Chapter-2

33 4 0
                                    


Taka

Napatingin ako sa may kalangitan , ang dati'y kulay bughaw ngayon ay napalitan ng kulay pilak.
napabuntong hininga ako bago ko sinimulan ang aking mga hakbang, batid kong isa itong panaginip ngunit tila ba'y ramdam ko ang pagdampi nito'ng malamig na hangin sakin .
huminto ako sa king paglalakad ng matanaw ko ang isang nilalang na nakaupo sa may buhangin.

kahit nakatalikod ay alam ko na sya yung babaeng laging laman ng aking panaginip ,kilalang kilala ko sya ngunit di sa pangalan,
nagsimula ulet akong humakbang upang sya ay lapitan.

"upo ka" banggit nya nang di man lang ako sinisilayan
siguro tulad ko ay batid nadin nya na lagi din ako ang laman ng kanyang mga panaginip.

sinunod ko ang kanyang utos at umupo sa kanyang tabi, pinagmasdam ko sya ,napangiti ako sa kadahilanang di ko nasasaksihan ang mga pagtatangis na galing sa dilag sa ngayon.
'malamang maayos na sya ngayon, sana laging ganito' banggit ko sa'king isipan.
"ang payapa, gandang pagmasdan "

"huh?" tanong ko

"ang kalangitan" ngiti nya nang ako ay lingunin
tinanaw ko ulet ang kalangitan , ngayon ay nahahati ito sa dalwang kulay , isang kulay pilak ang nasa kanyang pwesto at kulay bughaw naman ang nasa akin.
nawala ang aking ngiti , malamang tinatago nya saken ang unos na kanyang nararamdaman , ang bobo mo naman Takahiro , asar kong bulong.
napabuntong hininga ako bago kong muli
inilipat ang atensyon ko sa dilag at hinawakan ang kanan nyang kamay na malayang nakalapag sa buhangin na inuupuan naming dalawa ngayon upang ipadama na andito ako kahit sa panaginip man lang.
di ko mapigilang umawit , sana ayos lang sa kanya.

"Kapag umuulan bumuhos ang langit sa 'yong mga mata"

pag uumpisa ko

"Kapag mayro'ng unos ay aagos ang luha ngunit 'di ka mag-iisa, kaibigan"

sa parteng ito ay alam kong nabasag ko na ang suot nyang maskara at masaksihan ang tunay nyang nararamdaman , napahinto ako ng maramdaman ko ang pagkawala ng init galing sa kanyang kamay ng bigla nya tong alisin mula saaken.

"sana ..totoo ka nalang" at bigla nyang pagyakap saken ng mahigpit.

(AN:ito yung song mga beshies, isa sa mga fave ko)

________________________________________________________________________________

"Sana totoo kanalang" banggit nya habang ako'y yakap,
habang tumatangis.

napabuntong hininga ako habang inaalala ang aking panaginip.
"ikaw din.... sana totoo ka" bulong ko habang inaayos yung mic mula sa mic stand, andito kami sa may studio na malapit sa apartment na nirerentahan namen kung saan ang kaibigan ni Kyle ang nagmamay ari kaya libre kaming nakaka pag practice .

"Kala ko ba mag rorock & roll na tayo..eh bat ganito ang line up?"
rinig ko ang daing ni Kyo

"Sayang excited pa naman ako hampas hampasin yung drums ng may halong gigil " sumunod ang reklamo ni Ralph.

napasigh akong muli nang maalala ko na nagpapractice na akong umiscream para lang sa event nato ngunit nalaman kong di matutuloy dahil di babagay sa tema ayon kay Kyle.

The Linkحيث تعيش القصص. اكتشف الآن