Chapter 3 (5 Persons in the Classroom)

4 0 0
                                    


|x|x|x|Christie's POV|x|x|x|

...Napaluha ako bigla at napatakip ng bibig. Limang bangkay ang tumambad. Akala ko hindi totoo, akala ko biro lang. Akala ko... Puro ako akala. di ko manlang naisip na baka isa sa mga kaibigan ko ang tinutukoy ng taong nagtext sakin. Wala manlang akong nagawa!

JAKE    EUNNIE    ARRIANE    MAI     CARL

 

Napaluhod ako at umiyak habang nakatingin sa katawan ng bestfriend kong si Eunnie na wala nang buhay. Di ko akalaing huling pag-uusap na pala namin yung kahapon. Umiyak ako ng umiyak nang may kumalabit sa akin. Si Rhianne. Tumingin ako sa kanya naluluha narin siya. Alam kong pinipigilan lang niyang lumabas ang mga luha niya. Pinapatahan niya ako. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig at niyakap siya. Niyakap naman niya ako pabalik na nagpagaan sa pakiramdam ko.

"Wala na. Wala na si Eunnie" nanginginig kong sabi.

"Tahan na tahan na"

Biglang lumabo ang paligid at tuluyang dumilim.

|x|x|x|Alexander's POV|x|x|x|

 

   Nakita kong pabagsak na si Christie. Sasaluhin ko palang sana siya pero naunahan na ako ni Vince. . Ang alam ko tinuturing niyang bestfriend si Christie. Palagi niya daw kasing kasama si Christie. Pero di ko lang sure kung totoo. Di ko pa kasi sila nakitang magkasama na dadalawa lang sila . Madalas, kapag magkasama sila, palaging nandoon yung dalawang bestfriends ni Christie, sina Rhianne at Eunnie. Kaso patay na si Eunnie. Kaya siguro siya nahimatay dahil sa sobrang lungkot at gulat.

   Buhat-buhat na ni Vince si Christie at papunta sila ngayon sa Clinic. Sumunod sakanila si Rhianne. Sumunod din ako nang palihim. Pagkarating nila sa Clinic, nilapag na ni Vince si Christie sa kama sa clinic nang maingat. Tiningnan naman siya ni Nurse Joy.

"Anong nangyari sa kaniya?" tanong ni Nurse Joy.

"Uhm... na-namatay po kasi yung bestfriend niya" sagot ni Vince. Si Rhianne, halatang malungkot rin. Ch-in-eck na ni Nurse Joy si Christie.

"Gaya nga ng sabi mo, nasobrahan lang siya ng lungkot at pagkabigla. Kailangan lang niya ng pahinga"  pagpapaliwanag ni Nurse Joy.

"Sige po . Bantayan nalang po namin." sabi ni Vince .

"Okay, sige jan muna kayo may aasikasuhin lang ako sandali." pagpapaalam ni Nurse Joy.

"Sige po"

   Napalingon naman si Rhianne sa sa bintana na pinagsisilipan ko kanina pa. Kaya bigla akong tumalikod at naglakad na palayo. Medyo malayo na ako pero ramdam kong lumabas siya para lingunin ako pero huli na. Nakalayo na ako. Dire-diretso akong naglakad. Nakasalubong ko si Louisse, papunta ata siya sa Clinic.

"Hey Alexander, san ka galing?"

"Ah, wala naman. Nagpahangin lang , nakakadepress kasi eh. Andami nang nangyari sa section natin no?" pagpapalusot ko.

"Oo nga eh. Sino kaya yung pumpatay? Sa tingin mo Alexander?"

"Di ko pa alam Louisse eh. Tsaka mahirap ring manghusga kasi wala pa namang nakukuhang ebidensya."

"Ah okay. Sige una na ako, pupunta pa ako sa Clinic eh. Titingnan ko si Christie kung okay na siya. Nahimatay daw siya eh. Sama ka?"

The Hidden TreasureWhere stories live. Discover now