16

100 5 0
                                    

"Si Tristan, tatanga tanga 'yun naaksidente!"




Awtomatiko akong napatayo sa sinabi ni Luxzell. Sinenyasan akong sumunod kaya agad akong sumunod sa kaniya. Pinapasok niya 'ko sa kotse niya at madali niya 'tong pinaadar.




Sa sobrang seryoso ni Luxzell ay nakakaramdam ako ng kaba. Ano bang nangyari? Kamusta na si Tristan? Parang wala akong lakas magsalita ngayon. Hindi ko na nga halos marinig ang busina ng kotse ni Luxzell dahil sa lakas ng kalabog ng dibdib.




Patakbo kaming pumasok ng hospital. Nakita ko na doon si Yvez. Nag aabang siya sa labas ng pintong kulay blue.




"Anong nangyari?" Tanong ni Luxzell na kay Yvez agad ang diretso.




"May nakabungguan daw e, hintayin na lang natin." Sabi ni Yvez na tinuro pa ang pinto.






Nasapo ko naman ang noo ko dahil sa nyerbos.





"Ito naman talagang si Tristan oh! Kaskasero din kasi 'to minsan e. May trauma pa naman ako sa ganitong eksena!" Sabi ni Luxzell dahilan para mapalingon ako sa kaniya, halata ang pag aalala niya.




"Wag ka masyadong mamoblema, hindi naman nag aagaw buhay si Tristan." Singhal ni Yvez. "Gasgas lang naman e."





Napahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Yvez. Atleast kampante ako na hindi masyadong malala ang katangahan niya.





Maya maya ay lumabas na si Tristan kaya sabay sabay kaming napalingon sa kaniya. Napaawang ang labi ko ng makita ang gasgas sa kanang braso niya, malaking gasgas! Mayroon din siyang band aid sa noo. May kaunting gasgas naman siya sa kaliwa.





"Anong katangahan nanaman 'to Tristan?" Kunot noong tanong sa kaniya ni Luxzell.




Hindi ako naaawa kay Tristan sa oras na ito. Gusto kong matawa dahil para siyang nakababatang kapatid ni Luxzell. Pinagagalitan siya ni Luxell kaya nakanguso siyang nakayuko. Cute.




"Aksidente nga! Tanga naman 'to! Gusto ko ba ng aksidente?" Napairap naman si Tristan pero agad ding napatikop ang bibig ng makitang seryoso ang mukha ni Luxzell.




"Alam mo namang may trauma ako sa ganitong eksena Tristan e! Halos matatanggal ang puso ko sa kaba kapag may biglang tatawag sa'kin na may naaksidente nasa hospital."




"Okay sorry na!" Sabi ni Tristan. "Masakit nga oh!" Sabi ni Tristan na pinakita pa ang sugat niya. "Kailangan ko pang puntahan 'yung nakabungguan ko 'no?"




"Saan?" Tanong ni Luxzell na nilibot pa ang tingin. "Mag ingat ka naman Tristan sa susunod bagalan mo namanmagpaandar! Kaskasero ka kasi e!" Sabi ni Luxzell na tinapik pa ang braso ni Tristan.




Napangiwi naman si Tristan dahil natamaan 'yung sugat niya.





"Kaskasero ka?" Singit ko dahilan para mapalingon sa akin si Tristan.





Nagulat naman siyang napalingon sa akin na para bang ngayon lang ako nakita. Napaawang ang labi niya na napalingon sa mga kaibigan, parang nanghihingi ng tulong gamit ang tingin.




"Bakit kapag nagmamaneho ka kasama ako e maayos naman? Ano 'yun paplastic?" Nakataas na kilay na tanong ko.




"Mas okay na 'yun Nix." Sabi ni Yvez dahilan para mapalingon kami sa kaniya. "Mas okay na ligtas siya magmaneho kasama ka kaysa sabay kayong mamatay." Singhal niya, napasimangot naman ako.



BECAUSE I MET YOU(SHS SERIES 3) | ✓Where stories live. Discover now