CHAPTER 3

2.6K 126 0
                                    

Sheya POV.

Pag kagising ko palang ay agad kong inihanda ang susuotin Kong damit mamaya papuntang bar.

Well, it's time to have fun. No more dramas ,Life is short. Gawin mo ang lahat nang bagay na makapag papasaya sayo. pero kung ayaw mo, edi mamatay kana lang. go girl.

Nakapagligo nako at agad na nag bihis. Isang backless dress na hapit sa katawan ang napili ko at umabot lang ito hanggang kalahati ng hita ko. damn. ang ganda ko talaga.

sinipat ko ang aking sarili sa salamin at umikot para makita ang kabuuan ko. I put a light make up on my face. Kinulot ko rin muna una ng buhok ko bago ito pinusod then vuala! Perfect. Agad kong Kinuha ang black pouch at sandals na nakapatong sa kama at   dahang dahang lumabas papuntang hagdan.

It's already 11:39pm tulog na silang lahat pero syempre kelangan paring mag ingat.

Naka hinga ako ng maluwag ng makababa ako ng hagdan na walang nagawang ingay,napangiti ako at agad na deretsong lumakad papuntang pinto pero di pa man ako nakaka abot ay nasagi ko na Ang vase na nakapatong sa lamesa.

Napapikit ako ng marinig Ang malakas na pag ka hulog nito sa sahig.

'great'

 dali-dali akong nag tago at yumuko sa likod ng sofa ng makarinig ng footstep. pasimple kong inilabas ang ulo ko at sinilip kung sino iyon.

Si Jessa,Isa sa mga kasambahay rito.

Kamot ulo nitong inilibot Ang paningin,agad akong yumuko ng dumako Ang paningin nito sa sofang pinag tataguan ko. grabe napaka bruha naman ng buhok ng babaeng to. myghod kung walang ilaw siguradong kumiripas na ko ng takbo pabalik sa kwarto ko dahl mapagakamalan ko syang multo.

shit! Masisira ang pag kaka ayos ng buhok ko!

Muli akong sumilip kung nandon pa si Jessa, good thing wala na kundi baka abutin ako ng umaga kakatago rito.

Bumuga ako ng hangin at tumayo. Inayos ko Ang pag kakabuhol ng buhok ko at gusot sa damit.

Nag umpisa akong mag tip-toe palapit sa pinto. at nagmamasid kung may tao pa bang paparating.

Nang mahawakan ko ang siradora ng pinto ay mabilis akong nakalabas at maingat na muling isinara ito.Napangiti ako nang tagumpay nang malanghap Ang malamig na hangin.

Sinuot ko na Ang heels na dala ko lumakad papasok sa kotse.Pinaandar ko ito at tinahak Ang daan papuntang WILDEST BAR. Isa sa pinaka sikat Ang WILDEST BAR celebrities at mayayamang tao Ang dumadayo roon. Kailangan mo nang golden card para maka pasok,Nag kakahalaga LANG Naman 1.5 million Ang card na yun.

Well hindi na nakapag tataka dahil kapag meron Kang card ay libre na lahat ng pagkain at inumin sa loob, Kahit mga babae ay di mo na kailangan pang bayaran o bigyan ng tip dahil sakop na yun sa binayad mo sa card.

I have one card,duh! Barya Lang Ang 1.5 million sa pamilya namin,we have many companies,at sa bawat minuto ay milyon-milyong pera Ang pumapasok sa kumpanya.

Of course, one of those company is mine.

THIRD PERSON POV.

Nang matanaw ng dalaga na malapit na sya sa paroroonan nya ay madali nyang inayos Ang sarili.

Sa labas pa lamang ay rinig na Ang malakas na tugtog ng bar.

Pinarada ni sheya Ang kotse nya at galanteng bumaba.

Napapatingin Ang mga kalalakihan na nasa labas Kahit pa Ang mga bantay ng bar ay napukaw ang atensyon.

Sinong Hindi mapapatingin sa napakagandang hubog ng katawan,lantad Ang makinis na binti at Ang nag lalakihang dibdib.

A night to remember(UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon