CHAPTER 10

2.6K 131 25
                                    

"anong nangyare sa pag uusap nyo ni rose?" Mom asked me.

Naalala ko si cy,Ang akala ko girl pageant Lang at walang partner.

"Ayos Naman,may partner po pala kaming lalaki"

"Talaga?" Singit ni ate na Galing sa kusina dala Ang ulam,tumango ako.

"Gwapo? Macho? May six pack abs ba?"

Napangiwi ako sa tanong nya,itong buntis na to,mag kaka-anak na haharot parin.

"Oh ano?! Gwapo ba?" Sabi nya ulit but this time niyu-yugyug nya ko,feeling ko naalog ata utak ko.

"Ano ba ate masakit sa ulo!" Reklamo ko,tumigil Naman sya at naka ngising umupo sa tabi ni mom na nasa harap ko.

"Siguro gwapo no?"

"Well,Oo" sagot ko na kina-tili nya.

"Baka sya na Ang the one mo!"

"Sus tigilan mo nga ako ate!"

'Kasi may ibang tinitibok Ang puso ko'

Mahina nyang hinala Ang buhok ko. "Wag kang mahina lil'sis,kapag gwapo at macho Kama dapat Ang deretso" taas-babang kilay na Anya.

Bigla syang kinurot ni mommy. "Wag mong turuan ng ganyan Ang kapatid mo!"

"Masakit Yun mom ah!" Reklamo nya habang hinihimas Ang brasong kinurot ni mommy. "Suggest ko Lang Naman!"

Nandito kami sa loob ng room,nag luto si mommy Kaya dito na Lang kami kakain,Wala dito si dad at kuya,di ko Alam Kung nasan sila.

"Suggest-suggest eh Kung kurutin kita sa singit?!,ke bata-bata pa nang kapatid mo!"

"Sorry na mom,Malay mo...mamaya ngumiti na Lang mag Isa yang si sheya." Ngising Saad ni ate.

Sinamaan Lang sya ng tingin ni mom.

"About dun sa kailangan nyong bilhin,nabili nyo ba?" tanong ni mom habang sinasandukan ako ng kanin napasimangot naman ako.

"Oh anong mukha yan?" tanong Rin ni ate.

"Magandang mukha" sagot ko,lumaki Ang ilong nya at umismid.

Bumaling ulit ako Kay mommy "Yun na nga mom,Wala akong mapiling swimsuit dun!"

"It's ok,nadala ko Naman ata Yung swimsuit na binigay ng tita mo sayo."

Biglang nag liwanag Ang mukha ko pero agad ring napawi ng maisip Yung gown,Shuta na yan,siguradong maiinis sakin si rose dahil Wala akong nabiling gown.

"Mommy Yung gown pa,di Rin ako makapili Kasi lahat magaganda,Alam mo namang mahina ako sa ganyan!" nag papadyak-padyak na aniya ko.

"Oo na,kami na Ang pipili ng ate mo mamaya,kumain na Muna tayo"

"Ay sige game ako dyan! Sisiguraduhin namin ni mommy na Ang Gown mo magiging pinaka maganda sa lahat!" Ani ni ate.

Napangiti Naman ako,sa wakas wala nang dapat pang problemahin.

Teka anong oras na ba?,Ang Sabi ni rose dapat pag katapos ng lunch ay nandun nako sa resto.

Tumingin ako sa orasang naka sabit sa dingding,nanlaki Ang Mata ko nang makitang mag o-one pm na.

Shutaaaa! Di pa ko tapos kumain tapos maliligo pa'ko!

Dali-dali Kung kinain Ang pagkaing sinandok sakin ni mommy.

"Luh,ubus na agad pagkain mo? Eh nakaka tatlong subo palang ako!" gulat na Ani ni ate.

"Mag o-one na Kasi! Usapan namin ni bakla pakatapos ng lunch ay dapat nandun na! Maliligo pa ako!" Sabi ko at agad na hinablot Ang tuwalyang nakasabit sa upuan at tumakbo papuntang c.r.

A night to remember(UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now