. . . ⇢ 126 ˎˊ˗

190 14 0
                                    

━━ third's.

"be positive!"

parehong nagmula 'yon sa bibig nila jasmine at heeseung na nasa magkaibang lugar. si jasmine ay nasa labas ng ramen house habang si heeseung ay nasa restroom kahit ang paalam niya ay magbabayad lang siya sa counter.

pareho silang kabado.

parehong natatakot.

parehong takot malaman ang mga posibilidad ng kanilang mga gagawin.

pero hindi ba't kasama naman talaga 'yon sa buhay? hindi magpapatuloy ang buhay mo kung palagi kang matatakot harapin ang mga posibilidad na mangyayari o kahit ang hinaharap.

makakabuti man o makakasama, kailangan mong ipagpatuloy ang nasimulan mo na. hindi ka maaaring tumigil dahil lang sa tingin mo 'yon ang tama o dahil lang ayaw mong masaktan.

sa buhay na 'to, kailangan mong sumugal.

"jasmine!"

napalingon si jasmine doon nang marinig niya ang boses ni heeseung. kakalabas lang nito sa ramen house nang bigla siyang hinawakan ni heeseung sa kamay na ikinagitla ni jasmine.

"hee—"

"takbo tayo?"

"ha?"

"gusto ko mahawakan ang kamay mo."

"h-heeseung.."

napakurap-kurap si jasmine, namumula na ang magkabila niyang pisngi pero hindi niya pa rin maintindihan ang mga pinagsasabi ni heeseung. naiisip ni jasmine na nababaliw na ang binata.

ngumiti lang si heeseung at nagsimulang tumakbo. naguguluhan pa rin si jasmine pero nagpadala na lang siya at habang tumatakbo sila ay hindi niya maiwasang pagmasdan si heeseung.

bakit napaka gwapo ng lalaking 'to?

dahan-dahang dumapo ang tingin niya sa magkahawak nilang kamay, wala sa sarili siyang napangiti at mas hinawakan ng mahigpit ang kamay ni heeseung na nakahawak sa kanya.

naramdaman 'yon ni heeseung pero hindi siya tumigil sa pagtakbo, mas napangiti lang siya lalo.

malapit na lumubog ang araw kaya kahit kasalukuyan silang tumatakbo, hindi sila pinagpapawisan at tanging simoy lang ng hangin ang tumatama sa kanilang balat.

pero saan ba sila pupunta?

napahinto si heeseung dahilan para mapahinto din si jasmine. parehas silang naghahabol ng hininga at magtatanong pa sana si jasmine nang mapansin niya ang nasa harapan nila.

"sunset.."

"ang ganda 'no?"

napasulyap si jasmine kay heeseung na diretso lang ang tingin. nasa gilid sila ng dalampasigan ngayon at mula sa kanilang pwesto kitang-kita ang kagandahan ng paglubog ng araw.

muling bumaling si jasmine sa unahan at saka ngumiti. "hm, pero mas maganda pa rin ako."

"totoo naman."

gulat na napatingin si jasmine sa binata, nakatingin din ito sa kanya dahilan para magtama ang kanilang mga mata. hindi nakasagot si jasmine at hindi rin nagsalita si heeseung. nanatili lang silang nakatitig sa isa't-isa.

.. kahit ang totoo ay nagpapanik na sila sa isipan nila.

kaya ko ba talaga umamin kay jasmine!?

what if iwanan talaga ako ni heeseung!?

"w-wait.." awkward na tumawa si jasmine.

napakurap si heeseung. "h-ha?"

"m-m-may tumatawag sa phone ko.. tama! may tumatawag sa phone ko! saglit, hehe." dali-daling tumalikod si jasmine matapos niya 'yon sabihin saka kinuha ang phone niya.

kailangan ko ng support.

nagpipindot siya sa phone niya at naghanap ng makakausap. nakita niyang hindi online sila dani at rochi kaya lumipat siya ng account para tingnan ang nag-iisang user na kinakausap niya.

nakita niyang online 'yon kaya nagsimula siyang mag-type at nang ma-send niya 'yon, narinig niya naman ang pagtunog ng phone ni heeseung. napalingon siya doon at nakita si heeseung na may binabasa sa phone nito.

"k-kuya kun.."

muling bumalik sa alaala niya ang narinig niya mula sa bata nang makita nito si heeseung. hindi alam ni jasmine kung bakit pero muli siyang nag-send ng message sa user na 'yon dahilan para muling tumunog ang phone ni heeseung.

muli siyang nag-send, nag-spam at nagpatuloy sa pagtunog ang phone ni heeseung. habang si heeseung ay unti-unting napa-angat ng tingin kay jasmine at napatingin sa phone ng dalaga.

"shin.."

patawarin. lhsWhere stories live. Discover now