Chapter 16.2

40 9 0
                                    

Naalimpungatan ako at agad napamulat ngunit dali-dali rin akong pumikit dahil sa sakit ng sinag ng araw.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at namangha sa ganda ng araw. Narito kami sa seaside kung saan napuntahan na namin noon ni Apollo.

Napalingon ako sa tabi ko at wala siya rito. Dumako ang tingin ko sa labas at hindi nga ako nagkakamali at naroon siya habang nakatayo sa tabi ng dagat at nakatanaw sa paglubog ng araw.

Lumabas ako at pinuntahan siya. Agad naman itong napalingon saakin. “How do you feel?” bungad niya.

Hindi ko alam kung okay ba ako? “Hindi ko alam.” Hindi ko nga alam bakit hinahayaan ko parin ang sarili kong makasama siya. I should leave and run away from him, pero hindi ko magawa.

“Gutom ka? May pagkain ako sa kotse, wait!” Napahawak ako sa tiyan ko at gutom nga ako. Mahaba-haba rin siguro ang tulog ko dahil naabutan kami ng hapon dito.

Bumalik siya na may dalang isang tupperware. Ibinigay niya naman saakin ito habang ako'y nag-aalalangang tinanggap iyon. “Salamat,” nahihiyang wika ko.

“Eat well baka bumalik pa ang sakit mo!” Ibinigay niya saakin ang isang bottled water na agad ko namang tinanggap.

“Kumain kana?” tanong ko naman. Tumango lang siya at naglakad palayo saakin. Nang makalayo na siya ay sinimulan ko nang kumain.

Ironic how I trust easily that man. Dapat diba hindi ako basta-basta sumama sa kaniya? Pero heto ako ngayon kasama siya.

I know he don't have any bad intension. He just want to help pero mali eh, may gusto sa kaniya ang kaibigan ko. Our friendship was ruined. Hindi ko nga inaasahan na 'yon pala ang paningin saakin ni Joy.

Ang sakit kaya matawag na gold digger at malandi. Hindi ako' yan. Alam kong masakit din ang pinagdadaanan niya dahil matagal niya nang gusto si Apollo. Sadyang pinaglalaruan lang ako ng tadhana at bakit ako pa ang napiling ligawan ni Apollo. Joy is pretty compared to me. She was influential compared to me and their family are close so bakit ako pa?

Pagkatapos kong kumain ay kinuha niya ang tupperware saakin at ibinalik sa kotse niya. Umupo ako sa malaking bato. Madami rin kasing rock formations dito.

Nagulat pa ako nang tumabi siya saakin. “I'm sorry Safira,” mahinang wika niya.
Napatingin ako sa kaniya at ngayo'y nakatingin lamang ito sa malayo.

“I'm sorry if I ruined your friendship. I don't mean it.” Huminga ako nang malalim.

“Hindi ko alam kung mapapatawad pa ba ako ni Joy!” saad ko.

“If she's your true friend then she will.” Napatango naman ako. Sana nga mapatawad niya ako.

“But.. I just want to ask you this Safira,” panimula ni Apollo. Tahimik lamang ako at naghihintay sa susunod na sasabihin niya.

“Do I have a chance?” Nagulat ako sa tanong niya. Kahit mali ay biglang tumibok ang puso ko. Napahawak pa nga ako rito.

“Alam mo naman ang sitwasyon natin diba? May gusto sa'yo ang kaibigan ko Apollo.” Pumulot ako ng maliit na bato at inihagis sa buhanginan.

“Forget about other people for a while Safira. This question is just for you and me.” Lumingon ako sa kaniya at naghihintay lamang ito sa sasabihin ko. Tumitig ako sa kaniya. Napaganda ng buhok niyang tinatangay ng hangin, ang namumulang pisngi at matangos na ilong na mas lalong nagpagwapo sa kaniya. Ang makakapal na kilay at matataas na pilik mata. Ang gwapo niya. Ang gwapo-gwapo niya. How could a man like this asking for a chance?

“Oo Apollo, gusto rin kita!” Too late. Nasabi ko na! Bigla akong natauhan sa sinabi ko at agad kong tinakpan ang bibig ko.

Tumayo ako sa pagkakaupo at aakmang aalis ngunit agad niyang nahawakan ang baywang ko dahilan para masubsob ako sa katawan niya. His body is firm and I can even feel his abs. Napahawak ako sa braso niya dahil muntik na akong mawalan ng balanse.

Napatitig ako sa kaniya at hindi ko man lang magawang iiwas ang tingin ko. Hindi ako makagalaw at ang nakakabinging kabog ng puso ko lamang ang aking nadidinig.

Unti-unti niyang inilalapit ang kaniyang mukha saakin. Parang kinukuha ng mata niya ang aking kaluluwa dahilan para hirap na hirap akong kunin ang paningin ko mula sa kaniya.

Dalawang pulgada at maglalapat na ang aming labi ngunit wala akong ginawa at wala akong gagawin. Unti-unti akong pumikit habang tuluyan na ngang naglapat ang aming labi.

Hindi iyon nagtagal ngunit agad din niyang inilayo ang mukha niya saakin ngunit hindi parin ako binibitawan. The feeling is enchanted. Hindi ko nga alam anong erereact ko basta ang alam ko lamang ay lumulundag ang puso ko.

“Love me Safira please don't stop yourself. I like you! No, I love you!” Napamulat ako at napatingin sa seryosong mukha niya.

“Pero mali eh. Maling-mali Apollo,” wika ko.   

“Is it wrong to love you Safira?” Hindi ako makaimik.

“G-Gusto ka ng kaibigan ko Apollo.” Pilit kong pinipigilan ang luha ko. Hindi ko nga alam bakit ako lumuluha.

“Pero ikaw ang gusto ko Safira. I cannot let you go dahil lang diyan.” Huminga ako nang malalim.

“Wether you like it or not I will court you Safira.” Hindi ako umimik. Hindi naman masamang kahit isang beses pagbigyan ko ang sarili ko diba?

“I am willing to take the risk just to have you Safira. Lalo na ngayon na may pinanghahawakan na ako.”

Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED] Where stories live. Discover now