Pagdating namin sa bahay ay kaagad akong umakyat sa taas para makapag pahinga.

Nahiga ako kaagad sa kama na parang kakagaling ko lang maglakad sa malayong lugar. Tamad 'kong inabot ang cellphone ko na nakalapag sa kama lang. Pagkahawak ko pa lang nito ay may notifications na akong natanggap.

I open it and to my shock, I saw Marmoris' name adding me on my facebook, following me on my IG and twitter.

My mouth parted. Hindi ako makapaniwala dahil sa gulat, a notification popped up again and I accidentally open it. Napapikit ako ng mariin dahil sa kapalpakan na ginawa ko at nang binuka ko ang aking mata ay nanlaki ito.

From: Marmoris Edward Rivera

Just to remind you that you have a boyfriend named Marmoris Edward Rivera. Please reply.

I covered my mouth, baka mapasigaw ako. Kanina iniisip ko na sana mag chat siya sa akin tapos ngayon eto na. . . Napangisi ako at pilit ni rehistro sa isip ang nababasa. . . Nasampal ko pa mukha ko dahil baka nanaginip lang ako.

When I realized I'm not dreaming, that's the time I started to type a message for him as a response. . . I tried typing 'I'm sorry' pero agad ko rin naman binubura ang mensahe ko dahil nahihiya ako sa kanya, nahihiya ako sa ginawa ko at baka magpatuloy pa ang landian namit at baka mahulog ako sa kanya.

"Protect your heart Selene." saad ko para sa sarili, "Wag kang maging marupok!" pinalo-palo ko pa ang kamay ko saka nilayo ang cellphone na nasa higaan ko.

Ipinikit ko ulit ang aking mata, hindi muna ako hahawak ng cellphone ngayon baka ano pa ang iti-tipa ng malandi 'kong kamay. Tumagilid ako, pinikit ang mata ng mariin hangga't sa nakatulog ako.

Nagising ako sa marahas na pag katok ng aking punta... Mahina 'kong imunulat ang aking mata at dahan-dahang naupo.

"Kakain na Selene." tawag sa akin ng lalaki na nasa labas ng pinto.

"Papunta na!" sigaw ko, nagsuot ako ng tsinelas pambahay bago lumabas ng kwarto.

Pagbaba ko pa lang ay nakita ko ng nakaharap na sila sa hapag, habang si Mayari naman ay inabala pa ang sarili sa pagtulong sa mga maids ng bahay. Mom started to call each one of us, para kaming estudyante na tsinitseyk ang attendance. She even also told Mayari to stop helping the maids because she's a visitor here.

Nagsimula ang usapan namin tungkol kay Kuya Caelum hangga't sa napunta ito sa akin.

"Mabuti naman, ikaw ba Selene? Kailan ka uuwi sa condo mo?" my mom asked.

I gave her a questioning look while I'm chewing my food, nalunok ko pa ito kaagad bago magsalita, "Pinapalayas mo na ba ako mom?"

"Ba't ka pa uuwi dun? Andito na si Mayari ohh!" si Mommy, sumusubo na rin ito.

Napatingin ako kay Mayari, it will be fun kung siya ang makakasama ko sa condo. "Pwede ba isama ko na lang sa akin si Mayari mom?"

My brother Caelum stop eating and reacted, I know he'll react. " Sa akin na lang si Mayari kung sasama siya sa iyo." nakatingin siya kina Mommy at Daddy at halatang nangungumbinsi ang mukha nito.

"Mayari and Kairos will stay here, malapit lang ang school nila dito." si Daddy

"And stop partying Selene, malaman-laman kong bumagsak ka sa mga subjects mo, gagawin kong 50 percent na lang ang allowance mo." may pagka diin ang pagkasabi ni mommy nito.

Ngumuso ako saka humarap kay Daddy, "Daddy ohh?" pagsumbong ko. I'm dad's favorite, ako lang ang babae sa pamilya kaya lahat ng gusto ko ay binibigay nito.

The Temperature is Zero Celsius (Vital Signs Series)Where stories live. Discover now