7

110 3 0
                                    

"W-What?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya habang titig na titig sa kaniya.



"Visiting my girl." Seryosong sabi niya na nasa mismong mata ko ang tingin.



Napangisi akong sarkastiko bago naupo sa sofa, katabi niya. "Visiting your girl. Yeah, isa 'ko sa mga babae mo. Ganu'n ba?" Tanong ko sa kaniya.



Lalo siyang lumapit sa akin na halos maduling ako makita lang ang mata niya. Bumibilis din ang kalabog ng dibdib ko sa kakaibang titig niya, para bang pinanlalambot ang tuhod ko.



"Bakit kailangan hindi mo 'ko tinanong about sa bagay na 'yan?" Kunot noong tanong niya. "Hindi mo man lang inalam 'yung nararamdaman ko."



Napatitig ako sa kaniya at para bang nawalan ng boses ang bibig ko. Hindi ko siya maintindihan. Ano bang problema niya? Ano bang pinagsasabi niya? Anong pinupunto niya.



Nagulat ako ng makitang dahan dahang lumungkot ang mata niya na kung kanina ay galit, ngayon malungkot na. Lalo akong naguguluhan. Ano bang mayroon?



Umiwas ako ng tingin tsaka lumayo sa kaniya. Parang hindi ko kayang tignan ang ganu'ng reaksyon niya. Sanay ako nang aasar at tumatawa siya, hindi 'yung malungkot.



"Just tell me the truth." Seryosong sabi niya na ikinalingon ko. "Gusto mo ba si Kell?" Tanong niya na ikinakunot ng noo ko.



Napatikop ako ng bibig ko. Napatitig sa kaniya at inaalam kung anong iniisio niya. Bakit hindi ko siya maintindihan ngayon? Ano pa bang nakapanibago? Palagi ko naman talaga siyang hindi naiintindihan.



"W-Why are you asking about him?" Pag iiba ko ng usapan.



"Answer Nix." Sa buntong hininga niya ay halatang naiinis na siya.



"K-Kung gusto ko si Kell ay wala ka ng pakealam doon. Ano bang ipinunta mo dito?" Inis na tanong ko tsaka tumayo.



Napatitig naman siya tsaka tumango tango. "You mean gusto mo nga." Sabi niya na tumayo na din. "Now ask me."



"A-Ask about what?" Nagtatakang tanong ko.



"Ask me about my feelings for you."



Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. S-Seryoso ba siya? Parang kailan lang ay pinag uusapan namin ni Axie 'yung kay Kell at Tristan pero parang nangyari agad. What a world.



Napaatras ako ng humakbang pa siya palapit sa akin na hindi inalis ang tingin sa mga mata ko. Bumibilis ang kalabog ng dibdib ko dahil sa ginagawa niya. Parang nanghihina din ang tuhod ko.



"Ano bang ginawa mo sa'kin?" Kunot noong tanong niya na ipinagtaka ko. "Wala naman akong balak magkagusto pero bakit gusto kita?" Literal na nanlalambot na talaga ang tuhod ko sa mga sinasabi niya.



Nacorner na 'ko ng dalawang braso niya sa lamesa malapit sa Tv. Napaanday na 'ko sa lamesa dahil nanghihina na talaga 'ko sa pag amin niya. Ano bang nangyayari? Totoo ba 'to?



"Tapos 'yung babaeng gusto ko, babaero pa pagkakakilala sa'kin." Naging sarkastiko ang pagtawa niya, yumuko ako sa pagkailang. "Now I'm getting crazy because that girl has always time for another boy." Si Kell ba ang binabanggit niya? "Grabe. First time ko magselos pero pakiramdam ko, gusto ko pumatay." Natatawang sabi niya.



Napakunot naman ang noo ko tsaka inis siyang tinulak. "A-Ano bang pinagsasasabi mo?"



Napaatras siya ng konti pero agad ding kinuha ang kamay ko at hinila palapit sa kaniya. Halos mahalikan ko na ang dibdib niya sa lapit. Napatingala ako para makita ang itsura niya. Sinubukan ko pang kumawala sa bisig niya pero lalo niya 'tong niyakap sa bewang ko na lalong nagpapalambot sa tuhod ko.




BECAUSE I MET YOU(SHS SERIES 3) | ✓Where stories live. Discover now