"Bakit?" I raised a brow.

"Kasi ikaw ang tipo na mailap sa lalaki. Tapos ngayon, araw-araw na kayong nagde-date."

"Hindi kami nagde-date!" tanggi ko pa.

Panigurado ay pulang-pula na ang mukha ko ngayon. Gosh, I am so shy to admit it! Kinuha ko ang remote ng aircon at nilakasan pa ito sa kaba.

"Do you think he knows?" mahina kong tanong.

Nagkibit-balikat. "Hindi po ako sigurado, Madame."

Bumuntong-hininga ako at sumandal sa swivel chair. "I hope he doesn't know. Nakakahiya 'yun kung sakali!"

Pagkatapos naming mag-usap ay bumalik na rin kami sa trabaho. Hindi na tuloy matanggal sa utak ko kung may hint na ba si CJ na gusto ko siya. I am new to this kind of feeling. Kahit noon pa man ay hindi ko talaga iniisip ang mga ganito. My social problems were enough to burden me.

Habang papalapit nang papalapit ang kaarawan ko, nagpasya akong mag-dinner sa bahay namin. Tinawagan ko rin si Kuya Sebastian at Ate Irina para ipaalam iyon. It will be very awkward to celebrate it with him, pero 'di bale na.

I kept it a secret from CJ. Hindi naman talaga big deal para sa akin ang kaarawan ko. But I will consider it as a step to open up to people. And I will start with my family first.

"Happy birthday!" kaagad na bati ni Kuya nang pumasok ako sa bahay.

Nandito na rin si Ate Irina. Ngumiti siya sa akin at bumati.

I saw a lot of food on the table. Hindi ko alam kung mauubos namin ito. The huge chandelier above the dining table was lit up, making the whole room brighter than the usual.

Nang tumingin kina Mom at Dad, nakangiti sila sa akin. Ngayon ko lang ulit sila nakita mula noong nagkasagutan kami. I smiled and went to them. Hinalikan ko ang mga pisngi nila.

"Sorry for what I said last time," sabi ko sa kanila.

Mom gently smiled. "I'm sorry din. Pasensya ka na."

Lumapit siya sa 'kin para yakapin ako. I was caught off guard. I don't really like physical touch. Hindi ko alam ang gagawin kaya nanigas lamang ako habang nakayakap si Mom sa akin. Nakahinga lang ako nang maluwag nang kumalas na siya.

Pati si Dad ay binati rin ako at kinumusta. Maya-maya pa ay umupo na kami sa dining area para maghapunan. Pagkatapos magdasal ay sinindihan na ni Ate Irina ang birthday cake at lumapit sa akin para hipan ko ito.

Kuya Sebastian even dimmed the lights to set up the mood. Sina Mom at Dad ay nakaabang ang mga cellphone sa akin para kunan ako ng video.

"Is this really necessary?" masungit kong tanong kahit natatawa.

"It's your birthday," ani Ate Irina. "Of course, it is necessary."

"'Tsaka himala na rin na tinawagan mo kami sa birthday mo no," si Kuya Sebastian.

I sighed. Mom and Dad also cheered up for me. I rolled my eyes and blew the candle. Nagpalakpakan naman sila. Ibinalik na ni Kuya ang ilaw sa dati.

"Happy birthday, Ysah," mahinhin na bati ni Ate Irina.

"Happy birthday, anak!" si Dad.

"Maraming salamat, po."

It was uncomfortable. Dinadaan ko na lang sa pagsinghal at pagsusungit para hindi nila mahalata na naiilang ako. Kaagad na rin kaming kumain.

"Bakit kasi noong nakaraang araw mo lang sinabi na dito ka magce-celebrate, edi sana napaghandaan pa natin," ani Mom.

"This is too much already," sabi ko at uminom ng wine.

Behind the BarriersWhere stories live. Discover now