The Game Changer Chapter 1

Start from the beginning
                                    

Tiningnan niya ako tapos ay ngumiti. 

"Hindi ko lang talaga mapigilan bro. Namimiss ko na agad" natatawa ring sabi nito.

Nalagot na, ganyan talaga? Lakas talaga ng tama nitong gagong to kay Kim pero hindi ko naman siya masisisi. Maganda si Kim at sobrang bait pa. Palagay ko nga nag iisa na lang siya sa mundo at nakuha pa ni Drew, malas lang ni Kim.

"Wag ka mag alala kasi nandito ako, walang kakanti sa girlfriend mo. Ako lang naman yata ang nagnanasa pa dun maliban sayo eh." natatawang sabi ko para lang pumanatag ang loob niya.

Natawa si Drew sa sinabi ko at uminom na rin.

Nung nakilala ni Drew si Kim, biglang nag iba ang ihip ng hangin. Bigla siyang parang naging isang maamong tupa na kinadenahan o nagayuma, hindi na tumitingin sa ibang babae. Parang biglang naging lalaki na lahat sa paligid at si Kim lang ang nag iisang babaeng nakikita nito.

Sana lang hindi mangyari sa akin yun. Kung sakali, lagot ako! Ayokong magpasakal bro. I want to be free all my life. Ayoko yata nung mag stick sa iisang babae habang buhay. Napaka boring nun. Yung wala kang matitikmang ibang putahe. 

Pero minsan rin ay naiisip ko kung ano kaya ang pakiramdam na magmahal ng iisang babae? yung tipong tulad ni Drew kay Kim na halos mabaliw talaga pag hindi nakikita ang girlfriend?  

Nilibot ko ang tingin sa paligid namin, medyo maraming tao ngayon pero may isang malaking table na hindi pa occupied. Nakareserve kasi yun para sa pinsan kong si Stephanie, ngayon kasi ang despidida party nito.

Ang paboritong pinsan ko ay aalis ng bansa dahil pasasakal na sa kanyang Dutch boyfriend. Oh man!  

Unti unti nang nalalagas ang mga single na kilala ko.

May isang staff na lumapit sa table namin at sinabing nandiyan na raw si Stephanie sa labas.

"Hey Drew, nandiyan sa labas si Steph. Sunduin natin?" tanong ko kay Drew para naman hindi siya maburo sa kakaupo.

Si Steve ay busy sa pakikipaghalikan sa isang babae at si Lance naman ay ayun na sa dance floor and yeah, making out with that girl na kanina pa niya hinuhubaran sa isip niya. Manyak kasi yun, hayuk sa babae pero hindi na bago samin ang ganyan kasi ganyan rin naman gawain ko eh, naka round 1 na nga ako kanina diba? 

Usual scenario na dito sa loob ng bar na makakakita ka ng mga mag nobyong naghahalikan, kahit na hindi magnobyo ganun rin. Mga lalaking nasa loob ng palda ng mga babae ang mga kamay at sa bathroom ng girls, dun nangyayari ang mga Rated SPG.

Habang palabas kami ay may nakita akong naghahalikan pero ang lalaki nakatalikod sakin at ang babae ay nakaharap sakin, kumindat pa yung babae.

See?

Pagkalabas ko ay nakita ko si Stephanie at ilang mga friends raw nito na as usual ay halos tumulo ang laway pagkakita samin ni Drew. 

"Hi girls." bati ko sa kanila with my simpatikong smile.

"Hello Zane!" sabi nung iba na kahit wala pa naman akong ginagawa ay nagblush na. Mga babae talaga, ang daling hanapin ng kiliti nila. 

"Handsome cousin, ready na ba ang table namin? medyo natagalan kami becuse they had a lot of things pa na tinapos sa office eh" explain ni Steph na nakayakap na sa bewang ko.

Umakbay ako sa kanya at humalik sa noo niya. She's my favorite cousin kaya ganito kami kaClose na kung hindi mo kami kilala ay aakalain mong mag nobyo kami.

"Of course! Everything is all set for my favorite cousin. Sigurado ka na ba talaga na magpapasakal ka na?" asar ko sa kanya.

"Hey you! Anong pasakal?" kunwaring shock sa term na ginamit ko. "I will get married Zane. Sa Prince Charming ko" proud na sabi nito habang papasok na kami sa loob.

The Game Changer  ~COMPLETE~Where stories live. Discover now