Chapter 4 (Just Kidding)

2 1 0
                                    

|x|x|x|Third Person’s POV|x|x|x|

  

Tumatakbo si Christie.

Takbo.

Takbo.

Takbo.

Kinakabahan siya dahil may mamamatay nanaman. At yun ay ang sikat na kambal na sina Bryan at Ynna. Nang malapit na siya sa pintuan ng classroom nila ay may biglang nagtext sa kanya. At yun ang taon g nagtext na naman sa kanya kanina.

Just Kidding man, siyempre di muna ako papatay ngayon. Kasi naman nagmumukha na akong masamang tao eh. Uhm, napag-isip-isip ko kani-kanina lang naman na di muna ako papatay ngayon kasi good mood ako ngayon. Okay be happy because no one is in danger. Hahahahahaha J

 

 

Pagkabasang-pagkabasa ni Christie ang message na yun ay huminga siya ng malalim. Ngunit siya’y naiinis doon sa taong nagtetext sa kaniya. At mas lalo pa siyang nainis dun sa sinabi nung nagtext na “Nagmumukha na akong masama’ dahil para kay Christie, simula’t sapul masama na talaga yung taong nagtetext sa kaniya.

Pagkatapos niyang basahin ang message na yun ay dumiretso na siya sa loob ng kanilang classroom. Umupo siya sa kaniyang upuan...

Maya-maya pa’y may lumapit sa kaniya isang babaeng kaklase niya

“Uhm, hi J Pwede bang tumabi sa’yo?” tanong nito sakaniya

Tumango nalamang siya.

“Bat parang ang lalim ng iniisip mo? Anong iniisip mo?” tanong na naman nito.

“Ah ako? Wala” sagot niya.

“Ah, ako nga pala si Len-len Levine” sabi nung babae at inabot ang kamay upang makipagkamayan.

“Christie” inabot niya rin yung kamay niya at nagshake hands sila.

“Asan pala yung palagi mong kasama?”

“Sino? Si Rhianne?”

 

“Oo”

 

“Ah wala siya eh. May pinuntahan kasi silang magkakamag-anak”

 

“Ah ganun ba? Teka, may kasabay ka ba mamayang lunch?”

 

“Wala eh”

 

“Sabay ka nalang sakin mamaya. Si Alexander lang naman ang kasabay ko mamaya”

 

“Sige”

 

Nagpatuloy pa sila sa pag-uusap hanggang sa nagring na yung bell na hudyat na Lunch Time na.

“Tara?” yaya ni Len-len.

Ngumiti lang si Christie bilang pagsangayon. Nagsimula na silang maglakad papuntang Canteen. Habang naglalakad may biglang sumigaw na babae sa kabilang building. Maraming estudyante ang nagsitakbuhan palapit sa building kung saan nanggaling yung sigaw. Kinabahan na naman si Christie. Tinanong niya sa utak niya

The Hidden TreasureWhere stories live. Discover now