"Wow! manok!" Nagningning ang mga mata ni Joey nang maupo siya sa hapag. Inaayos naman namin ni Chiona ang lamesa samantalang si Clyde naman ang kumuha kay Tatay. "Salamat po, Ate!" Ngiti niya.

Binaba ko ang baso na may juice sa harap niya at malapad na ngumiti sa ubod ng cute kong kapatid. "Walang anuman!" Hinaplos ko siya sa buhok.

Bumungingis lang siya at kinuha ang baso 'tsaka uminom doon. "Nakita mo na ba ang mga pinamili ko para sa'yo?" Tumango siya. "Nagustuhan mo ba?"

"Opo, Ate! Salamat po!" Masiglang sabi niya. Napangiti na lamang ako at hinalikan siya sa tuktok ng ulo.

Sakto namang dumating na sila Tatay. Pinuwesto ni Clyde sa tabi ni Joey ang wheelchair ni Tatay. "Salamat, Clyde." Sabi ko sa kaniya. Tumango lang siya at ngumiti bago nilapitan si Chiona.

"Nagpa-salamat ka na ba sa Ate mo, Joey? Pinaghirapan niya ang mga pagkain natin ngayong gabi." Sabi ni Tatay at ngumiti sa 'kin.

Napalunok ako at inayos nalang ang pagkain niya. "Opo!" Masayang sagot naman ng kapatid ko na abala na sa pagkain.

"Salamat, Anak." Sabi naman ni Tatay na ikinatigil ko saglit.

Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Masarap sa pakiramdam na naa-appreciate nila ang mga ginawa ko para sa kanila. Sobrang saya ng puso ko na nabibigay ko na unti unti ang mga bagay na walang wala kami noon. Mas lalo pa akong magsisikap para sa kanila.

"W-Walang anuman po, 'tay." Tumango ako. "Kumain n-na po kayo..." Sabi ko at sinubuan siya ng manok. Nilingon ko naman sila Chiona at Clark, kapwa sila nakangiti sa'min. "Kumain na rin kayo!" Ngisi ko sa kanila.

"Kumain ka na rin, Ysa..." Sabi ni Tatay.

"Busog pa po ako. Pagkatapos na lamang po ninyo." Ngiti ko. Hindi pa ako kumakain pero hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom kaya siya muna ang uunahin ko pakainin. "Bumili na po pala ako ng gamot ninyo para sa isang buwan kaya makakainom ka na po araw araw."

"Salamat, Anak."

Pagkatapos kumain ay mabilis na rin kaming nagligpit. Tumulong sila Chiona at Clyde kahit sinabihan ko nang hindi na kailangan. Hinatid ko naman muna si Tatay sa kwarto niya pagkatapos uminom ng gamot at ilang minutong pahinga para makapag-pahinga na rin. Si Joey naman ay excited na ayusin ang mga binili ko sa kaniya sa kwarto kaya pinapatulog ko na rin kapag natapos siya.

"Nabusog kami." Bulalas ni Chiona nang ihatid ko sila sa pintuan. Aalis na sila at pupunta sa bar para mag-asikaso roon.

"Salamat, Ysa." Tango ni Clyde.

Ngumiti ako at kumaway sa kanila. "Salamat at mag-iingat kayo!" Paalam ko sa kanila.

Nginisian lang nila ako. Pinanuod ko silang umangkas sa motor ni Clyde at pinanuod na makalayo bago ko sinara ang pintuan. Sakto namang pagtalikod ko ay ang pabalang na pagbukas muli ng pinto.

Nagulat ako at kaagad na tiningnan ang dalawang kwarto kung nasaan sila Tatay at Joey bago ko hinarap si Nanay na nagpupuyos na naman ng galit na nakatingin sa 'kin. Nanginig ako at napaatras sa takot.

"N-Nanay..." Suminghap ako.

"Walang hiya ka talaga!" Singhal niya at malakas akong sinampal. Napaatras ako. "Pinahiya mo ako, punytq ka!" Galit niyang singhal.

Humikbi ako habang hawak ang pisnging sinampal niya. "B-Bakit po nay....." Nanginginig kong tanong.

"Hindi ako pinautang ng lecheng belen na 'yon dahil sinabi mo raw! Tangna! Pinahiya mo ako sa mga kainuman ko!" Dinuro niya ako at dinikdik iyon sa noo ko. Napapaatras ako ng bahagya sa diin ng panduduro niya. "Ano ha? Nagmamalaki ka na? Porket malaki ang kinikita mo sa trabaho?! Ano?! Mayabang ka nang punyeta ka?!"

"N-Nay..." Daing ko nang sabunutan niya ako at mahigpit na kumapit sa buhok ko. Masakit iyon dahil parang gusto niyang kalbuhin ako. "M-Masakit po..." Nakikiusap ang mga ko nang tingnan siya.

"Masakit? Talagang masasaktan ka! Wala kang utang na loob! Pinagmukha mo akong tanga! Akala mo ha!" Marahas niyang binitiwan ang buhok ko. Akala ko tapos na siya pero sunod naman niyang ginalaw ang mga bulsa ko.

Namutla ako nang kunin niya lahat ng pera ko. Wala nang matitira sa'min! "N-Nay...huwag mo naman pong kunin lahat..."

Matalim niya lamang akong tiningnan bago bumaling sa nakuha niya at binilang 'yon. "Huwag mo akong artehan, gaga ka! Bayad mo ito sa mga sakripisyo at kamalasang dala mo sa'kin!" Kaagad niya iyong binulsa at muli akong hinarap. Hinigit niya ako sa braso. "Kulang pa 'to, sa susunod na sahod mo gusto ko mas malaki rito. At sabihin mo rin sa punyetang belen na 'yon na pautangin ako dahil kung hindi...." Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at sinadyang idiin sa balat ko ang mga kuko niya. Napaigik ako sa sakit. "Kapag hindi mo binigay ang mga gusto papatayin kita...uunahin ko ang baldado mong Ama tapos isusunod ko ang palamunin mong kapatid. Tutal pare-pareho naman kayong mga walang silbi sa'kin!"

When She's goneWhere stories live. Discover now