Chapter 1

21 2 1
                                    

|x|x|x|Christie's POV|x|x|x|

Pagmulat ko sa aking mga mata

Kadiliman ang aking nakita.

Naisin ko mang humakbang

Aking paa'y humahadlang.

Gusto kong sumigaw, ngunit walang boses na lumabas.

Pagtaas ko ng ulo ko, may nahagilap ang aking mata.

"Gusto mo ba ng kayamanan?"  isang boses ang umalingawngaw. Pakiramdam ko'y ako ay nasa isang napakadilim na lugar. "Hahahaha" tumawa siya ng pagkalakas-lakas. Tinakpan ko ang aking mga tenga. At ako ay pumikit. Pagdilat kong muli ay nasa harapan ko na siya. Nakakatakot ang kaniyang itsura. Puro sugat ang kaniyang mukha. Bumulong siya sa tenga ko,

"Hanapin mo ang mahiwagang kahon sa paaralang iyong papasukan" tumawa na naman siya ng napakalakas. Nanginginig na ako sa takot.

"Ahhh" napasigaw nang bigla niya akong tusukin ng isang bahay. Tumingin ako sa aking tiyan. Nakita ko kung ano ang itinusok niya rito. I-isang s-susi? 

"Hahaha" tumawa lang siya ng tumawa. Hanggang sa nawalan na ako ng malay.

-----

 "Ma'am Christie!"

"Ate!"

Pagdilat ko sa aking mata, nakita ko si Manang Flor at ang kapatid kong si Rose. Pinunasan ko ang tuloy-tuloy na pag-agos ng aking mga pawis. Hinawakan ko ang aking tiyan. Tiningnan ko ito ngunit wala na yung bagay na nakabaon. PANAGINIP lang pala. Akala ko totoo na.

"Binangungot ka po ata Ma'am Christie"

"Oo nga ate"

"Ay hinde! Siguro fairytail  ang napanaginipan ko. Obvious naman siguro no!"  pambabara ko. Teka, nakakapanibago ah. Tong asungot kong kapatid, concern sakin? hmm.

"Teka, anong nakain mo?" sabi ko sabay taas ng kilay.

"Di pa nga ako kumakain eh. Sigaw ka kasi ng sigaw kaya napilitan akong sundan si Manang Flor" sabi niya at tumayo.

"Huh! Napilitan? Big word. Sige kain ka na"  sabi ko nalang.

"Bye witch!" sabi niya sa mapang-asar na tono.

"Mabulunan ka sana"  pabulong kong sabi.

"What ever!"  sumimangot siya at bumaba na.

Sanay na akong tawagin ako ng 'Witch' ng asungot kong kapatid. Mas mukha naman siyang witch no! 

                * * *

"Dito nalang po ako manong, wag mo nang ipasok. Sunduin mo nalang ako mamayang 4:30"  utos ko sa driver ko.

"Sige po Ma'am Christie"

Bumaba na ako ng kotse at naglakad na papuntang classroom. Habang naglalakad sa hallway, may mga naririnig akong mga nag-uusap.

"Diba yan yung anak ng may-ari ng school na 'to"

"Oo, siguro masungit yan"

"Siguro mata-pobre yan"

 Ilan lamang yan sa mga naririnig kong bulung-bulungan. Sanay na ako , simulapa noon yan na ang palagi kong naririnig. 3rd year highschool na ako ngayon.

 Sa pakikinig ko sa mga walang kwentang usapan ng mga walang kwentang taong yan, di ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng pintuan ng classroom namin. Papasok na sana ako nang biglang may bumangga sa akin. (-_-  #) What the! Sinong? Ang lakas ng loob ng babaeng ito. Kala mo kung sino!

"Oooops! Sorry. Paharang-harang kasi sa daanan eh" sabi ng babaeng noon ko pa kinaiinisan. Maganda nga siya ang pangit naman ng ugali. Tsaka mas angat ako sa kanya. Tinuloy ko nalang ang paglalakad at umupo na sa upuan ko. Wala ako sa mood makipag-away sa bitch na yan. Since 1st year, insecure na yan sakin. ;) Tsaka mabait naman talaga ako eh. Nagsusungit-sungitan lang naman talaga ako para di ako magmukhang kawawa.

" Hanapin mo ang mahiwagang kahon sa paaralang iyong papasukan" 

 Urg! naalala ko na naman yung napanaginipan ko kagabi. Di ko naman na kailangan ng kayamanan. Bat di pa sa iba? Sa kaiisip ko sa panaginip ko, dismissal na pala.

"Uy Christie, kanina ka pa tulala jan. Ano bang iniisip mo?"  tumingin ako sa likod ko kung saan galing yung boses. Si Rhianne lang pala.

"Oo nga" sabi naman ni Eunnie

Sila pala ang tinuturing kong mga kaibigan.

"Ah eh, w-wala . May iniisip lang" sabi ko.

"Yun bang bumangga sayo kanina? Hayaan mo na yun"  sabi ni Rhianne at nagsmile. Nagsmile nalang din ako.

"Ay, nga pala. Diba lutang ka kanina? Nag-elect na kami kanina ng mga classroom officers kanina. Tatawagin sana kita kaso, parang anlalim ng iniisip mo" sabi ni Eunnie at nag-pout. 

"Ah ganun ba? Sino mga officers? " tanong ko.

"Pres. -Louisse Chua, VP. - Alexander Cortes, Sec. Ikaw..." di pa siya tapos magsalita nang magsalita ako.

"Ako? Secretary? Eh diba lutang ako kanina?"  nagtatakang tanong ko.

"Eh n-in-ominate ka ni Divine eh tapos maraming nagvote sayo, siyempre kasama na kami dun. " pagpapaliwanag ni Rhianne at kumindat .

"Ah okay "  sabi ko at tumango nalang.

"Si Darren ang tres., si Rhianne ang Auditor..."  pagpapatuloy ni Eunnie.

"Okay. Tara na? Mukhang tayo nalang ang tao dito sa room eh."  pagyaya ko sa kanila.

"Sige tara na "  sabay na sabi ni Eunnie at Rhianne.

------------------------------------------------------------------------

------------------------------------------------------------------------

 Sorry po sa matagal na pag-aantay. Busy po kasi.  Maikli palang po.

Credits nga pala kay Mei-leene Adviento sa paggawa ng cover ng story ko :D Thank you :)

_CurlyEmpress:D

The Hidden TreasureWhere stories live. Discover now