Chapter 16: Issue

Start from the beginning
                                    

"Nag-aaral ako Apollo," mahinahong wika ko.

"You don't need to study hard just to achieve the highest average for scholars. I can pay for your tuition fee if you want me to?" Napaubo ako at seryosong napatingin kay Apollo. What the?

"Hindi ko kailangan 'yan. Ang kailangan ko peace of mind so please umalis kana Apollo!" wika ko sabay basa ulit. Huminga siya nang malalim at nagulat na lamang ako nang sobrang lapit niya na saakin. Tulong!

"Peace of mind? Why? Did I drive you crazy Safira?" Napatingin ako sa dalawang mata niya. Ang gwapo niya! Ang gwapo-gwapo niya pero mali!

Itinulak ko siya ng mahina at kunwaring hindi naapektuhan sa ginawa niya kahit doble ang kaba na nararamdaman ko.

"I will court you Safira sa ayaw at sa gusto mo!" seryosong saad niya. Napatingin ako sa kaniya at napatitig sa seryosong mata niya na halos tunawin na ako ng buhay.

"What's the meaning of this?" Napaiwas ako ng tingin nang biglang dumating si Joy. Bigla akong kinabahan nang makita ko ang reaksiyon niya. Pabalik-balik ang tingin niya saakin, sa kay Apollo at sa bulaklak at teddy bears na dala nito.

"Hindi-"

"I am courting Safira. May problema kaba dun?"

Ako dapat ang unang tutugon ngunit pinutol ako ni Apollo. Napatingin ako kay Joy na ngayon ay maluha-luha nang napatingin saakin. Syet.

Bigla akong nakonsensiya habang nakatitig sa nasasaktan kong kaibigan. Tumayo ako at aakmang hahawakan ko siya nang tinabig niya ang kamay ko. Hinawakan naman agad ako ni Apollo ngunit agad ko siyang itinulak.

"Joy hindi totoo 'yan. Hindi niya ako nililigawan!" tugon ko. Mas lalong sumakit ang puso ko nang nakita kong unti-unting tumulo ang luha ni Joy at napailing na lamang habang palipat-lipat ang tingin saakin at kay Apollo.

Pinahid niya ang luha niya at galit na tinignan ako. Nanlumo ako nang mapait na ngumiti ito. "Traydor! Tinuri kitang kaibigan Safira pero anong ginawa mo? Tinraydor mo ako! Alam mo namang gusto ko siya diba? Alam mo eh pero dahil malandi ka inakit mo si Apollo! Malandi ka Safira! Bakit? Bakit gusto mo si Apollo dahil ba mayaman siya? Di kalang pala malandi, gold digger ka pa!" Napapikit na lamang ako.

Lumapit ako sa kaniya at aakmang hahawakan ang kamay niya nang sampalin niya ako dahilan para mapaupo ako sa sahig.

"Stop this shit Joy! Hindi malandi si Safira and she's not a gold digger! Ako ang kusang nagkagusto sa kaniya. I like her just the way she is and she can naver be you Joy. You're too far compared to her!" wika ni Apollo.

Tanging hikbi na lamang ang tanging lumabas sa bibig ko.

"No she's a gold digger Apollo! You need to stay away from her!"

Lahat ng estudyante ay pinagtitinginan na kami. Lahat ay nagbubulong-bulungan. Ang iba pa'y masama ang tingin saakin ngunit hindi ko iyon ininda. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ngunit nagulat ako nang sinabunutan ako ni Joy.

Ayokong lumaban sa kaniya. Magkaibigan kami! Ayoko ng ganito.

"Stop that! The two of you proceed to the dean's office!" Napatingin ako sa librarian. Bumitaw si Joy saakin at masama akong tinignan. "You will pay for this Safira!" wika niya sabay lakad paalis.

Tanging hikbi na lamang ang lumabas sa bibig ko. "Let's go. Gagamutin kita!" Napatingin ako kay Apollo. "You just ruined a friendship, ano sa tingin mo sasama pa ako sa'yo?"

Malakas kong tinabig ang kamay niya at dali-daling lumabas sa library. Pinagtitinginan ako ng mga estudyante ngunit binalewala ko lamang iyon.

Dumiretso ako sa dean's office. Nakayuko akong pumasok doon. Bumungad saakin ang librarian, si dean at ang galit na si Joy.

Nanlumong tinignan ako ni dean. Umupo ako sa katapat na upuan kung saan nakaupo si Joy.

"What happened?" unang tanong ni dean. Nakayuko lamang ako at hinintay kung sino man ang gustong sumagot.

"Nag away sila sa loob ng library dean."

Narinig kong nagpakawala ng malalim na hininga si dean. "Tell me bakit kayo nag-away? Magkaibigan kayo diba?" tanong ni Dean.

"Friends? Tsk. Fake friends!" wika ni Joy.

"That girl betrayed me dean. I thought she was my friend but she was indeed a gold digger!" Napaangat ako ng tingin at napatitig kay Joy.

"I'm not..." mahinang wika ko.

"You need to settle this both!" wika ni dean. Nabaling ang tingin naming lahat nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Apollo.

"Release Safira Tita. Joy started the commotion and she deserved to be punished." Napanganga na lamang ako sa sinabi ni Apollo. Bakit niya ba ginagawa 'to?

Walang kasalanan si Joy. Alam kong nasaktan lang siya. "Why are you here Apollo? Are you involve?" tanong ni dean. Marahan namang tumango si Apollo.

"Totoo ba ito ma'am Jeylabi?" tanong ni Dmdean sa librarian namin. Marahan namang tumango ito.

"Wala pong kasalanan si Joy-" Hindi ko ulit natapos ang sasabihin ko dahik sumingit ulit si Apollo.

"Palabasin niyo na po si Safira tita!"

Huminga nang malalim si Dean. "Go Safira at gamutin mo rin ang mga sugat mo sa clinic!" Napatingin ako kay Joy.

"This is f*ckin unfair!" sigaw niya.

Nagulat ako nang hilain na ako ni Apollo palabas. Nagpumiglas ako ngunit sadyang malakas siya.

"Bitawan mo ako ano ba!" sigaw ko ngunit parang wala lang itong madinig.

Huminto kami sa tapat ng clinic at kinaladkad niya na naman ako papasok. "Ano ba Apollo!" sigaw ko. Hindi parin siya natinag at hindi ako pinakinggan.

"Gamutin niyo po ang mga sugat niya!" kausap niya sa isang nurse roon. May mga sugat kasi ako dulot nang pagtulak ni Joy sa'kin at mga kalmot niya dahil matataas ang kuko niya.

Deserve ko naman 'to diba? Kasi ginusto ko naman din si Apollo pero alam ko sa sarili ko na pinigilan ko. Pero hindi ko alam bakit humantong sa ganito?

"Okay ka lang ba iha?" Napatingin ako sa nurse at kay Apollo na seryosong nakatingin sa mga sugat ko. Isang marahang tango ang ginawa ko.

Ginamot niya na ang mga sugat ko at napadaing pa ako paminsan-minsan dahil sa paglagay niya ng alcohol.

Ilang sandali pa ay natapos niya na. Tumayo na ako at aakmang aalis nang hawakan ulit ako ni Apollo. Pagod ko siyang tinignan, "A-aalis na ako," pagod na wika ko.

Huminga siya nang malalim at nagsimula nang maglakad habang hindi parin ako binibitawan. Masyado na akong pagod. Ang daming nangyari ngayon!

Nangyari na nga ang pinakakatakutan ko! Nasira ang pagkakaibigan namin dahil sa kaniya! Bakit ang hirap? Ang hirap-hirap.

Pagod na ako kaya hinayaan ko na lamang siyang dalhin ako kung saan niya gusto. Dinala niya ako sa parking lot at pinasakay sa pick up niya.

Wala sa sariling sumakay ako.

Napatingin ako sa bintana habang unti-unting tumutulo ang luha ko. Nakakapagod. Ang sakit!

Pilit kong tinatago ang hikbi ko upang hindi marinig ni Apollo. Pumikit na lamang ako. Gusto kong kalimutan sandali ang mga nangyayari. Gusto kong tumakas sandali.

"Baby you don't have to worry coz there's ain't no need to hurry no one ever said that there's an easy way~" rinig kong kanta ni Apollo.

Parang lullaby ang boses niya na dahang-dahang pinapatulog ako. Sana nga Apollo, sana nga wala akong dapat ipangamba.

Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED] Where stories live. Discover now