Chapter 21: Weird Clyde pt. 1

10 0 0
                                    

Jin Clyde POV

Hindi ako naniniwala na hindi alam ni Aero kung nasaan si Xian.

Pangdalawang araw ko na minamanmanan ang galaw nila Aero at Aessie pero ang hirap basahin yung mga galaw nila.

Yung tipo bang parang may kahinahinala silang tinatago tas mamaya expectation versus reality ang mangyayari.

Uwian an na natsempuhan kong parang may pinaguusapan sina Aero at Aessie na seryoso sa may hagdan.

"Uy.. Anong ginagawa mo jan? Bat ka nagtatago? " nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.

Tinignan ko at si MJ pala yun.

"Ah--eh--ako? Nagtatago.. Hindi ah may inaayos lang ako.. " sabi ko at umiling iling lang siya at ngumiti lang sa akin si Jumie.

"Para kasing may tinataguan ka.. " sabi niya at tumingin siya sa direksyon ng tinitignan ko kanina.

"May ginawa ka bang mali kina Aero? " pasunod naman na tanong niya pero nagbigay lang ako ng pekeng tawa.

"Hindi ah.. Bat naman ako magtatago sa kanila.. " sabi ko at ngumiti ng peke. Kinakabahan ako... Hindi ako ganto dati.

"Ang weird mo ngayon.. Hindi mo pa kasama yung grupo mo.. Nagaway ba kayo?.. Para kang ewan.. " sabi ni MJ habang si Jumie ay tumitingin lang na para bang agree rin siya sa sinasabi ni MJ.

Aalis na sana sila pero bigla ko hinawakan yung braso ni MJ para pigilan siya.

"Anong problema pre? " tanong niya

"Buhay ba si Xian? " bigla kong banggit at biglang namutla siya at hindi makatingin sa mata ko.

"Ahh- Ehh---" MJ

"Uyy tara na..baka malate tayo.. " pagpuputol ni Jumie at hinila niya bigla   si MJ papalayo.

"Wait lang.. " sabi ko pero di nila ako pinansin.

Susundan ko na sana sila nang biglang may humawak sa balikat ko.

"Ano ba.. " sabi ko at inalis pero biglang nagsalita yung nasa likod ko.

"Saan kapupunta? May meeting tayo mamaya.. " potek naman to bakit ngayon pa Xiano..

"Ah Oo nga pala.. " sabi ko at sumama sa kanila..

"May alitan ba kayo nung MJ na yun kanina? " tanong ni Xiano pero umiling ako.

"Nagbanggahan lang.. " maikli kong sagot.

Dibale na darating rin naman mamaya yung pinaimbestiga ko.. Malalaman ko na rin kung nasan ka Xian.

Kin Aerocky POV

"Dude alam mo ba naweweirduhan ako kay Clyde.. Nagaway ba sila ni Xiano? " tanong ni MJ habang naglalakad kami palabas ng school gamit ang van.

"Mukhang hindi naman sila nag away ni Xiano.. Nakita kong magkasama silang umalis kanina eh..." Sabi naman ni Jumie.

"Naweirduhan rin ako sa kaniya akala niya di ko napapansin na sinusundan niya at minamanmanan niya mga galaw ko.. " sabi naman ni Aessie at nagbukas ulit ng lollipop at sinubo.

"Baka gusto ka niya Aessie" bigla naman na saad ni MJ at napatawa si Jumie. Kinuha naman ni Aessie yung pillow na nandun at ipinalopalo kay MJ.

"Pwede bang tumigil kayo.. Nagdridrive ako.. And Actually mukhang alam niya.. " sabi ko naman at napatigil sila.

"Alam na ano? " tanong naman ni MJ

"Alam niya na buhay si Xian.. At naghahanap siya ng proof para malaman kung totoo or kung nasan siya.. " pageexplain ko sa kanila at napaayos sila ng sarili nila at biglang tumahimik.

"May masamang balak kaya siya? " tanong naman ni Jumie.

"50/50 di natin alam kung sino kakampi niya sa ngayon.. " sabi naman ni MJ

"Pero best friend sila noon.. Ni hindi nga namin matawag ni kuya noon si Xian pag magkasama sila ni Clyde..." Dagdag naman ni Aessie

"Hindi natin alam kung ano ang balak niya pero dapat malaman natin kung kanino siya kampi.. " sabi ko nalang at mas pinabilis pa ang andar ng van.

Jin Clyde POV

"Kailangan natin malaman kung nasaan si Xian.. Talaga bang wala kang nahanap Clyde? " tanong sakin ni Xiano pero, umiling ako.

"Ilang ulit ko na pero dead end palagi.. " sabi ko

"Eh tungkol kay Ian? May nahanao ka sa kaniya... 3 days na siyang di pumapasok." Tanong niya ulet.

Weyt si Ian di pumapasok ng 3 days at hindi namin alam ang rason.

"Well may nahanap ako tungkol kay Ian.. He's living with the Valdez.. And si Aero nagsasabi sa office kung bakit absent siya.. Sabi niya eh may flu daw siya.. " sabi naman ni Jearo na naghanap ng confidential files sa office.

"Hays... Maghanap pa kayo ng tungkol sa dalawang iyon.. Baka connected silang dalawa. " sabi niya at mamaya naman ay biglang pumasok yung kapatid ko at nagcling sa kamay ni Xiano.

Ugh nandidiri ako sa style ng kapatid ko.. Bat ko pa siya naging kakambal to be exact.

"Kunin ko muna si Xiano ah.. " sabi ni Psie at hinila si Xiano

"Ugh.. Bukas nalang ulit.. Maghanap pa kayo.. " sabi ni Xiano bago tuluyang umalis.

"Napaka obsess niya sa paghanap ng information sa dalawang iyon eh parehas na dead end.. Hangang sa hospital lang na to yung kay Ian tas wala na.. " sabi ni Jearo at nilapag sa mesa yung papel.

"Una na ako ah.. " sabi niya at umalis. Chineck ko yung papel na nilapagniya sa mesa at nabasa ko yung Dela Fuente Hospital.. Hospital to ni Mom na si Tita yung nagmamanage.

Beepp**beep**

Tumunog bigla yung cellphone ko at ayun may sinend na files tungkol kay Xian.

Weyt..

Dela Fuente Hospital rin.

Binasa ko yung reason ng kay Ian at accident with memory loss. Binasa ko rin yung kay Xian at pareho ito.

Kinuha ko ito at dali dali akong pumunta sa hospital.

After 30 mins nakarating ako roon at pumunta kaagad ako sa office ni tita.

"Tita can you explain this.. " saad ko pagkaloob ko.

"Hinga ka muna anak... Ano ba yan at di ka muna magpahinga.. " sabi niya at nilagay ko sa harap niya yung info tungkol kay Ian at Xian.

"Ian amd Xian.. Hmm... Same hospital same events... So what's the problem with that.. Those things happen in the hospital every-day.. " sabi niya at uminom ng tubig.

"They have the same date tita.. Are they the same.. Ikaw rin yung doctor ng dalawa.. And you knew na napunta na pala sayo si Xian pero di mo pa siya binalik.. " sabi ko at napabuntong hininga siya.

"You really got your mother's instinct...alam ko na di ka titigil sa pagiimbestiga at pagtatanong sa akin pero di ngayon ang tamang panahon para malaman ng lahat... " sab niya

"So by what you said... It means na iisa lang silag dalawa.. " sabi ko at nagkibit balikat lang siya.

"I know your moves tita.. I'll go and check it then.. " sabi ko at aalis na sana dun pero may binitawan siyang salita.

"Just don't ever tell Xiano or to others.. " sabi niya at umalis nalang ako.

Sumakay ako sa motor ko at pinaharurot papunta sa bahah nila Aero..

It took me 1 hour bago ako makarating sa lugar nila.

Pagkarating ko eh ipinarada ko sa harap ng bahay nila.. Inalis yung helmet ko at huminga ng malalim.

Kelangan ko talagang malaman ang totoo.

Nagdoorbell ako at mamayay dahan dahan itong nagbukas.

"Clyde? " tanong niya at bigla kong niyakap.

Book 2: I'm a Legendary Gangster's SonWhere stories live. Discover now