Chapter 5

2.4K 38 42
                                    

"PAPATAYIN mo ako sa pag-aalala Claire! Muntik ka nang bumagsak sa sahig kanina! Hindi kaba nag-iingat alam mong buntis ka!" napabuntong hininga ako dahil sa sermon saakin ni Bea. Nakauwi na ako dito sa unit ko dahil sinundo niya ako agad sa lobby.

Sinabihan niya pala ang mga staff na wag akong palabasin kaya hindi ako nakatakas at isa pa anjan lang sa kabilang kwarto si Zekiel. Okay na ako kasi nakita kona siya, hindi man ayos yung pagkikita namin at least okay na hehe.

"Nakikinig kaba saakin Claire?" natauhan ako dahil sa sinabi nito, napatingin ako sa kaniya at ngumiti nang pagkatamis-tamis. "Napakakulit mo talaga Claire jusko anong gagawin ko sayo," sabi nito habang naglalakad-lakad pabalik-balik sa aking harapan na tila bang problemadong problemado ito.

"Wag mong stress-sin ang sarili mo Bea, buntis ka eh," sabi ko dito na ikinatingin niya saakin. "Then don't do anything stupid!" sabi niya na ikinatahimik ko naman. Tama naman ito puro kakulitan nalamang ang nagagawa ko, eh hindi ko mapigilan eh.

"That's it! Uuwi kana sa Pilipinas! Tutal at isang buwan kana dito, umuwi kana." napatingin ako dito dahil sa sinabi niya. "But I still have five days to stay here!" pagmamaktol ko sa kaniya na ikinailing niya.

"Baka makunan na ako sa loob nang five days na yun, mabuti nga at si Kiel yun. Mabuti at nasalo ka niya dahil kung hindi baka patay na yang anak mo,"

Deretsyong sabi niya ay natahimik ako, tama siya. Kung hindi ako nasalo ni Zekiel ay baka dinudugo na ako kanina. Nagsimula nang manubig ang aking mga mata, nakita ko nga si Zekiel muntik naman akong mapahamak.

"Hay Claire," naupo si Bea sa aking tabi at ang kaninang nanunubig na mata ko ay tumuloy na sa luha at umiiyak na ako. Niyakap naman ako ni Bea pinatahan.

"Shhh tahan na, sige na. Sorry at sinisigawan kita ang kulit mo kasi. Please lang Claire wag kang gumawa nang ikapapahamak nang anak mo. Paano kung wala ako, ngayon na uuwi kana. Kailangan malaman nila mama at nanay na buntis ka, baka kung anong gawin mo,"

Hindi na ako tumutol sa mga sinasabi ni Bea dahil tama siya, hindi ko naman maiwasan pero ang isip bata ko habang nagbubuntis ako tapos ang kulit-kulit ko rin. Palagi ko siyang kinukulit sa mga nagdaang araw, kung hindi ko siya paghahanapin nang ibang picture ni Zekiel magpapaluto ako sa kaniya nang adobong may Ketchup.

"Mamayang gabi na ang alis mo maghanda kana Claire,"

Sabi nito nang kumalma na ako, paalis na sana siya nang hawakan ko ang kamay niya. Napatingin ito saakin at tinaasan ako nang kilay. Ngumiti ako nang malaki sa kaniya na ikinangiwi naman niya.

"I don't like that smile," plain na sabi nito.

"Aalis ako basta ba kuhaan mo ako nang maraming pictures ni Zekiel! Ngayon ah! Alam kong nasa inyo siya!" masaya kong sabi sa kaniya na ikinailing naman niya.

"Sabi kona may kapalit nanaman tsk sige na para sayo, now go mag-ayos kana doon. Ibo-booked na kita nang flight,"

Sunod-sunod na tumango ako sa kaniya at nagsimula nang pumunta sa aking kwarto na pakanta kanta pa. Marami nanaman akong pictures ni Zekiel! Pagbukas ko nang pinto nang kwarto ko ay sumalubong saakin ang marami niyang larawan.

Napangiti ako at isa-isa kona itong kinuha, iuuwi ko ito. Ano kayang magiging reaction nila mama at nanay na buntis ako? Sana hindi sila magalit lalo na ngayon na umalis ako nang isang buwan.

***

"Oh ayan sinend kona sa email mo ang napagkasunduan natin, pasalamat ka busy yung dalawa sa pag-uusap at nakuhaan ko siya nang maayos,"

Napatili ako dahil sa sinabi niya at agad siyang niyakap, andito na kami ngayon sa airport dahil hinatin niya ako. Wala si Dylan dahil kasama nga niya si Zekiel.

Carrying the child of a CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon