Chapter 21: Complications

Start from the beginning
                                    

Sila ang lakas ko. Hindi ko kayang harapin ang mundo nang wala sila.

“Safira!” Napaangat ako ng tingin. Agad niya akong niyakap.

“How's tita?” Nandito si Apollo. Isa sa mga taong pinanghahawakan kong hindi ako iiwan. Pinahid niya ang luha ko at hinawi ang hibla ng buhok kong tumatabon sa mukha ko.

“H-Hindi ko alam. Nawalan lang siya ng malay kanina at may d-dugo sa bibig niya,” naiiyak na sagot ko.

“She'll be alright okay? Nandito lang ako.” Tumango ako.

“Kumain kana ba?” tanong niya. Marahan akong tumango.

“Anong gusto mong kainin?” Umiling ako dahil busog pa ako't wala naman akong gustong kainin.

“Wait, I'll buy you food.” Hinawakan ko ang kamay ni Apollo at pinabalik siya sa pagkakaupo.

“I'm good. Dito ka lang,” saad ko. Marahan siyang tumango at umupo sa tabi ko.

“Wear this.” Binigay niya saakin ang jacket niya. Siya na mismo ang nagsout saakin nito. Hindi ko lubos maisip na may tao pa palang ganito. Hindi man lang siya nandiri sa histsura ko pero niyakap padin niya ako.

Hindi ko alam at bakit binigyan ako ni Lord ng ganitong tao. Ang swerte-swerte ko.
Ipinahiga niya ako sa balikat niya. Ito na siguro ang pinakakomportable sa lahat.

“Ehem!” Sabay kaming napatingin ni Apollo kay Jeff nang dumating ito. May dala-dala na itong isang bote ng mineral water.

“Tubig mo Parikoy!” Ibinigay niya saakin ang tubig ngunit si Apollo ang tumanggap.

“I'm so thirsty can I drink first?” he asked. Alam kong pinagseselosan ni Apollo si Jeff. Ilang ulit ko ring sinabi sa kaniya na magkaibigan lang talaga kami ni Jeff.

Tumango na lamang ako. Nanlaki pa ang mata ni Jeff nang ininom na ni Apollo ang tubig. Agad niya naman itong ibinigay saakin ang kalahati. Nag aalalangan pa akong tanggapin ito dahil nandiyan si Jeff.

Napatingin naman ako kay Apollo. Tumaas ang kilay nito. Huminga ako nang malalim at ininom na lamang ito.

“Mukha namang hindi—” bulong ni Apollo pero siniko ko na siya dahil alam ko na kung saan papunta ang usapan.

Ilang sandali pa ay may lumabas na doctor mula sa kwarto ni mama.

“Sinong kamag-anak ng pasyente?” tanong nito. Agad naman akong lumapit.

“Nahimatay lang ang nanay mo kanina and we observed that she was coughing blood. We found out that she was suffering
Hemoptysis. It is coughing up a blood from your lungs. It only means na may lungs complication ang nanay mo and it's a sign of serious medical condition iha. Hanggang maaga pa I suggest she will undergo endovascular embolization.” Napahawak ako sa aking puso.

“Magkano po ang magagastos niyan doc?” unang tanong ko.

“Around 500 thousands to 1M.” Nanlumo ako sa narinig ko. Saan ako makakakuha ng ganiyan kalaking pera? Isang libo nga wala ako.

“Excuse me.” Umalis na ang doctor at naiwan akong tulala.

Agad akong inilalayan ni Apollo at lumapit din saakin si Jeff. Tumulo ang luha ko. Kailangan ni mama mag undergo sa endovascular na 'yon para hindi na dumating pa sa cancer ang sakit niya.

“I will help you Safira!” saad ni Apollo.

“Ako rin Parikoy!” dagdag ni Jeff. Sa kabila ng lahat ay masaya ako at kahit papaano ay may mga tao pa palang handang tumulong saakin.






Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED] Where stories live. Discover now