He reminds me of someone. He reminds me of you jayshin

Napailing nalang ako sa isip ko bago deretsong pumasok sa cafeteria ng makarating kami dito. Kung tinatanong nyo kung kasama namin yung tatlong lalake well yeah kasama namin sila kaso syempre may sarili silang mundo habang si vivian at gracia naman ay malapit ng magpatayan kaya naman ng makahanap ako ng mauupuan na pang anim na tao ay nagsalita na ako

"Tara dun sa may dulo sa malapit sa salamin dun tayong anim!" Masiglang sabi ko kaya naman napatingin yung lima sakin bago tumingin dun sa tinuturo ko at hindi pa man nakakasalita ay nakita kong nauna nang maglakad dun si ulan at kahit hindi naman sya nagsalita ay nakita namin na dun sya umupo sa tinuro ko kaya naman dali dali kaming dumeretso pero dahil maliit ang binti ko ay nahuli parin ako at ang natitirang upuan ay yung sa tabi ni ulan kaya dahil no choice dun ako umupo

Pag-upo ko ay nagsalita si kervy

"Anong oorderin nyo? Kami na oorder" presinta ni kervy kaya naman ngingisi si gracia sa narinig

Tss basta libre, kita ngalangala kapag nakangiti

"One spaghetti and one ice tea lang ang sakin!" Sabi ni vivian pero pansin ko na kay joseph ito nakatingin

Aysus sana all may lablayp ng nabubuo

"One sandwich and one ice tea sakin!" Sabi naman ni gracia kay kervy kaya naman natawa ako dahil halatang nagpapacute ito

"Sayo ocean?" Tanong sakin ni kervy kaya naman lahat sila napatingin sakin

"One fried chicken with fried rice then one iced tea!" Ngising sabi ko kaya naman napanganga sila

"Aba malakas ka pala kumain?" Tanong ni joseph kaya naman natawa kami nila vivian

"Oo sa aming tatlo sya yung hindi halatang malakas kumain!" Sabi ni gracia

"Kaya ang taba eh!" Sabi ni vivian kaya naman napanguso ako bago sya tignan ng masama

"Hindi naman kunti lang bilbil ko noh tiyaka hindi ako tulad nyong super concious sa katawan mamatay nalang sa gutom mapanatili lang ang kasexy-han hmp!" Pag-ungot ko kaya naman natawa silang apat syempre si ulan ayun tahimik lang habang nakatingin sa kawalan

"Oh sya sige oorder na kami wait for us girls!" Sabi ni kervy bago ko nahuling kinindatan si gracia kaya naman yung loka eh kilig na kilig

"Kaya naman pala high na high kasi may gusto kay kervy!" Parinig ko kaya naman napatingin sakin si gracia na nanlalaki ang mata pero halata namin dahil namumula yung mukha

"H-hoy h-hindi ah!" Sabi nya ng may pag utal kaya napangisi ako

"Wala akong sinabing pangalan gracia bat umangal ka?" Ngingising tanong ko kaya lalo naman sya namula dahilan para matawa ako

"Kasi naman eh" maktol nya kaya natawa ako

"Eh ikaw kamusta kayo ng ulan mo?" Biglang tanong ni vivian kaya naman napatingin ako sa kanya

"Oo nga ikaw ah si rain pala di sinasabi!" Asar ni gracia kaya naman natawa ako

"Mga loko kayo bukas may pupuntahan tayo samahan nyo ko may ipapakilala ako sa inyo!" Nakangising sabi ko kaya naman tumango tango sila

"Saan?" Tanong ni vivian kaya naman tumungo ako

"Secret" mahinang bulong ko bago napabuntong hininga

"Dinga ocean saan nga?!" Makulit na sabi sakin ni gracia kaya naman tinignan ko ito ng masama

"Di makapag antay?" Bugnot na tanong ko kaya naman napa urong ito bago napanguso

"Tanong lang bat ang sungit mo?" Nakangusong sabi nito kaya naman natawa ako

"Just be ready tomorrow for now let me ready myself" sabi ko sa kanya kaya naman tumango nalang sya at hindi na umimik kasabay ng pagdating nung tatlo and to my surprise si ulan ang naglapag ng pagkain ko kaya naman tumingin ako sa mukha nya at nahuli ko rin syang nakatitig sakin

"What?" He ask me in a cold tone

"Nothing ang gwapo mo kasi!" Ngingising sabi ko kaya naman napa ismid yung mga nakarinig

Nakuu po lalo ng nainlab- dinig kong sabi ni kervy kaya naman nakatanggap sya ng isang inosenteng tingin sakin pero syempre isang nakakamatay na tingin galing kay ulan

"Si ulan inlababo?" Curious na tanong ko pagkatapos nilang mailagay yung pagkain namin sa lamesa at ng makaupo na sila

"Hah? Bat naman maiinlove yan?? Ayan? May pakiramdam? Hah malabo!" Sabi ni joseph sakin parang timang pa dahil tumawa sya pagtapos nun peke naman

Yung tawa nya nagmukhang kambing

"Ay ganun? Wala syang nagugustuhan?" Curious na tanong ni gracia kaya naman naubo yung dalawa at ito namang isa ay walang pake na kain lang ng kain

"W-wala noh!" Sabi naman ni kervy kaya naman tumango tango nalang sila bago nag umpisang kumain

Ako naman nakain naman ako pero napapaisip ako imposibleng walang gusto itong si ulan sa kahit kanino alam kung meron siguro hindi lang dito nag aaral sa school namin o kaya naman ay nasa ibang bansa. Well mukha namang mayaman tong si ulan sadyang cold lang talaga sya

Nagpatuloy lang naman kami sa pagkain pero syempre hindi nawala yung kwentuhan na pinangungunahan ni gracia at kervy na keh iingay sus halatang inlab ang dalawa









Captivating SmileWhere stories live. Discover now