16

83 6 17
                                    

Chapter 16
Assurance

Nakailang turok na ata sa akin ng karayom ngayong araw na 'to. Kita ko ang pagkailang ng isang babaeng nurse nang lagyan ako ng swero. She saw the scars that are results of my cuts. Hindi naman na fresh 'yon.

"Sorry sa abala, parating na 'yong Auntie ko." I told Kael. Nakasandal siya roon sa pader na hindi kalayuan sa akin. 'Yong kasama kong pasyente rito sa ward ay nasa pinakadulo naman kaya okay lang mag-usap basta 'di maingay.

"Anong nangyari?" Deretsahang tanong niya. He won't just let it go. Alam kong pinagdududuhan niya na ako.

"Nahulog ako sa hagdan..." which is true. Okay lang naman na hindi sabihin ang karugtong no'n. "Aksidente, na out of balance ako."

"Aksidente." He taunted. Tila ba hinuhuli niya ako sa mga salita ko.

Ano ba gusto niyang marinig? Na tinulak ako ng daddy ko? Ano bang magagawa niya kung 'yon ang totoo? Ipapakulong niya si Daddy? Kaya niya?

"Bakit hindi mo na naman ako pinansin ng tatlong araw? Uulit na naman tayo sa gano'n, Gen? 'Di ba sabi ko naman sa 'yo sabihin mo sa akin kung may nagawa ako—"

"Wala kang nagawa okay? Ako 'yung problema." I frustratedly said. "Please huwag mo muna akong sermunan ngayon kasi pagod pa ako... I'm physically and emotionally drained."

"I'm sorry."

"No, kasalanan ko." Huminga ako nang malalim.

"Nag-alala ako, Gen. Three days, no text. Kahit sa social media mo wala kang paramdam. Kahit man lang sana update kung okay ka lang." Umupo siya sa tabi ko. "Ayokong isipin mo na clingy ako, gusto ko lang talaga malaman kung ayos ka lang."

For a moment, I refused to succumb in guilt yet I failed.

"Kael, hindi mo ba na-receive 'yong huling text ko?"

"You said you're sorry—sa hindi ko alam na dahilan. Nakaka-paranoid, Genesis sa totoo lang. Pwede mo na bang sabihin sa akin kung anong nangyari?"

"Hindi pala na-send." I sighed. "Binabasted na kita. This won't work."

"Gen..."

I look straight into his eyes. "Kael, makinig ka sa akin. Hindi mo alam 'yung pinapasok mo. Yes you know me as your friend, I already showed you half of me. Pero 'yung other half? You won't... like it."

"Genesis, noong sinabi kong tanggap kita kasama ro'n 'yung mga bagay na ayaw mo sa sarili mo." Inabot niya ang isang kamay ko at marahan niyang hinaplos. "You're not alone, you can share your pain with me."

"You don't understand,"

"Then, make me understand. I want to understand."

Napapikit ako sa inis. I don't want to depend on him! Malay ko ba kung hanggang kailan kami ganito?

"Maging totoo ka lang sa 'kin, Gen. 'Yon lang naman hinihiling ko."

Hindi ko inakalang magiging gan'to kahirap. Gusto ko siya e...

"Bakit ka nag-iimpake? Bakit ka aalis?"

"I want to escape..."

"Escape from what? Escape from who?"

Umiling ako. Pinag-iisipan ko palang kung sasabihin ko ba sa kanya ang nangyari, pero saktong bumukas ang pinto at niluwa no'n si Adrian.

"Shit, Genesis. Ugali mo na ba talagang hindi mag-reply?!" Inis na bungad niya sa akin. My cousin looked like he came from a battlefield. Gulo ang uniporme, pawis.

Embracing the Night SkiesWhere stories live. Discover now