talaga kasing masarap siya magluto. Minsan nga ay nakakahiyang magdala ka ng pagkain sa office na luto mo dahil hindi kaya 'nun pantayan ang sarap ng luto ni Seirho.




"Parang lalagnatin yata ako sa excitement tsk." Natatawang bulong sa akin ni Tristan.




Narito kasi kami sa rooftop ng building. Abala sina Luxzell at Yvez sa pakikipag usap sa mga empleyado. Lahat kasi ito ay imbitado sa kasal namin. Hindi tuloy mapangalanan ang excitement ko.




"Tss.", Singhal ko sa sinabi ni Tristan.




"Gusto ko ng magkaroon ng baby sa'yo." Nakangiting sabi niya. "Gusto ko ng isang dosenang sanggol." Natatawang sabi niya.





"Kung ibigay ko kaya sa'yo 'yung matres ko para ikaw magdala." Singhal ko sa kaniya na ikinatawa niya.




"Nagbibiro lang naman! Simula 'nung naging tayo 'di ka na mabiro! Halatang seryoso ka sa'kin!" Natatawang sabi niya na tinulak pa ako, hindi naman kalakasan.




Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Napangiti naman siya at agad akong niyakap.




"What a lovely scene." Natatawang sabi ni Heliexia na pumapalakpak pa.





Ngumiwi naman ako. Kasama niya si Jichelle pati ang baby nito.





"Hi Heliexia." Sabi ni Tristan na gusto pang makipagbeso kay Heliexia pero agad ko din siyang hinila.




Natawa naman silang pareho sa ginawa ko.





"Masyado naman selosa ang yaya m-"




"Excuse me? I'm not his maid!" Maktol ko sa sinabi ni Heliexia pero pinagtawanan niya lang ako, sinabayan pa ni Tristan kaya siniko ko siya.





"Hi Jichelle!" Sabi ni Tristan na kinawayan pa si Jichelle, ngumiti naman ito sa kaniya at kumaway din.




"Hoy Tristan gaga HAHAHAHAHAHA." Tawang tawa na sabi ni Heliexia, natawa naman sa kaniya si Tristan. "Gaga nakita ko na!" Sabi niya.




"Di ba? HAHAHAHAHAHA." Natatawang sabi naman ni Tristan na ikinakunot ng noo ko.




Ano bang nakita? Ano bang pinag uusapan nila?





"Ang ganda pala 'nun!" Sabi ni Heliexia na napangiwi pa. "Mamahalin!"




Ano bang pinag uusapan nila? Bakit wala silang binabanggit na pinakapinag uusapan nila? Talagang sinisekreto nila sa'kin? Nakakainis.





"Hoy napakaemo mo !" Gulat sa akin ni Tristan.





Sinamaan ko naman siya ng tingin. Napakunot naman ang noo niya pero nakangisi, nagtataka kung bakit ganito ang reaksyon ko. Mabaliw din dapat siya kung bakit ako nagkakaganito. Kung kaninang makaipag usap sila ni Heliexia, sila lang nakakaalam. Ano bang sinasabing maganda ni Heliexia? Babae niya?





BECAUSE I MET YOU(SHS SERIES 3) | ✓Where stories live. Discover now