Chapter 2: The Malas Night and I met her again

129 2 0
                                    

Kabanata 2:

Kapag nakakakita ako ng babaeng umiiyak, medyo nakakaramdam ako ng lungkot sa hindi ko malamang dahilan. Katulad ngayon, may umiiyak na babae sa harapan ko pero wala akong magawa.

“Miss, okey ka lang?”

Ang tanga ko talaga, nagtanong pa ako kung okey lang ito eh alam ko namang hindi ito okey.

Umiling lang ito sa tinanong ko.At umiyak ulit. Mabuti na lang at walang masydo dumadaang tao sa kalye, iwas iskandalo iyon para sakin.

Nagpasya akong tanungin ulit ang babae, gusto ko na kasing matapos ito at makauwi. Inaantok na kasi ako.

“Miss, Alam mo kasi medyo nakakaabala ka na sa’kin. Kaya kung pwede lang sa susunod na maglasing ka, siguraduhin mong may kasama ka kasi baka mapahamak ka sa ginagawa mo eh.”

Sayang ang ganda nito kung mapapahamak lang ito. Type ko pa naman.

“Ganito na lang, pahiram ng cellphone mo para matawagan natin yung magulang mo o kaibigan mo. Kasi hindi din kita maiwanan dito dahil sa itsura mo eh.”

Hindi naman pala mahirap kausapin ito dahil binigay agad nito ang cellphone niya sa’kin. Agad kong hinanap sa phonebook ng cellphone niya ang number ng kung sino man ang nakakakilala dito. Sinubukan kong tumawag sa cellphone nito pero sa malas eh wala pala itong load kaya sa cellphone ko na lang tatawagan. May nakita akong number ng kaibigan nito na naka-save, obvious naman dahil Grace-Friend ang nakalagay na pangalan. Sinimulan kong tawagan iyon.

Mukha hindi ako minalas sa pagkakataong iyon dahil agad na may sumagot. Babae iyon, malamang si Grace.

“Hello?”

“Yes, Hello? Who’s this?”.ani ng babae sa kabilang linya.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at sinabi ko dito ang nangyari sa kaibigan nito.

“Nasaan ka’yo? Susunduin ko kayo, okey lang ba siya?”suno-sunod na tanong nito na halatang nag-aalala. Sinabi ko kung nasaan kami.

“Sige dyan lang kayo.” Wika nito bago mawala sa linya.

Nakahinga ako ng maluwag. Binalingan ko ang babae, nakaupo pa din ito at nakatungo.

“Ahm.. Miss, ito na yung cellphone mo,natawagan ko na yung friend mo, si Grace, tumayo ka na diyan kasi maya-maya dadating na iyon para i-uwi ka.”

Nagtaka ako dahil hindi ito sumagot. Anak ng tokwa! Tinulugan ako.

“Miss?, hoy ,miss” niyugyog ko ang balikat nito para gisingin. Pero talaga maoy na ito.

Kaya no choice ako kundi buhatin ito, Piggy back ride.

Ang hindi ko mawari eh ang payat naman ng buhat-buhat ko pero walanghiya ang bigat. Halos 30 minutes na akong naghihintay habang buhat-buhat ang babae. Tiningnan ko ang oras sa relos ko , alas-diyes na. Patay ako, siguradong hinahanap na ako ni Tsong Macoy.

Maya-maya ay may nakita akong babae na naglalakad papalapit sakin. Sa wakas dumating na din ang hinihintay ko---si Grace.

Napakunot ang noo ko dahil ng mapagsino ko na ang babae ay pamilyar ito sa’kin. Alam ko madaming Grace na pangalan sa Pilipinas pero hindi ko akalain na kilala ko pala ang Grace na kaibigan ng babaeng ito. Nang makalapit ito at nagulat din ito ng makita niya ako.

“Grace?”

“Arvin?”

Sabay pa naming sambit sa isat-isa. Highschool classmate ko si Grace at kapitbahay ko dati, matagal na kaming hindi nagkikita dahil after grumadweyt kami sa highschool ay lumipat na ito ng ibang tirahan.

A Jeepney Lovestory (Completed)Where stories live. Discover now