5

126 2 0
                                    

"Bakit dito tayo?"


Padabog akong naupo sa sofa. Narito kami sa bahay niya at hindi ko alam kung bakit narito kami ngayon. Basta lang ako sumama kahit hindi ko rin naman alam kung anong gagawin.


Hindi niya ako sinagot at basta na lang tinalikuran. Naghubad ng coat at relo siya habang nilibot ko naman ang tingin ko sa bahay niya. Nanlaki ang mata ko ng maalala 'nung unang beses akong nakapasok dito. Tangena! Nakakahiya! Unang beses kong pumasok sa bahay niya at unang beses namin nag ano! Pisti!



"Nag iimagine ka nanaman ha." Natatawang sabi niya tsaka naupo sa sofa, sa dulo ng kinauupuan ko. Nailang naman akong umiwas ng mata dahil sa sinabi niya. "Make a coffee for me." Utos niya na naghikab pa bago pumikit habang nakaanday ang likod sa sofa.


Nanlaki naman ang mata ko habang napalingon sa kaniya. "Ang kapal ng mukha mo! Ano ako utusan mo? Excuse me? Hindi ako katulong m-"


"Do your job." Tipid na sagot niya na sinilip pa ang phone niya.


Lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Do my what? My job? Seryoso ba siya?


"Wala sa trabaho ko ang maging katulong mo!" Inis na maktol ko.


Inis naman siyang lumingon sa'kin at tinaasan ko lang siya ng kilay. Abah mayaman siya pero hindi ibig sabihin 'nun ay magiging alipin niya na 'ko!


"Can you please do it for me?" Nagmamakaawang tono niya na nagbuntong hininga pa at halatang pagod na pagod.


Nakaramdam tuloy ako ng konsensiya dahil sa ingay ko. Pagod siya at kailangan ng pahinga. Kahit naman siraulo 'to e napapagod din.


Tumayo ako tsaka inilapag ang bag sa gilid ng sofa. Maglalakad na sana ako nang magsalita siya.


"Make two coffee please." Sabi niya habang nakapikit at hinihilot ang sentido niya.


Tumango naman ako kahit hindi siya nakatingin tsaka dumiretso ng kitchen niya. Nakakunot ang noo ko habang nagtitimpla. Hindi ko naman alam ang paborito niyang timpla pero sinubukan ko. Hindi rin naman ako mahilig magtimpla dahil hindi naman ako nagkakape.


Nang makabalik ako sa sala ay nanlaki ang mata ko ng may kasama na siyang babae. Sabay silang napalingon sa'kin kaya aligaga naman akong lumapit para ilatag ang kape sa harap nila.


Kaya pala dalawa kasi para sa kanilang dalawa! Akala ko man lang kasi ay sa aming dalawa!


"Heliexia, this is Nix." Seryosong pagpapakilala sa akin ni Tristan doon sa babaeng kasama niya. So siya pala si Heliexia. "Nix, Heliexia." Nakangiting pagpapakilala nito sa kasama.


Wow! Ganu'n? 'Nung pinakilala ako ang seryoso tapos 'nung ipinakilala 'yung babae niya nakangiti? Ang kapal talaga ng mukha.


"Hi." Sabi 'nung babae sa akin na kumaway pa.


Nameke naman ako ng ngiti tsaka tumalikod sa kanila at doon nagtaray. So ano ako dito? Katulong talaga? Ganu'n? Pinapunta niya 'ko dito sa bahay niya para gawing katulong dahil 'yun na ang trabaho ko sa kaniya? Ang kapal talaga ng mukha nitong lalaking 'to e.


"Can you please cook for us?" Nakangiting tanong ni Tristan sa akin na nilingon pa si Heliexia.


Inis akong humarap sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. "What? Hindi ka ba marunong magluto at iuutos mo pa sa'kin? Nagdala dala ka ng babae e hindi mo kayang pakainin? Ano palagi mong pinapakain diya? Etits? Ganu'n? Tangeka pakyu." Inis na sabi ko sa kaniya.


BECAUSE I MET YOU(SHS SERIES 3) | ✓Where stories live. Discover now