Battle: 1

76 8 0
                                    

Uno pov

Nasa tabi lang naminnsi Dua...maging si Renz. At hindi ko maintindihan kung ano itong suot nilang maskara? Masyado silang fashionista.

" Ate Rash nandito ka na pala..." Cass

Napalingon ako ng makita itong pumasok sa cabin namin. Bakit siya andito?

" Upo ka Rash...sakto at magsisimula palang..." Tres

Binalik ko ang tingin ko sa stage. Hindi ko muna siya pwedeng isipin. Dahil baka hindi ko makontrol ang sarili ko mamaya baka may mapatay pa ako.

Lumabas ang unang mag lalaban.

2 vs 9

Kami at Ermet gang

" bwenamano agad agad..." Basilio

" sisiw lang yan..." Tres

Sa pagsisimula ng laban,gaya nga ng pinagyabang ni Tres kanina ay mabilis naming napatumba ang Ermet Gang.

" hindi man lang kami pinagpawisan..." Fifth

" eto na yung magandang panoorin..si Moonlight Princess laban sa Black Snipper Gang...." Dos

Ang Black Snipper Gang ay ang grupo nila Levi kinakabahan ako dahil mag isa lang si Dua kumpara sa pitong malalaki ang katawan ng mga kagrupo ni Levi.

Nakakoncentrate talaga ako sa kanila.

5 vs 6
Dua vs Levi

Unang sumugod ang kasama ni Levi...sa bilis ng kikos ni Dua napasubsob lang ito sa pamamagitan ng pagpatid niya. Namangha agad ako sa kapatid ko...tila ba kalmado itong humaharap sa kanila.

Nakikita kong nag uusap sila ngunit hindi ko marinig. Sumunod ay dalawa ang sumugod sa kanya pero tumalon lang ito sa likod nila at binigyan sila ng tig iisang sipa mula sa kanyang pag upo. Nagpalakpakan ang ibang gang...kakaiba ang lakas ngayon ni Dua. Hindi ko alam kung papaano niya nagagawa ang mga ito. Kung tinuro man ito ni tito Ryuk ay hinahangaan ko siya.

" Shit!" nagulat ako ng biglang napatayo si Rash sabay turo kay Levi.

Napasulyap kami kay Levi. May nilabas itong maliit na kutsilyo mula aa kanya bulsa...kasing liit lang ito ng hintuturo ng lalaki. Kaya hindi mapapansin sa camera.

" Tangna talaga ito...hindi patas lumaban ang Levi na ito." Dos.

Kinabahan ako lalo...

Hindi namin napansin na si Levi nalang pala ang natitira sa grupo nito. Kaya pala nilabas na niya ito.

" suwabe ang galaw ni Moonlight Princess...pinag iisipan niya lahat ng galaw ng kanyang kalaban." Basilio

Hindi kaya nakakahalata na itong loko na si Dua si Moontlight Princess?

Nakatayo lang si Dua sa kanyang posisyon...hinihintay ang pagsugod ni Levi ...akala ko ay susugod ito , pero sa bilis ng kamay ni Levi hinagis niya ang hawak niyang kutsilyo. Kapag hindi matalas ang paningin mo masasabi mo lang na hangin ang kanyang hinagis.

Napatayo ang mga kasama mo maging sina Maliyah at Rash

" Hanep!!! ang galing!" Tres

Nasalo ni Dua ang maliit na kutsilyong hinagis ni Levi ...at binalik niya ito kay Levi gamit ang kanyang pagpitik ng daliri.

Sapol si Levi sa balikat na ikinabuwal niya....hudyat ito na natalo sina Levi.

Ang sumunod ay Si Moonlight Princess at si Midnight skull.

I fell inlove To Miss Talkative (Uno's. Story)  Where stories live. Discover now