. . . ⇢ 121 ˎˊ˗

175 13 1
                                    

━━ jasmine's.

"ano daw aaminin niya!?"

"hoy jasmine, sagot!"

"jasmineeeeeeeeee!!!"

"ano nga—"

"hindi ko alam!" sagot ko, pasigaw 'yon pero hindi ibig sabihin non naiinis ako.

KINAKABAHAN AKO!

hindi ako makapag-focus, nanginginig ako at balisa. natatakot siguro? sabi kasi ni sunghoon may aaminin daw sa'kin si heeseung, pero ano kaya 'yon?

kanina ko pa nga chinat si heeseung para tanungin siya about don pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nagr-reply, ni-seen nga wala! kinakabahan na talaga ako, leche lang.

"what if.. aalis ulit si heeseung, jas?"

napantig ang tainga ko sa narinig ko mula kay ate dani. napatingin ako sa kanya, ganun din si rochi. parehas kaming gulat pero agad ding hinampas ni rochi si ate dani.

"gaga, kaka-wattpad mo 'yan!"

napanguso si ate dani. "e? tumigil na kaya ako! focus na 'ko sa study ko 'no."

"edi wow." sagot ni rochi saka natawa. "pero hindi 'yan, jas. hindi naman aalis si heeseung ulit.. diba?" hindi siguradong ani rochi na mas lalong nagpakaba sa'kin.

hindi ako sumagot. mas lalo akong hindi mapakali, balisa at kinakabahan. posible ba 'yon? posible bang iwan ako ulit ni heeseung after niyang makipag-ayos sa'kin at sabihing sabay kaming gagawa ng panibagong mga memorya?

shit.

hindi ako pasmado, pero 'yung palad ko basang-basa na. pabalik-balik ang tingin ko sa screen ng phone ko at sa labas, nagbabakasakaling makikita ko si heeseung.

parang tumalon ang puso ko nang marinig kong mag-ring ang phone ko, kaagad ko 'yung kinuha at nakita ang isang unknown number na tumatawag.

"sino 'yan?" rinig kong tanong ni rochi.

"hindi ko alam." sagot ko at saka inis 'yon na pinatay.

akala ko si heeseung na..

"bakit 'di mo sinagot?" si ate dani naman ang nagtanong.

"hindi ko naman 'yon kilala, malay mo nantitrip lang." sagot ko at napabuntong hininga.

muli pa sanang magsasalita si ate dani nang muling tumunog ang phone ko, this time text naman 'yon mula sa kaparehong number na tumatawag kanina.

iritado ko 'yung binuksan para replyan.

sino ba kasi 'tong kingina na 'to?

patawarin. lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon