EPILOGUE

2.8K 145 29
                                    

NAGISING ako dahil sa liwanag. Hindi Naman siguro Ito Ang liwanag ni San Pedro diba?

"Arggg!" Daing ko at napahawak sa tagiliran ng bigla itong kumirot. Medyo malabo pa Ang paningin ko ngunit kalaunan ay luminaw rin.

Dahan-dahan akong umupo at tiniis Ang sakit sa tagiliran. Nang makasandal sa headboard ng Kama ay Napabuga ako ng hangin at inalala Ang lahat ng nangyari.

Nakulong na Kaya ng tuluyan Ang mikang iyon o kinuha na sya ni satanas? Tss Isa pa Ang si somaya na pinsan nya pala. Grabe kamag anak ata nila si Lucifer.

Napailing ako at Natigilan ng mapagtantong walang Kahit Sino Ang narito.

Nasan sila? Hindi Naman pwedeng walang nag babantay sakin dito at...at saka! Yung anak ko! Bwiset nangako pala akong uuwi ako ng maaga nung isang araw sa party ni Mr. Fortelejo. Siguradong nag tatampo na Naman iyon!

Napabuntong hininga ako at ibinaba Ang paa sa sahig. Tumayo ako at napangiwi ng kumirot na Naman Ang sugat ko.Hindi Naman masyadong masakit,parang nabigla ko Lang Ang katawan ko Kaya kelangan mag lakad lakad rin ako.

Mabagal akong humakbang palapit sa pinto. Pinihit ko Ang siradura at sumilip muna kung may tao.malay natin nasa labas Lang sila.

Pero Nangunot Ang noo ko ng walang Kahit anong nakita. Tuluyan akong lumabas at tumingin sa mag kabilang hallway.

What the heck is going on?

Nag lakad ako papunta sa exit at tumigil sa harap nito.lumingon ulit ako sa likod Kung may Tao ba na dadaan pero wala.tanging liwanag Lang Galing sa salamin.

Fuck! Kinukuha na ba talaga ako ni San Pedro?

Binuksan ko Ang pinto at agad na lumabas. Napangiti ako ng tumama sa balat ko Ang sinag ng araw. Sa tantya ko,Alas sinco na nang hapon.

Garden? Bakit nasa garden ako ng hospital? Hindi ko Alam na sa garden Ang exit.

Tiningnan ko ulit Ang pintong nilabasan ko.

Oh? Exit Naman Ang nakalagay sa taas ng pinto.

Saglit akong napaisip pero napailing na Lang at umupo sa Isa sa mga bench. Napapikit ako at ninamnam Ang sariwang hangin. Tanging tunog Lang ng mga dahon Ang naririnig ko.

"Ehe enebe wag dyan.."

"Sige na pa kiss.."

Nasira Ang moment na pag re-relax ko ng makarinig ng hagikhikan. Akala ko ba walang tao dito?

Ibinukas ko Ang mga Mata ko at bumungad sakin Ang isang lalaki at isang babae.Nakaupo sila sa harap ko at mag kayakap-o nag haharutan?

"Uh excuse me?" Tawag pansin ko pero Hindi nila ako pinansin. Nag kasalubong Ang kilay ko at tumingin tingin sa paligid.

"Nasan Ang ibang Tao dito?" Tanong ko ulit pero patuloy silang nag hahagikhikan.

Nakaramdam ako ng takot ng maisip na baka Isa na akong multo Kaya di nila ako nakikita!

Tumayo ako sa harap nila at iwinagayway Ang kamay sa mga mukha nila. Pero nagulat ako ng Basta silang tumayo. Umalis Yung babae samantalang Yung lalaki at hinawakan ako sa kamay ay bewang. Mag pupumiglas Sana ako ng makarinig ng tugtog.

'ℎ𝑒𝑎𝑟𝑡,𝑏𝑒𝑎𝑡,𝑓𝑎𝑠𝑡 𝑐𝑜𝑙𝑜𝑟𝑠 𝑎𝑛𝑑 𝑝𝑟𝑜𝑚𝑖𝑠𝑒𝑠.."

Natigilan ako at naalala Ang pamilyar na nangyayari. Ito Yung tugtog sa prom namin! Yung gabing umamin sakin si Kendrick na Mahal nya ako.

Napatawa ako ng pilit na nag s-sway Ang lalaking isinasayaw ako.

"Anong pakulo to?" Tanong ko pero ngumiti Lang Ito at bigla ako binitawan at umalis. Nakatunganga ko itong sinundan ng tingin pero halos atakihin ako sa puso ng may mga taong lumabas sa mga gilid.

A night to remember(UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now