CHAPTER 29 BABE

Magsimula sa umpisa
                                    

Kung bakit labis na nahuhumaling ako sa mga mapupungay niyang mga mata.

"Nakatingin sila satin, manatili kalang nandiyan." Sabi niya, at wala ako sa sariling tumango.

Bakit ngayun lang niya sinabi, hindi na sana ako nag-isip ng kung ano-ano pa.

"Mga iho at iha, hindi ho ito hotel. Huwag ho kayong mag lampungan, may mga bata eh!" Nabitawan ko si vhor at tuluyang lumayo sakaniya ng marinig ang sinabi ng matanda.

"Pasensya napo.." Paghingi ko ng tawad.

"Ang mga kabataan talaga, wala ng pinipiling lugar." Iling ng matanda.

Nako mali ho kayo lola... Shete kasi si vhor, bigla bigla nalang nanghihila! Pwude naman na takpan nalang ang mga mukha namin diba, pero bakit inilapit niya pa ang mukha ko sakaniya...

Kinuha ko nalang ang malaki kong panyo at tinakpan ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Hindi tuloy kami mag katinginan ngayun!

Kailan ba matatapos ang pelikula ni Soo joong ki, hindi ko na tuloy nasubaybayan ang pelikula ng oppa ko...

Sarap oppakan ni vhor!

--

Ito na siguro ang huling gagawin nila, nandito kami ngayun sa MCDO para kumain syempre, alangan namang maglaro diba. Umorder ako ng isang box of chickens with rice, spaghetti, ice cream, mango pie at isang softdrink.

"Vhor, ikaw ano order mo?"

"Wala, inorder mona lahat e. Makikishare nalang ako," Sabi niya.

Bahala siya, hindi naman lahat ay inorder ko ah. Kulang panga iyon sakin, tapos makikishare pa siya.

Sinilip ko sila kuya at jen na kasalukuyang kumakain, mukha namang nag-eenjoy sila e, si kuya talaga malabong maging stick to one. Si jen, kitang kita ko ang pagkinang ng mata niya, ngayun ko lang nakita si jen na ganiyan kasaya. Dahil kasama niya si kuya ash, at alam kong malaki ang assume niya na date ang ginagawa nila ngayun... Kahit sa totoo n'yan, hindi dahil ginagawa lang ito ni kuya para hindi mapahiya si jen..

Pero the end of the day, kapag hindi na fall si kuya kay jen ay liligawan niya parin si ate ena... At hindi impossibleng hindi maging sila.

"Hoy slow, kumain kana. Ayan na ang pagkain sa harap mo," Narinig ko ang boses ni vhor, kaya't bumaling ako sakaniya.

"Slow? Ngayun ko lang ulit narinig iyan ah," Ngiti ko, umirap lang siya at nag-umpisang kumain.

Kumain narin ako at talagang inuna ko pa ang ice cream, ang sarap nito! Biglang kinuha ni vhor ang ice cream ko.

"Eat the rice first, baka sumakit ang tiyan mo." Sabi niya, para namang concern siya.

Sinunod ko ang sinabi niya at nilantakan ang kanin with fried chicken. Habang kumakain ako ay panay ang tingin ko sa gawi nila kuya, kumakain parin sila. Kailangan kong bilisan ang pagkain ko dahil baka umalis na sila.

Kinalabit ko si vhor.

"Vhor, ice cream ko?" Sabi ko habang nakanguso pa.

"None na, nikain kona." Nanlaki ang mata ko, unti-unting bumagsak ang balikat ko.

Biglang nangilid ang luha ko, hindi korin alam kung bakit pero naiyak ako sa harapan ni vhor ng dahil lang sa ice cream.

"I-irish? Are you c-cyring..." Nagawa ko pang tumango.

"Oh sh*t." Mura niya.

Pinagpatuloy ko lang ang pag-iyak ko, alam kong nakuha namin ang attention ng mga taong kumakain rito. Pero ang ice cream ko! DINILAAN KONA IYON E, TAPOS KINAIN NIYA!

Love me until the moonlight comes [VSOO] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon