Gift

152 13 0
                                    

(Anhu)

Arius's P.O.V

*Flashback*

"I'm sorry misis, hindi na po namin siya naabutang humihinga..." Bungad saakin ng makauwi ako sa aming malaking bahay galing eskuwelahan.

Sigaw at iyak ni mama ang aking pinanuod habang dumidilim ang kalangitan. Natulala nalamang ako sa harapan ng aming pintuan, hindi alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Umuwi akong nakangiti hawak ang aking report card na puno ng matataas na marka para ipakita kila ama at ina, pero... Nasaan daw si papa?

"Sinabi ko nang delikadong lumuwas sa panahong ito!" Pagwawala ni ina habang pinapahinahon siya ng kaniyang mga kumare.

Karamihan sa mga guro sa aking eskwelahan ay nagmamadaling pumunta saamin pagkarinig ng balita.

"Ano?! Ang principal naaksidente sa kabundukan?"
"Madalas ang pagguho ng daan sa kabundukan dahil sa mga lindol bakit tumuloy parin siya sa kaniyang conference? Ma'am hindi ba at hinanda mo na ang online conference ni sir?"
"Oo nga ho pero nagpumilit siya mismo-"

"Wala na siya! Wala na ang asawa ko, Mai? Anong gagawin ko? Paano na ang mga anak namin? Paano na ako?" Hagulgol ng aking ina na rinig mula sa bungad ng pintuan kung saan ako nakatayo.

"Naandito ako Eli, magle leave ako ng ilang buwan para lang may makasama ka... Makakayanan mo ito!" Sagot ng isang babae na hindi ko pa nakikilala.

Natahimik ang mga guro habang hikbi nalamag ni mama ang aking naririnig.

"Kuya?" Kalabit saakin ni Aaron sa likuran.

"Bumalik ka sa kuwarto mo at hindi ka pa magaling." Dali dali ko siyang hinila paitaas ng bahay at pinatulog.

"Ang sakit po! Nasaan pala si papa kuya? Nakita ko kasing umiiyak si mama, inaway ba siya ng mga kalaro niya?" Hawak niya sa kaniyang dibdib na may benda.

"Wala iyon, naglalaro lang sila ng charades-"

"Waah ako din sali." Aaron

"Pagaling ka muna at maglalaro tayong dalawa!"

"Okay po!" Aaron.....

*Present*

"Arius! Don't tell me nawalan ka ng malay?" Rinig kong sigaw ng pamilyar na lalaki... Bakit siya pa ang sumagot sa tawag ko?!

Ramdam kong buhat niya ako at tumatakbo siya.

"Did you left my family there?!" Sigaw ko pagkamulat, I remembered na nakahilata lang sila sa semento ng garahe namin!

"The Reaper is after you, huwag mo muna silang alalahanin!" Sagot niya.

I calmed myself and tried to collect my thoughts.

"Bakit daw? Did she spoke to you?" Humawak ako sa balikat niya para makalingon sa likuran niya.

He is moving so fast while carrying me in front of him, he is strong!

"The Reaper is a woman? How did you figure it out?" Sigaw niya.

"Y- yes, I felt it from her aura." He still scares me!

Kita ko naman ang ngisi sa kaniyang labi. He knows my capabilities...

"Out of every souls wandering my house ikaw pa ang lumabas?!"

"Why not? We've been friends for 7 years now, are you still scared of me?" Sagot nito.

Friends?! How are we, friends?

NecromancyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon