CHAPTER 6

126 109 0
                                    

Napamura si Kio. Ilang ulit na niyang tawagin ang numero ni Euro pero hindi pa rin nito sinagot ang mga tawag niya. What was wrong with Euro? Kaninang tanghali silang nagkahiwalay sa Police station ng Black Town. Noong nagkausap sila ni Ken Xewo, at nang lumabas na siya ay biglang nawala si Euro.

Kailangan niyang kausapin ito together with Ken. Pero paano kung hindi man lang nito sasagutin ang mga tawag niya? ring lang nang ring ang cellphone nito. Napasuntok siya sa pader at ihagis ang cellphone niya. Hindi niya maiwasan ang pagbilis ng tahip ng kaniyang dibdib.

Napa-upo siya at nakayuko. Nasa isang sulok siya ng silid niya. Yakap na yakap ang sarili at pilit intindihin ang sitwasyon. Pakiramdam niya ay sasabog ang ulo niya dahil sa pagkalito at pagka-inis. He needs Euro dahil ito lamang ang alam niyang matapang hindi katulad nina, Xero at Sky. Kailangan niyang hanapin ito. Pero saan at paano?

He tried to think of the places that Euro often visited or Euro’s lifestyle. No place crosses his mind, Euro’s lifestyle is simple. Hindi naman sa estranghero ito sa kaniya. They’d been in friendship for four years, but he didn’t know Euro wholly. Or, perhaps Euro is with his girls—Plural. Womanizer kasi ito. Pero simpleng lalaki lang si Euro, pero mapera. Hindi niya alam kung kasimplehan ba iyon. He meant about Euro’s attitude, porma, and iba pang mga bagay.

Parang kailangan na rin niyang imbestigahin ang mga kinikilos ng mga kaibigan niya. He felt like one of them is the culprit. Ayaw sana niyang isipin iyon. But every time he glances at them he didn’t see any sign of concern, bagkus ay nakikita niya sa mga mukha ng mga ito ang takot lalo na kay Euro.

He hates to think that Euro is the one behind Kai’s death. But lately, Euro’s demeanor is odd to Kio. Alam niyang hindi iyon magagawa ni Euro kay Kai. Based on the details given to him by Ken, si Euro ang unang nakakita sa walang buhay na katawan ni Kai noon.

So, it was Euro who can answer a series of questions inside his head. Kio has a hunch that Euro knows a lot about Kai’s death. Kio must ascertain the truth. He needs an answer. Biglang nag-ring ang cellphone niya na naihagis niya kanina. He idly stood up and picked it up. Inaasahan niyang si Euro iyon, o ang dalawang kaibigan niya. But he was mistaken. Pangalan ng taong hindi niya inaasahan ang nakarehistro sa kaniyang caller ID ang tumawag. Impossible.

Nagsimula namang ginapangan siya ng takot at sumidhi iyon sa kaibuturan niya. He could hear his heart pounding so hard in his chest reaching his ears. Muli niyang binasa ang pangalan ng taong tumawag.

“K-Kai...!” He verbalized.

Nanginginig ang mga kamay at daliri niya. But he has to answer the call. Napapikit siya at idiniin sa kanang tainga ang speaker ng cellphone niya. Nakiramdam siya at pakinggan kung sino man ang nasa kabilang linya. Sigurado siyang may tao roon. Kasi napaka-imposible kung walang tao ang nasa kabilang linya at paano ba namang tawagan siya ni Kai, ‘eh, patay na ito, anim na buwan na.

Ayaw niyang magsalita. Hihintayin niya na magsalita ang taong tumawag sa kaniya. Isang minuto na ang nakalilipas but he heard nothing, silence fell and reigned. Takot siya. Abruptly, he heard a sigh. It was clear to Kio, that he heard a sigh from the other line. He concluded na may tao nga at hindi isang kababalaghan na palagi niyang iniisip.

Eksaktong pagbaba niya ng cellphone ay call ended na. But it wasn’t recorded on his phone. Maraming recent calls and missed calls na recorded, but not the call from Kai’s number, only Kai’s text he received two days ago. He cursed and punched the wall again.

Naalala niya ang number ni Ken Xewo. He immediately dials Ken’s number and calls him. Unang tawag niya ay ring lang nang ring, walang sumagot sa tawag niya. Sa ikalawang beses na tawagin niya si Ken ay sinagot nito ang tawag niya. Nakahinga siya nang maluwag. “Ken, something is wrong.”

Killing Code (Under Ukiyoto Publishing House)Where stories live. Discover now