The Plan

89 8 2
                                    

Uno pov

" mom bakit naman ganun? hindi ba pwedeng ibigay nalang natin ang kasiyahan ni Dua..." nasa library kami ngayon at pinag uusapan namin ang pagiging protector ni Renz

" anak tinakda si Renz maging protector ng Orga.yan ang kasunduan ng lolo mo sa lolo ni Renz, "

" pero mom alam niyo naman kung gaano kahalaga si Renz kay Dua....'

Biglang napatayo si Dad sa sinabi ko.

" may namamagitan ba sa kanilang dalawa Uno?" tanong ni dad.

Bakit ba hindi nila napapansin yun? Sabagay parati silang wala....wala silang alam sa kasiyahan ni Dua.

" anak...Ang isang tinadhanang maging protector ng Orga ay hindi pwedeng magkagusto o magkaroon ng relasyon kanino man. Magiging hadlang ito sa kanyang mission." mom

" mom si Dua ang pinag uusapan natin dito hindi ang Orga."

" may namamagitan ba sakanila Uno?magsalita ka!?"

Hindi ako sumagot...tinalikuran ko nalang sila ngunit bago ako tuluyang lumabas.

" sana nga ay makakaya niyong makita si Dua na mahihirapan at masasaktan...dahil ako ay hindi.... Hahayaan ko kayo sa disisyon niyo...."

" Uno...." tawag sa akin ni dad.

Hindi ko maintindihan bakit kailangan pang masaktan si Dua. Kahit binabara ako ni Dua ay mahal na mahal ko siya. Kahit kailan ay hindi ako nainggit sa kanya.,mas matalino ito saakin,mas matapang kaysa saakin...wala naman kaso saakin...kakambal ko siya at hindi karibal sa ano man.

Pagbaba ko ay nakita ko si Dua na paalis ito.

" saan ka pupunta?"

" sa condon ni Renz...bakit?"

Napapikit nalang ako.

" gabing gabi na Dua..."

" Ok ka lang ba Uno?seryoso mo ata ngayon?"

Sumenyas nalang ako na umalis na siya. Mainit ang ulo ko sa diskusyon namin nila dad.

Pumasok ako sa kwarto at nag isip ng idadahilan para bukas.

Sa susunod na araw na kasi ang alis ni Renz..,urgent ito para malaman ang mga traidor sa Orga.

I'm sorry Dua...

Kinabukasan ay sinaman ko sina dad para sabihin na kay Renz ang pag alis nito. Sa office namin siya kinausap.

" tita..tito..bakit po?"

" iho pwede ka ba namin makausap?" Mom

" sure po tita..."

Pumasok kami sa laboratory nito sa may underground.

" ano po pag uusapan natin?" Renz

Nasa side lang ako ni Dad....

Sorry Renz...wala akong magagawa....

" tapos na din ang mga ginawa natin iho...ito na ang oras para gawin mo na din ang tinakda sayo..." Mom

Natigilan naman si Renz sa narinig nito. Alam ko naman na si Dua ang una niyang naisip.

" tita..."

'' kailangan ka sa Orga iho. Ang isang Assassin na kagaya mo ang kailangan namin doon hindi natin kilala ang mga traidor sa grupo aalis ka bukas ng tanghali andito na ang ticket." sabi ni dad at inabot ang ticket at folder.

I fell inlove To Miss Talkative (Uno's. Story)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon