Chapter 12: Di na natuto

72 1 0
                                    

Kabanata 12:

Nagpasya akong bumalik ng Pilipinas hindi dahil ayokong makasama ang mga magulang ko, sa katunayan kasama ko silang babalik . Balak na nilang permanenteng tumira sa Pilipinas, nakabili na naman ng sariling bahay at lupa ang mga ito kaya bakit hindi.At isa pa, Filipino Citizen pa din kami kahit US Citizen kami sa America.

“Arvin!”masaya akong niyakap ni Tsong Macoy ng bumisita kami sa bahay nito.

“Namiss kita Tsong!”

“May ipapakilala ako sayo”

Mula sa kusina ay nakita kong lumapit ang isang babaeng na sa tingin ko kasing edad lang ni Tsong Macoy. Mukhang may lovelife na si Tsong.

“Siya si Maria”

Nagulat ako.

“Di nga?”

“Asawa ko na siya”

“Paanong…”

“Mahabang kwento” sabad na wika ni Maria.

Nice.Ngayon napatunayan ko na totoo ang true love. Isang malupit na example ang lovelife ni Tsong Macoy.

Nagpaalam ako na kay Tsong Macoy muna matulog ng araw na iyon.

“Bakit gising ka pa?” takang tanong ni Tsong ng madatnan niya ako sa sala habang mag-isang nagkakape. Hindi ako makatulog dahil nag-iisip ako ng sorpresa kay Louisa.

“Hindi po kasi ako makatulog eh, iniisip ko kung paano kami magkikita ni Louisa. May balita ka po ba sa kanya?”

“Siya pa din pala hanggang ngayon ah.”

“Syempre naman, mana kaya ako sa inyo. Isa akong malaking tanga ”

Natawa ito.

“Doon pa din sa boarding house nakatira si Louisa”

“Sa tingin niyo ba single pa din siya hanggang ngayon?”

Binatukan ako nito. “Aray! Bakit niyo ginawa yon?!Aw!”

“Sa tingin mo , bakit ka pa susulatan ni Louisa kung taken na siya?”

Oo nga ano, ang engot ko talaga hindi ako nag-iisip. Sa mga oras na iyon ay napuno ako ng pag-asa at sa mga oras din na iyon ay may biglang pumasok sa isip ko. Hulaan niyo.

***

“Bayad po!” isang boses na pamilyar na pamilyar sa akin—si Louisa.

Nasa isang jeep kami. Katapat ko siya . Walang bakanteng upuan dahil puno ito ng mga pasahero kasama kami. Kanina sinundan ko siya mula sa boarding house hanggang sa makasakay siya sa jeep.

Nagdisguise ako, nagsuot ako ng fake na balbas at sombrero habang may hawak na bouquet of roses na plastic. Pasimple ko siyang tinititigan. Hindi pa din nagbabago ang ganda nito katulad pa din noong dati, diyan ako na-inlove sa kanya eh. Habang papalapit na kami sa destinasyon namin ay isa-isang nagsisibabaan na ang mga pasahero hanggang sa ako, siya at ang jeepney driver na lang ang natira. Parte pa lang yan ng plano ko.

“Nandito na tayo, Boss.”wika ng driver.

“Manong, hindi po dito ang baba ko.”

Imbes na sumagot si Manong driver ay pumailang ang kanta ni Noel Cabangon, Di na natuto sa stereo ng jeep. Bumaba na din ang driver at kami na lang dalawa ni Louisa ang naiwan.

“Nandyan ka na naman, tinutukso-tukso ang aking puso…”

Isa-isa kong tinanggal ang disguise outfit ko habang nagpe-play ang kanta.

“Teka, sino ka?” wika ni Louisa.

“Ilang ulit na ba,iniiwasan ka di na natuto…”

“Kapag hindi ka nagpakilala, sisigaw ako”

“Sulyap ng iyong mata, aking nadarama,kahit malayo”

“Nahihirapan na,lalapit-lapit pa, di na natuto”

“Isang ngiti mo lang at ako’y napapaamo….mo wohoo”

“Nawala lang ako ng dalawang taon, nakalimutan mo na agad ako.”wika ko ng matanggal ko na ang disguise ko.

Napatigil ito. Tila nagulat ng Makita ako.

“Hindi mo na din siguro naalala kung paano nagtagpo ang landas natin, dito.. sa jeep na ito…. Una kong nakilala ang malas na babaeng iyon”

“Yakapin mong minsan, at muling magbabalik sayo…na walang kalaban laban”

“Noong una, turn-off talaga ako sa kanya dahil kababaeng tao naglalasing… akala ko hindi na kami magkikita… pero nasundan yon…ng madaming araw…hanggang sa yung unang impression ko sa kanya eh nawala…”

“Ang puso ko’y tanging iyo…. Lamang…”

Nakita ko ang unti-unting pagpatak ng luha sa mga mata ni Louisa habang nagsasalita ako.

“Lalo na ng maging fake boyfriend niya ako….. nalaman ko na may dahilan pala kung bakit siya naglasing ng ganoon…at nung nalaman ko yon…unti-unti akong nahulog sa kanya…pero.. nung sinabi niya sa akin na maging bestfriends kami, saka ko lang na-realize na hindi pala pwede…dahil alam kong hindi pa siya nakakamove-on sa lalaking minahal niya….pero nagulat ako ng may ipinakilala siya sa akin, ka-blind date niya daw….Sa totoo lang … sobrang sakit yon dahil….. nandito naman ako bakit kailangan pa niya makipag-date sa iba…. Naalala ko , hindi pa pala niya alam na gusto ko siya…”

“oh heto na naman, laging nananabik…ang aking puso”

“Muling bumabalik..sa’yong mga halik…di na natuto….”

“Noong araw din iyon… sumuko ako…kasi ayokong umasa na isang araw akodin pala ang masasaktan…gusto kong maging masaya siya… kasi alam ko, naging masakit sa kanya ang pagkamatay ng lalaking mahal niya…gusto ko lang palaging may ngiti sa labi niya….kahit hindi ako yung dahilan ‘non”

“Isang ngiti mo lang at ako’y napapaamo..wohoo”

“Ngayon.. bumalik ako..umaasa na masasabi ko ng harapan sa kanya na….. ”

“Yakapin mong minsan at muling magbabalik sa’yo…na walang kalaban laban”

“Louisa, Mahal na mahal kita.”

“Ang puso ko’y tanging iyo ….lamang….”

“Arvin!” umiiyak na niyakap ako ni Louisa.

Isang mahigpit na yakap ang itinugon ko sa kanya.

A Jeepney Lovestory (Completed)Where stories live. Discover now