Epilogue

72 2 0
                                    

EPILOGUE:

“Paano mo nalaman na siya yung may-ari ng singsing?” tanong ni Louisa.

Nandoon kami sa sementeryo kung saan nakalibing si Miguel--- ang ex-boyfriend ni Louisa. Nalaman ko ‘yon dahil sa ikinuwento ni Grace sa akin.

“Si Grace… sinabi niya sa akin ang tungkol sa kanya…pati na ang dahilan kung bakit palagi mong suot ang singsing niya.”

“Sorry kung hindi ko inamin sa’yo..kasi..”

Pinitik ko ang noo niya.

“Aray! Bakit mo ginawa ‘yon?!”

“Praning !”

“Anong pra----”

Bago pa siya makaprotesta ay isang halik ang iginawad ko kay Louisa. My first real kiss sa totoong mahal kong babae. Kinikilig ako.

“Praning na praning ako sa’yo” wika ko ng maghiwalay ang mga labi namin.

“Sinabi ko bang halikan mo ko!” isang malakas na hampas sa balikat ang pinakawalan ng kamay ni Louisa at masakit ‘yon.

“Aray! Grabe ka na naman, bakit hindi ba pwede… girlfriend na naman kita di ba..sakit ‘non ah!”

“Hala! Sino may sabi na girlfriend mo na ako? Ni hindi ka pa nga nanliligaw eh.”

Isang hampas ulit ang pinakawalan nito at sa mukha ko dumapo ‘yon.

“Aray!!! Ayoko ng nga….. wag na lang… binubugbog mo ko…hindi na tayo bati.. babalik na ako ng New York…”para akong batang nagtampo, nagpapadyak ako habang patalikod na naglakad palayo sa kanya. Kunwari tototohanin ko.

“Teka! Sama ako!”

Nagulat ako ng mag piggy backride si Louisa sa likuran ko. Mabigat talaga ito. Muntik na nga kami matumbang dalawa sa damuhan.

“Baboy ka ba?”

“Hindi ..bakit?”

“Ang bigat mo kasi eh..”

Binatukan niya ako. “Corny mo!”

Hindi naman ako matuturing na masokista, manhid, tanga at praning. Isa lang naman ako sa milyong-milyong tao sa mundo na nangangarap ng matinong lovelife. At salamat kay kupido dahil ibinigay niya sa akin si Louisa. Ngayon, natapos na ang chapter ng lovelife ko. Totoo ang happy ending.

THE END.

[A/N]

Hi readers,

Ngayong natapos na itong story na ito i hope you all enjoy reading this :)

May bago akong story sana wait niyo lang kasi hindi pa tapos wala pa nga title eh

Please vote and have yourself leave a comment.

Nagmamahal,

MissEyy

A Jeepney Lovestory (Completed)Where stories live. Discover now